Chapter Eighteen: Take it?

287 18 1
                                    

Veronica Hawtale

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong hingalin ng sobra dahil sa pagtakbong ginawa namin.

Malayo na ang narating namin mula sa gym kung saan kami nanggaling. Dun pala kasi ang labas ng pintong nilabasan namin which is a huge advantage dahil mahihirapang maghanap ang mga humahabol saamin dahil sa dami ng tao dun ngayon. May basketball at cheerdancing practice kasing nagaganap doon ngayon kaya tiyak na papalpak sila sa paghahanap samin.

Muli ay isang marahas na buga ng hangin ang pinakawalan ko bago pumihit patalikod at akmang maglalakad na palayo ng higitin nanaman nya ang kamay ko paharap sakanya.

"Teka! Bakit ka nandun?" He asked on a serious tone na ikina-irap ko.

"Would you answer me if I ask you the same thing?" Malamig na bwelta ko dito na ikinangisi lang nya. Amusement flared on his gray eyes habang nakatitig sa mukha ko.

"No. Okay let me ask you one more question then. Anong pangalan mo?" I sighed bago muling napa-irap sakanya.

"Don't be ridiculous. I know that you know who I am." Kung hindi kasi ako nito kilala ay yun agad ang unang itatanong nya saakin. Pero imbes na tanungin ako kung sino ako at pagdudahan ang paghila at pagtakas ko mula sa lugar na yun ay iba ang tinanong nya. He asked me what I was doing there instead of questioning my very existence.

"You're smart."

"And you're not. Fuck it. Just let go of my damn hand and let's just forget we saw each other for the rest of our lives." Malamig na sabi ko bago sapilitang tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko. I turned my back against him at akmang maglalakad na paalis doon ng biglang magring ang cellphone ko. Dahil doon ay natigilan ako sa paglalakad at inis na kinuha ang nag-iingay na cellphone sa bulsa ng pantalon na suot ko.

I answered it without even looking at the caller ID.

"Who the fuck is this?"

"Hello to you too again! Where are you? May laban tayo mamaya. Your 20 minutes is almost up! We need you here ASAP!" Parang boss na sabi ng diyos ng kamalasan sa kabilang linya making my jaw clench of annoyance.

"The hell I care kung may laban mamaya. Kaya nyo na ya~" bago ko pa matapos ang sanang litanya ko ay nagsalita na ito ulit na mas lalong ikinakulo ng ulo ko.

"You can't just ditch us! Come on! We're fighting The Wolfang! Rank 4 sila kaya alam kong mageenjoy tayong lahat sa laban mamaya. Tsaka balita ko malaki-laki ang mapapanalunan natin mamaya since nasa top 5 ang kalaban natin." Daldal pa nya kaya wala akong nagawa kundi ang um-oo na lang. Kahit pa ba wala ako sa mood makipagbasag-ulo ngayon, may isa akong salita. I don't turn my back on the words that I've said. Um-oo ako sa alok nyang membership sa lecheng gang na yun kaya wala akong magagawa kundi ang panindigan iyon.

"Fine! Where and When?"

"Yun oh! Haha! Dito muna sa bahay ni Slyvia. 6pm. 5 na kaya kung ako sayo bibilisan ko na ang pagaayos dahil bawal ang la~." I rolled my eyes bago sya pinatayan ng tawag. Napakadaldal talaga ng isang iyon. Hindi ko maintindihan. Minsan masungit, kadalasan naman madaldal. Tinalo pa ako sa kakaputak.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang pagtawag sakin ng isa pang madaldal sa likod ko.

Can't they just shut their fucking mouths up?

Nakakarindi ah!

Imbes na umuwi sa mansyon ay dumiretso ako sa hideout ko sa rooftop at doon nagpasyang mag-ayos ng sarili. Tutal may banyo na din naman dito, hindi ko na kailangan pang lumabas at magpagod. Ang problema lang ay wala akong maisusuot na damit kaya ang ginawa ko, tinawagan ko si Hermes para utusang ibili ako ng komportableng damit. Sa lahat kasi ng elite members ng Olympus, si Hermes lang ang maayos bumili ng damit. The last time I asked Ares, Apollo, and Aphrodite to buy me clothes, kulang na lang ay magmukha akong GRO sa sikip at ikli ng binili nilang damit. Muntik ko na ngang ipasuot sa dalawang hinayupak ang binili nila at pagbabarilin sila pagkatapos. Mabuti na lang at dumating si Hermes dala ang mas maayos na damit kaya nakaligtas sila sa panggagalaiti ko.

Habang hinihintay si Hermes ay nagdecide akong maligo dahil amoy pawis na ako kakatakbo kanina. Sana pala iniwan ko na lang yung gagong yun doon at tahimik na lang akong lumabas dahil mukha namang hindi nila alam na may nakapasok doon not until he came and fucked it all up.

After cleaning myself up ay lumabas ako sa banyo suot-suot lang ang robe ko bago naupo sa harap ng monitors na konektado sa mga CCTV na kinabit ko sa buong campus.

Gaya ng nakasanayan ay tinaas ko ang paa ko sa desk kung saan nakapatong ang mga monitors kaya lumihis ng konti ang robe ko revealing half of my thighs in view. Sa tagpong iyon bumukas ang pinto ng hideout ko revealing Hermes na abala sa pagtingin sa nakabukas na paperbag.

"Queen! Ito na yung damit na~" nabaling ang tingin ko sakanya mula sa monitor ng bigla syang natigil sa pagsasalita. I rolled my eyes bago inabot ang dagger na nasa desk at tinapon yun sakanya ng mahuli ko syang nakatitig sa legs kong nakaexpose.

"Keep your fucking eyes to yourself Hermes!" Sigaw ko dito pagkatapos nitong maiwasan ang tinapon kong patalim dito. He chuckled bago naglakad papunta sakin.

"Ayusin mo kasi ang upo mo Baby Queen para di ako natatameme dito. Jusko!" Patawa-tawang sabi nya bago inabot saakin ang damit. Inambahan ko sya ng suntok bago tuluyang tumayo at naglakad papunta sa banyo. Mahirap na baka bosohan pa ako ng manyakis na Hermes na yun.

After kong magbihis ay lumabas ako ng banyo at tsaka nilapitan si Hermes na nakaupo na ngayon sa kinauupuan ko kanina. He's busy watching the students but I know better. Alam kong pinapanuod nya din ang kaninang pinapanuod ko. Siguro ay napansin din nito ang ilang estudyanteng umaaktong kahina-hinala sa paningin nya.

"Tell Dionysius to check Olympus' dropbox. May files akong sinend doon. I want all of you to understand it and give me a report about it. And tell Athena to prepare a conference this saturday at 3pm. Details would be discussed during the meeting." Dire-diretsong utos ko dito bago kinuha ang bagpack ko na nakapatong sa couch at mabilis na nilisan ang rooftop. Trenta minutos na lang kasi ang meron ako para makapunta sa bahay kuno ng babaeng mapula lagi ang tuka. Well I just hate being late. Baka sabihan pa akong unprofessional ng babaeng yun kapag nahuli ako sa pinagkasunduang oras.

Well I doubt naman na magagawa pa ako nitong awayin after what they've witnessed last time. Naghihintay na nga lang ako kung kailan sila magsisimulang magtanong tungkol sa pagkatao ko. Not that I don't want them to know. Hindi ko naman totally tinatago ang identity ko dahil hindi naman ako natatakot sa kahit sino. They can try and murder me for all I care. Yun ay kung kaya nila.

Alam ko naman na may possibility na malaman nila ang tunay na katauhan ko lalo na't we're moving on the same ground at madami na ding nakakikilala saakin sa mundong ginagalawan namin. Kung gusto nilang sagutin ang mga tanong nila tungkol sakin by themselves, then why the hell not?

Mabuti nga yun para malaman nila kung gaano ako kasamang kalaban. Para na din malaman nila na kung ano ang magiging kabayaran kapag sinubukan nila akong traydurin. They wouldn't like to meet the Queen of Olympus. They're better off knowing Veronica Inouei. Isang 3rd year college student na nirecruit ng diyos ng kamalasan sa gang nila at pumayag naman dahil sa bored sya.

Tsk. Sayang lang lalo na't may balak akong isama sila sa mafia.

Masyado pa silang mabait. Their frail heart won't take the reality of the underground world. Tsaka ko na lang sila isasama kapag wala na silang kaluluwa.

Or should I just take it?

Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon