Chapter Twenty Two: Chaotic Lunch

280 17 0
                                    

Veronica Hera Hawtale

*yawn*

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa harap kung saan nagdidiscuss ang teacher namin sa Field Methods in Psychology. Kanina pa ito dada ng dada sa harap pero wala namang pumapasok sa utak ko ni isa sa mga sinasabi nya. Para syang movie na naka-mute sa harap ko.

Mula sa mukha nya ay nalipat ang tingin ko sa wall clock na nasa itaas ng white board na nasa harap. Twenty minutes pa bago matapos ang klase na ito. Mabuti na lang talaga at may 3 hour vacant period ako after this. Pero sino nga bang niloko ko? Hindi naman na talaga ako papasok sa mga sunod na klase ko mamayang hapon. Who am I kidding? I can drop every single class I have and still gets away with it. Nandito lang naman ako para sa isang misyon.



15 minutes.

God! I can't take this anymore! I need to escape this hell hole. Kaya naman ng tumalikod ito para magsulat sa white board ay mabilis kong hinagis palabas ang itim na Jansport bag ko na tanging cellphone ko lang ang laman. Muli syang humarap saamin kaya patay malisya ako kahit pansin ko na ang paglingon-lingon ng mga kaklase ko saakin at sa bag kong lumipad palabas.

Wala din naman kasing kaalam-alam ang professor na nasa harap sa pinaggagagawa ko. Here I am plotting my escape and there she is smilling like an idiot na para bang ang bait-bait naming lahat. Kahit nga ang mga kaklase ko ay patawa-tawa na dahil sa ninja moves ko. I even heard someone muttered something like lodi na pinagsawalang bahala ko na lang. The moment she turned her back again ay mabilis na ginapang ko ang distansya ng upuan ko at ng pinto. Isang halakhak pa nga ang narinig ko ng sawakas ay makalabas ako. I was still on fours ng abutin ko ang bag ko sa sahig ng hallway. Escape successful.

Tatayo na sana ako ng biglang lumitaw sa harap ko ang pares ng isang mamahalin na rubber shoes, kaya unti-onti kong inangat ang tingin ko mula sa sapatos nya pataas sa mukha nya. I rolled my eyes ng magtagpo ang mata naming dalawa.

"Sneaking out huh? What a bad girl you are baby." Nang-aasar na sabi nya as he tower over me. I was about to stand up, again, when I heard the old woman inside who is by the way, my professor, calling out my damn name.

"Shit!" Mura ko bago mabilis na tumayo at kumaripas ng takbo.

"Wait!" Rinig kong sigaw nya bago narinig ang mga yabag nyang tumatakbong sumusunod din saakin. Tumigil lang ako sa pagtakbo ng makalayo na kami sa classroom kung saan nagaganap ang klaseng tinakasan ko. I let out a sigh dahil sa bahagyang pagod na naramdaman bago nagsimulang maglakad na lang papunta sa cafeteria para kumain. It's already lunch time and I still haven't eaten my lunch. Busy din kasi si Ares kaya wala akong mautusan para ibili ako ng makakain.

Argh. Saan ba kasi nagsususuot sina Zeus at Poseidon? Wag nilang sabihin na sineseryoso nila ang pagtuturo nila? They entered the school as practice instructors kasi to be with me here. Sus, if I know sayang-saya ang dalawang yun sa nakukuha nilang atensyon mula sa mga kolehiyalang kulang na lang ay mag hubad sa harap nila kanina.

I was literally pulled back to reality ng maramdaman ko ang paghigit ni Thunder sa braso ko paharap sakanya.

"Come with me. I know you still haven't eaten your lunch. Cafeteria food sucks!" Nakangising sabi nito saakin before dragging me towards the parking lot. Sinakay ako nito sa passenger seat ng itim na ferrari nya bago sya sumakay sa driver seat. After settling down ay binuhay na nito ang makina before manouvering the car out of the Academy. I didn't even bother asking him kung saan kami papunta kaya the whole ride was nothing but pure silence. Ano din naman kasi ang silbi? Magtatanong pa ako kung malalaman ko lang din naman pag nandun na kami. Kung sakali naman na magbiglang liko sya, sigurado naman ako na kayang-kaya kong baliin ang bawat buto sa katawan nya. In case all of you forgot, I just want to remind that I'm completely and perfectly capable of killing him if he ever do something out of line kaya there's no reason for me to freak out now.

Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon