Chapter Seven: They're Back

402 17 1
                                    

Veronica Hawtale

Wala sa sariling napahikab ako dahil sa hindi matawarang antok na nararamdaman ko ngayon.

Parang gusto kong sapakin tuloy ang mga taong naging dahilan para hindi ako makatulog ng maayos kagabi.

You might all be wondering kung ano ang pinagsasasabi ko.

Well, last night happened one of the most important moments of my life.

Kagabi lang naman nangyari sa hindi ko alam kung pang-ilan nang pagkakataon ang pagdatingan ng tatlong 6 wheeler trucks at nagbagsak ng kung anong produkto sa likod ng Topaz building.

For almost 2 hours ata nilang ginawa ang paglilipat ng mga kargamentong iyon at almost 2 hours din akong nanuod sa bawat galaw nila. I also screenshot all of the truck driver's faces at sinend yun kay Apollo asking him to track those people down and bring them straight to Tartarus.

Lutang na naglakad ako papunta sa sunod kong klase which is Abnormal Psychology.

At dahil likas na tatanga-tanga ang mga estudyante dito, I bumped into someone again.

That person fell on the ground kaya bagot na napabuntong-hininga ako. When will this scenario end?

I really can't take this anymore.

"Yah!" Galit na sigaw ng nabangga ko bago tumayo at dinuro ako.

I let out a heavy sigh bago sya malamig na tinignan. Bahagya ko din syang tinaasan ng kilay to ask kung ano ang kailangan nya.

"You!" Sigaw nyang muli.

Pikon na napapikit ako ng maramdaman ko ang pagtalsik ng laway nya sa mukha ko.

Hindi ako maarte pero kung laway sa mukha na ang paguusapan, magkakamatayan!

I am about to punch the girl's disgusting face when someone held both of my arms at exaggerated na hinila ako pabalik.

"Vee mag hulos dili ka! Alam kong gusto mo na syang sungalngalin kasi dugyot sya pero wag! Makikick out ka!" Sigaw ng isang boses na nakilala kong pagmamay-ari ni Poseidon.

"What the fuck are you doing here?!" Galit na bulong ko sakanya bago sya kwenelyuhan.

"Queen wag kang harsh. They're watching you know!" Nakangiwi at pasimpleng sabi nya bago tumingin sa paligid as if telling me na bitawan ko na sya dahil maboblow ang cover naming dalawa.

I looked around only to see some girls glaring at me dahil sa lalakeng hawak-hawak ko sa kwelyo ngayon.

Don't tell me naattract sila sa isip batang toh?

They've got to be kidding me!

Sisinghalan ko na sana sila ng may bigla akong maalala

I almost forgot na dito pala nag-aral ang kutong lupang ito kaya some of them might still know him and I, holding him like this is somehow a bad idea. 

I gritted my teeth bago sya mahigpit na hinawakan sa kwelyo at hinila paalis ng lugar na yun.

I brought him up in Sky at isinalya sa sofa bed pagkapasok na pagkapasok pa lang namin.

"Wahhh Queen wag po! Wag nyo po akong hahalayin! Ate wag po!" Eksaheradong tili nya habang tinatakpan ang sarili nya ng throw pillow sabay siksik pa ng sarili sa dulo ng sofa bed.

Nangunot ang noo ko dahil sa inaakto nya.

Is this guy delusional?

Is he schizophrenic?

He really scares me sometimes.

"Stop imagining things Poseidon. I'm not going to rape you. You're not even my type." Nandidiring sabi ko sakanya bago sya binigyan ng isang mapanuring tingin.

Napailing-iling na lang ako ng ilagay nya ang dalawang kamay sa dibdib at umaktong nasasaktan.

"Ang sakit mo naman magsalita Queen! Ang katawang ito ay nilikha ng amang Diyos para sa mga kababaihang katulad mo! Perpekto ang hubog ng katawan ko Queen! Masyadong perpekto para sa kahit kanino! Kaya hindi ko hahayaang maliitin mo ang perpektong katawan ko!" Madramang sabi nya bago kunwaring nagpunas ng luha.

Hindi ko alam kung ilang beses nyang sinabi ang salitang perpekto sa paliwanag nyang iyon at wala na akong balak alamin pa kung ilan dahil tataas lang ang BP ko sa lalakeng ito.

Mas matanda sya saakin ng ilang taon pero kung umakto sya parang kasing liit ng utak ng langgam ang utak nya.

"Bago mo ako lait-laitin sa utak mo Queen. Pinadala ako dito ni Ares to tell you about something really important. Cronus is back. Together with Lady Akira." Seryosong sabi nya na ikinatigil ko sa paglalaro ng ballpen na nasa kamay ko.

Napangisi ako bago sya tinapunan ng isang malamig na tingin.

"That's good news." Malamig na sabi ko bago tumayo at naglakad papunta sa harap ng monitors na nandito sa loob ng Sky.

"Why don't we challenge them? Let's see kung sino sa dalawang kampo ang mas matigas. Kung sino ang mas kayang umangat." I said as I look at the monitor.

"Kailangan pa bang magtanong tungkol dyan Queen? Olympus is number one in the underworld! Nangunguna tayo sa pinakamalakas na Mafia sa buong mundo kaya bakit ka pa makikipagkumpetensya sa pipitsuging grupo ni Lady Akira?" Seryoso ngunit puno ng pagtatakang sabi ni Poseidon bago ako tinapunan ng isang weirdong tingin.

"Let's say, kailangan kong isampal muli sa pagmumukha nya na hindi pagmamay-ari ng matandang hukluban na yun ang Mafiang pinagkakainteresan nya? It was built out of our blood and of our damn sweat. Olympus was built out of our blood pack so why would someone like her dare to steal it away from us?" Galit na sabi ko bago ko tinignan direkta sa mata si Poseidon na nagiigting na ang mga panga ngayon.

"Wag kang mag-alala Queen. As long as I and the others are alive, we won't let Olympus fall." Determinadong sabi nya bago tumayo at poker face na naglakad palabas ng Sky.

If you are all wondering kung ano ang pinaguusapan namin, well let's say Olympus started out of a small group too. We were four in the group.

Me and the Big Three, Zeus, Poseidon and Hades.

We are just a lowly gang who struggled to be on top. We crawled our way on top and now someone wants to take it away from us.

God forbids but I will kill whoever will try to take Olympus away from me.








Kahit kadugo ko pa ito.

Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon