Chapter Six: Stranger

408 16 0
                                    

Veronica Hawtale

*kinaumagahan*

"Ms. Ionoue! Parang hindi ka ata interesado sa tinuturo ko!" Galit na sigaw ng professor na nasa harap ng klase ko ngayon.

I mentally rolled my eyes bago sya tinapunan ng isang malamig na tingin.

"Did I make it too obvious?" Tanong ko na mas lalong ikinausok ng dalawang butas ng ilong nito.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bahagyang paghagikhik ng iba sa mga kaklase ko na malamang ay sumasangayon sa sinabi ko kanina.

"That's it. Get the hell out of my class!" Sigaw nito. Kulang na lang talaga ay umusok lahat ng butas nito sa katawan dahil sa sobrang inis.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo at binitbit ang bag ko bago naglakad palabas ng classroom.

Now what?

I mentally killed that professor inside my head bago naglakad papunta sa cafeteria.

When I finally reached the cafeteria, I ordered my food before scanning the whole hall for any vacant seat.

Ng sawakas ay makakita ako ng bakanteng lamesa at tahimik ngunit taas noo akong naglakad palapit doon.

I was about to sit on the vacant chair ng biglang may naunang naglapag ng tray sa lamesang paglalagyan ko sana ng tray ko.

I gritted my teeth.

These idiots are really testing my damn patience.

I composed myself bago tinapunan ng isang malamig na tingin ang lapastangan na nagmamay-ari ng tray na nakalapag ngayon sa ibabaw ng lamesang napili ko kanina.

And there I saw a guy na tila walang pakealam sa paligid nya. He's just eating his lungs out.

"Don't mind me. Just eat. Among these people you're likely to ignore me so just eat." Kasing lamig ng yelo na sabi nito bago pinagpatuloy ang pagkain niya.

For a moment I was lost for words pero pinili kong ipagsawalang bahala na lang dahil pareho naman ata kaming ayaw ng atensyon ng kahit sino.

We both ate in peace.

Ni hindi kami nag-abalang tignan ang isa't-isa dahil wala naman kaming nakikitang dahilan para gawin iyon.

I am the first one to finish my food kaya nauna akong tumayo sakanya at lumabas ng cafeteria.

Hindi na din ako nagpaalam dahil again, wala akong nakikitang dahilan para gawin iyon.

Dahil wala naman na akong susunod na klase ay umakyat na lang ako papunta sa sky para imonitor ang nangyayari sa iba't-ibang bahagi ng academy.

Sinisiguro ko din na nakalock ang pinto ng rooftop sa gayon ay walang makakaalam na bukas na ito para sa isa sa estudyante ng Elite Academy.

Bagot na naupo ako sa swivel chair na nasa harap ng mga monitors bago kinuha ang wireless mouse at ang mouse pad at nilagay yun sa hita ko.

Heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon