CHAPTER 1 Girl or Boy?

4.4K 86 0
                                    

CHAPTER 1 Girl or Boy?

 

***HERMIONE POV***

"YEHEY! Wala ng mas masaya pa sa tinatawag nilang recess." Sigaw ng katabi kong si Ariane. Magkababata nga pala kami at nasa iisang class lang.

"Kung iyan lang naman pala ang inaabangan mo, e di sana hindi ka na lang pumasok sa school. Huwag ka na lang mag-aral!" Wika ko habang nakapatong ang dalawa kong paa sa kabilang panig ng upuan.

"Trip ko lang ito." ^__^

Tss! Ang daming drama sa buhay! =__=

Ibinaba ko ang mga paa at lumabas na lang nitong room namin. Baka kasi mabaliw ako oras na patulan ko ang mga kaabnormalan! Tsk! =__=

"Hey! Saan ka pupunta?" ^__^

"Sa labas, hindi ko feel ang trip mo." =__=

"Hermione naman!" >3<

Nang nasa labas na ako, nagsimula na ang bagay na inaasahan ko sa bawat araw. Ang bulungan ng mga LANGAW! Grrr! +___+

(Ang cute niya.) Girl 1

(Sayang siya!) Boy 1

(Crush ko siya!) Girl 2

(Babae ba siya?) Girl 3

(Hindi, kalahi ko yan.) Boy 2

(Paano mo naging kalahi? Cute siya... samantalang ikaw... No comment.) Girl 3

(Tss!) Boy 2

(Basta... Kahit ano man siya, she's still my crush.) Girl 2

Inis na sinulyapan ko silang lahat. Ayon, nagtilian muna yung iba, tapos ang iba naman ay nahimatay.

Tss! Mga OA! Nakakadiri! =__=

Ganoon ba ako ka cute kaya marami ang nagkakagusto sa aking mga babae? Mga sira talaga sila! Hindi tamang isipin nilang lalaki ako! Purong babae ako! As in puro! Kitang-kita naman sa dibdib ko! >__<

Natigil ako sa kakaangal sa isip nang may kung sino ang lumapit sa aking babae. She's cute, but she's not my type. Hindi ako pumapatol sa mga kalahi ko.

May hawak nga pala siyang regalo at hindi niya ako magawang titigan sa mga mata.

Anong problema nito? =__=

"M-Manee... p-para sayo n-nga pala." Inabot niya sa akin ang regalo, pagkatapos nun ay tumakbo siya nang ubod ng bilis with red face.

Bakit ganun yun? =__=

"Wow!" Amaze na wika ni Ariane. Nasa mga kamay na niya ang regalo.

I'm His Pretend Girlfriend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon