CHAPTER 4 She's beautiful

2K 83 3
                                    

CHAPTER 4 She’s beautiful

 

***HERMIONE POV***

*KINAUMAGAHAN

PAGKAPASOK ko pa lang sa gate. Pinagtitinginan na naman ako ng mga kapwa ko mag-aaral. Hirap maging sikat. Magkaiba nga pala ang suot ko ngayon kesa kahapon. Nakalimutan kong kunin ang damit ko kay Nathan. My hat, jacket and shoes. Bonnet na lang ang inilagay ko sa ulo ko. Hindi na nakatali ang buhok ko at ang dulo ay kulot parin. Huwag ko daw pakialaman, iyan ang sabi ng tatlo kong kuya.

Hindi ako nakasuot ng jacket dahil nilabhan nilang lahat nitong umaga lang. Pati na rin ang malalaki kong damit.

Pinagkaisahan nila akong lahat. Ang sasama nila!

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang may humarang sa dinaraanan ko. Bored na pinasadaan ko sila ng tingin.

"Miss..." Boy 1

 

"O?" Ako.

"Pwede makipagkilala?" Boy 1

"Transferee ka ba?" Boy 2

"Crush kita, pwede ba tayong mag-date?" Boy 3

"Ako! Mahal kita. Tayo na lang dalawa ang mag-date!" Boy 4

"Hindi! Ako ang makaka-date niya!" Tinulak ni Boy 1 si Boy 3

"Ako!" Nakitulak si Boy 2

"Ako iyon." Nakigaya si Boy 4

Problema nila?

Tinitigan ko lang ang pag-aaway nilang apat.

Weird!

 

Wala ako sa mood para pansinin ang kahibangan nila. Masama pa ang loob ko sa mga walang-awa kong kuya. Nilagpasan ko ang apat na kurimaw na ito. Nakakaapat na hakbang na ako kaso may humarang na naman na mga lalaki. Batch 2.

"Ang ganda mo." Boy 1

"Transferee ka?" Boy 2

"May boyfriend ka na ba?" Boy 3

"Pwedeng mag-apply?" Boy 1

"Ako na lang ang sagutin mo." Boy 3

"Ako na lang." Boy 2

Kagaya ng first batch. Nag-away din sila. Tumaas ang kilay ko sa kahibangan nilang ito. Mas lalong tumaas iyon nang may kung sino ang umakbay sa akin. Kung hindi ko lang ito nakilala baka kanina ko na ito nabigwasan.

I'm His Pretend Girlfriend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon