CHAPTER 7 Girlfriend For Real

2.3K 84 2
                                    

CHAPTER 7 Girlfriend For Real

***HERMIONE POV***

"AHHHHHHHHHHHH!" hindi ko mapigilan ang sumigaw. Nawawala si Oinky. Nawawala ang alaga kong baboy. Naluha ako. Ang baboy ko. Iyon na lang ang meron ako. Tapos mawawala pa siya? Bumukas bigla ang pinto. Iniluwa nun ang mga Kuya ko. Puro top less.

"Bakit baby?" Kuya Mike.

"May sunog?" Kuya Hans.

"End of the world?" Kuya James.

"ANO?" silang tatlo.

"Kuya... nawawala si Oinky." T__T

"Sino yun?"

"Ang baboy ko." T__T

"Nag-alaga ka ng baboy nang hindi namin namamalayan?"

"Nagpapatawa ka ba baby? Mag-aamoy baboy itong bahay natin!" >__<

Ang bobo naman nina Kuya. Ang hilig magpatawa, hindi naman nakakatawa. Alam naman nila kung sino ang tinutukoy ko. Kung anu-ano pa ang sinasabi nila. "Ang stuff toy kong baboy. Siya ang nawawala." Iyak ako ng iyak. "Iyon na lang ang meron ako tapos mawawala pa.... Ang mahal kong baboy..." T__T

"Aish!" Kinamot ni Kuya Mike ang ulo niya sabay lapit sa akin. "Saan mo ba inilagay?"

"Bago ako matulog, yakap ko pa siya... paggising ko..." tumulo na naman ang luha ko. Umiyak ako ng todo. T___T

"Saan na ba napunta?" Hinimas ni Kuya Hans ang likod ko.

"Magtatanong ba ako kung alam ko kung nasaan? Gamitin mo naman ang brain mo Kuya." T__T

"Oo na! Nilait pa ako nito." >__<

"Tumahan ka na nga baby..." it’s Kuya Mike.

"Kuya!" T___T

Nagsikuhan silang tatlo at nagtaas ng kanilang mga kamay.

"Promise..."

"Hahanapin namin ang baboy mo. Buhay man o patay!"

Mas naluha ako. "Oinky...."

Siniko ni Kuya Mike si Kuya James. "Joke lang iyon baby. Ibabalik namin ang baboy mo na baboy parin."

Suminghot ako.

"Baby... pwedeng pumasok ka na sa school.... Tinawagan kasi kami ng principal mo... At sabi kasi niya..."

"Ayokong pumasok!" T__T

"Oras na hindi ka pumasok, hindi namin hahanapin ang baboy mo!" banta ni Kuya Mike.

I'm His Pretend Girlfriend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon