CHAPTER 6 Practice + Mad

1.8K 78 0
                                    

CHAPTER 6 Practice + Mad

***NATHAN POV***

MAAGA akong pumasok sa school kahit pa na nanghihina pa ako. Aish! Sa lahat pa kasi ng pwedeng dapuan ng lagnat... Bakit ako pa? Kawawa tuloy ako, hindi nakita si Ganda. Pero ngayon ay makikita ko na naman siya. Mag-de-date na naman kami. Hindi ko maiwasan ang matuwa. Crush na crush ko kasi ang babaeng iyon. Siya ang dahilan kung bakit maaga akong pumasok. I miss her. ^///^

Panay lang ang sipol ko nang matigil ako bigla dahil may kung sino ang tumulak sa akin. Muntik pa nga akong mangudngod sa semento. Buti na lang at maagap ako. Alam ko na kung sino ang may kagagawan nito. Inis na sinulyapan ko ang salarin.

"Pwede sa susunod ka na lang manulak Melissa!" +__+

Ikinibit niya ang mga balikat. "What’s up kuya Nate?" ^__^

"Okay sana kaso nakita kita." =__=

"Bad." >3<

Inayos ko ang bag ko. At naglakad na lang, ramdam ko ang pagsunod niya.

"Kuya Nate, totoo ba ang narinig ko na nag-de-date daw kayo ni Ate Manee?" ^___^

"Oo..." =__=

"Talaga?" *O*

Isip bata talaga ang babaeng ito. Kung umilaw ang mga mata niya parang wala ng bukas. Tumango na lang ako.

"Masaya ako na marinig iyan. Nagtapat ka na siguro sa kanya no?" ^__^

Bigla na lang akong pinihit ng ubo matapos ko iyong marinig sa kanya.

"Kuta Nate... okay ka lang?"

Kinalma ko ang sarili. Marahan kong hinampas ang dibdib. Tapos huminga ng malalim. Siraulong Melissa. Nabigla ako sa sinabi niya.

"Hala, don’t tell me na hindi pa?"

Marahan akong tumango.

"Ang hina mo naman Kuya Nate. Ikaapat na taon na ito tapos hindi ka pa nagtatapat?" O__O

Tumango ulit ako. Nahihiyang kinamot ko ang aking ulo. Ano pa ba ang magagawa ko? Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay tinatablan ako ng hiya. Ang tinding lakas ng loob kaya ang inipon ko para kausapin siya at alukin ng ganoon. Since first year, sobrang crush ko na si Hermione, at alam iyon ni Melissa dahil magpinsan kami. Aish! Lagi kong niyayang lumabas si Ganda upang ipakilala sa kung sino-sinong babae ngunit ang totoo niyan ay hindi ko sila kilalang lahat.

"Tutulungan kita kuya Nate." ^__^

Napatitig ako sa kanya ng husto. "Paano?"

"Practice tayo... Kunwari ako si Ate Manee, tapos sasabihin mo na gusto mo ako." ^__^

I'm His Pretend Girlfriend(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon