PROLOGUE

35 1 0
                                    


PHILIPPINES

NAPAIGTAD sya sa gulat ng malakas na tumama sa gilid nya ang mamahaling flower vase ng kanyang ina. Napapikit sya at napakagat labi dahil sobrang iniingatan nito ang Flower vase na iyon na nagmula pa sa bansang Europa.

'When will you listen to me Maxzin Clein?! When will you learn?! Why are you so stubborn?!' malakas ng sigaw ng ina nya na dumagundong sa buong kwarto nya. Napakagat labi sya at hindi umimik.

'I told you to stay away and do what I told you to do, pero hindi ka marunong makinig! Ang tigas tigas ng ulo mo. You're not a child anymore so stop acting like one!!' muli nanaman sigaw nito. Mas lalo syang napakagat labi dahil hindi nalang basta galit ang ina nya, dahil sa pagbato palang ng mamahalin na flower vase nito ay alam nyang napuno na ito sa kanya. Hindi kailanman nagbato o nanira ng galit ang Ina niya.

Itinaas nya ang kanyang ulo at sinalubong ang nanlilisik na mga mata nito. Para tong isang dragon na nagbubuga ng maraming apoy. 'It wasn't supposed to be like that.'

'Ha! Who do you think you are para malaman mo ang hinaharap?!' Muli nanamang nitong sigaw.

Simula bata sya ay mainit na ang dugo ng kanyang ina sa kanya, madalas sya nitong bulyawan at pagsalitaan ng kung ano ano at sisihin sa mga bagay bagay. Naging bukas ang isip nya sa murang edad sa maraming bagay, at ng dahil narin sa pag trato ng kanyang ina sa kanya ay lumayo ang loob niya dito.

Galit na galit ito sa kanya sa hindi malamang dahilan, kahit anong pilit nyang lapit ito naman ang lumalayo. Minsanan nya nga lang itong makita dahil sa Pilipinas naman talaga ito nakatira kasama ang ama at ang kapatid nya. Binibisita lang sya nito sa New york sa tuwing gumagawa sya ng kalokohan, at ngayon ay andito nanaman ito at sa puntong ito mukhang bibinggo na sya.

'You'll come with me in the Philippines, fix yourself and we will fly right away!' sigaw nito at nagmartsa papalabas ng kanyang kwarto. Napasapo nalang sya sa kanyang noo dahil alam nyang wala na syang magagawa sa desiyon ng ina.

Ang pinaka ayaw nyang mangyare ay mangyayare na, ang mapatapon sa Pilipinas at mag stay sa iisang puder kasama ang Magulang at Kapatid nya. Hindi sya sa close sa Ina at ganun din sa kanyang Ama, pero sa kapatid ay okay naman ang samahan nila.

Napabaling ang tingin nya sa babaeng tumawa sa harapan nya, at doon nakita nya ang isang kaibigan na humahagikgik pa. Kumunot ang noo nito at saka sinamaan ng tingin ang kaibigan.

'Who do you think you are para malaman mo ang hinaharap?' aniya nito na talagang ginaya pa ang boses ng galit na Ina. Napairap na lamang sya.

Ibinagsak nya ang katawan sa kama at saka pinikit ang mga mata. 'What are your plans now Clein?' aniya ng isang lalaki na nakaupo na sa kanyang Sofa. Iminulat nya ang mata at saka umupo at sumandal sa headboard ng kanyang kama.

'I have to go to Philippines and follow her order.' Aniya nya kaya nagtawanan ang mga kaibigan nya. Kahit ang pinaka tahimik sa kanila ay nakitawa narin, sumama naman ang timpla ng mukha nya.

'Is that a joke? In my entire life I never heard you say a joke.' Aniya ng isang lalaki habang hawak ang cellphone nito na nakatabi sa isang lalaki na nakaupo sa sofa. Si Spade Madrigal. Ang pumapangalawa sa kanilang grupo. Maputi ito at halatang halata ang kakaibang lahi nito.

Muling Kumunot ang noo nya ng muli nanaman magtawanan ang mga kaibigan nya. 'Isa pang tawa, ililibing ko kayong lahat sa mga pwesto nyo.' malamig nitong aniya na halata ang pagbabanta sa boses. Agad naman tumahimik ang mga kaibigan nya na ikinailing nya.

'Seriously clein, whats your plan? You are the --' aniya ng kaibigan nya na agad nyang sinamaan ng tingin bago pa nito matuloy ang sasabihin. Si Kiezea Madrigal, ang babaeng gumaya sa sinabi ng ina nya sa kanya. Ang pangalawang babae sa grupo nila na kapatid ni Spade.

Half Goddess;Half HellWhere stories live. Discover now