Chapter 1: TRANSFEREESINILIBOT nya ang tingin ng makatungtong sya sa eskwelahan kung saan ay mag aaral sya. Nasa parking lot sya ng school at kakarating nya lamang, ayaw nya pa sanang pumasok upang maglibot muna ngunit kinakailangan dahil first day nya, ang bilin ng kanyang Ama na si Maximus ay kailangan maganda ang first day nya. Napangiwe na lamang sya habang inaalala ang huling pag uusap ng kanyang ama bago ito lumipad papuntang Europa.
ELLIS UNIVERSITY, ang school kung saan sya mag aaral ngayon. Napangise sya ng maglaro sa kanyang isipan ang mukha ng taong nagmamay ari sa lugar na tinatapakan nya ngayon. 'I can't wait to see you, keziah.' Mahinang aniya nya habang hindi parin inaalis ang ngise sa kanyang labi.
Napa atras ang mga estudyante ng Ellis ng makita nila kung paano ngumise ang bagong salta na babae. Nakatingin ito sa malaking Logo ng eskwelahan habang hindi parin nawawala ang ngise duon. Napahinto naman ang isang lalaki at kinunutan sya ng noo. 'Baliw.' aniya nito kaya napasinghap ang mga nakarinig sa sinabi ng binata. Nagsimula na itong maglakad papalayo sa parking.
Nagsimula narin maglakad ang babae ng marinig nya na ang tunog ng bell na hudyat na mag uumpisa na ang klase, naiirita narin sya sa mga taong tingin ng tingin sa kanya. Hindi naging madali sa kanyang hanapin ang classroom nya, kung kaya't late na sya ng tumapat sa pinto ng classroom nya.
Kumatok sya sa pinto, bumukas naman ang pinto at bumungad sa kanya ang nasa mid's 28 na mukha ng isang babae. Matamis itong ngumite sa kanya, isang ngite na alam nyang kakaiba sa mundo nila.
'Hi. What do you need?' aniya nito na hindi parin nawawala ang ngite sa kanyang mga labi. Sinuklian nya ito ng tipid na ngite. 'Is this block A of business department?' tanong nya. Agad na tumango ang babae sa kanya at saka sya pinapasok.
'Class you have a new classmate.' tumingin sa gawi nya ang babae at sinenyasang lumapit sya na agad naman nyang ginawa. 'Please, kindly introduce yourself.' aniya nya.
Tipid syang ngumite sa mga magiging kaklase nya, dumako ang tingin nya sa kapatid na si Kert at sa mga kaibigan nito. Mga Nagtatakang nakatingin ito sa kanya, hindi nya na lamang pinansin at inilipat ang mata sa nasa dulong mga kaklase. Kumunot ang noo nya ng makitang iyon ang lalaking nagsabi ng baliw sa kanya. Palihim syang ngumise ng masama ang tingin nito sa kanya. 'I'm Maxzin Clein Suarez.' tipid nyang aniya.
Hindi uso ang introduction sa dating eskwelahan nya, dahil lahat ng tao doon ay kabilang sa organisasyon na kinabibilangan nya, at lahat ng tao doon ay magkakakilala. Kaya naninibago syang mag pakilala sa mga taong kaharap nya.
Hindi na sya muling umimik kaya napakunot noo naman ang mga kaklase nya na nag aantay pa ng sasabihin nya.
'Ah, do you have any question class?' ilang na aniya naman ng prof nyang si Isabel Belo ng matapos mag pagkilala ni Clein.
Dumako ang tingin nya sa babaeng nagtaas ng kamay na katabi ng kapatid nyang si kert. Seryoso itong nag taas ng kamay, batid nyang ito ang girlfriend ng kanyang kapatid. 'Where school do you came from?' aniya nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
'I came from Southern Academy Private School in New york.' walang emosyon nyang aniya kasabay ng pagsinghap ng mga kaklase nya at agad nagsimula ang bulungan sa Paligid nya.
Kilala ang Southern Academy Private School o kung tawaging SAP sa kanilang bansa, ito ang pinakamalaking school at pinaka mayaman na school sa buong mundo. Limitado lang ang mga taong pupwedeng makapasok dito, ito yung mga taong may maipagmamalaki sa buhay. Hindi lang basta kayamanan, kinakailangan din ang utak at abilidad sa pakikipag laban.
YOU ARE READING
Half Goddess;Half Hell
RandomIt's all about Maxzin Clein Suarez, and her mystery. Mystery in her life that she couldn't understand. She is hidden in the dark and trying to seek for a light. The secrets she keeps are deep, She'd say it's better to keep at bay. But if you insist...