Chapter 4: EX-COUNTER
ADAM
DERETSA lang akong nakatingin sa mga mata nya. Sa mga mata nyang minahal ko ng sobra. Sa isang iglap ay muli akong bumalik sa nakaraan, lahat ng alaala na kasama ko sya ay nanumbalik sa akin sa oras na to. Mga masasayang alaala kasama sya, walang humpay na tawanan at asaran, mga iyakan at lambingan. Mga hindi pagkakaintindihan, na nauwi sa isang bagay na sobrang naging masakit para sa akin.
Bakit mo ako iniwan? Bakit kapa bumalik?
Iyan yung mga tanong na paulit ulit kung gustong tanungin sa mga oras na ito. Napabuntong hininga ako ng muli kong masilayan ang mukha nya, hindi ko alam kung bakit. Pero sa oras na ito hindi nako masaya na bumalik pa sya.
'Hindi mo ba ako namiss?' aniya nya sa pinaka mahinhin na tono. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya ay ang boses nya, palagi itong mahinahon at sobrang sweet sa pandinig ko pero sa oras na ito ay para bang normal nalang ito para sa akin.
Hindi ako umimik, nakatingin lang ako sa mga mata nya. Iyong mata nya na napaka ganda noon sa paningin ko. 'I miss you so fvcking much Ryker. Do you miss me too?' aniya pa nito. Gulat at nagtaka akong tumingin sa kanya. Sa tatlong taon na relasyon namin ay hindi ko kailanman narinig na magmura sya o mga salitang hindi angkop sa katauhan nya. Kung noon ay natutuwa ako pag tinatawag nya ako sa pangalawang pangalan ko ay ngayon ay naninibago nako.
Isang tao lang ang gusto kong bumanggit sa pangalawang pangalan ko, at hindi ikaw yon.
'Bakit kapa bumalik?' deretsang tanong ko na ikinagulat nya pa.
'Hindi kaba masaya na nakabalik nako ryker?' mahina nyang aniya.
Umiling ako. 'Masaya ako, masaya ako na bumalik ka.' aniya ko kaya mabilis na nagbago ang reaksyon nya. Ang malungkot nyang mukha ay naging masaya na. 'I'm happy ryker, and I want you back in my life---No, we didn't broke up. So technically you are still mine Ryker.' nakangite pa nitong aniya.
How could she say that? Bakit parang ang dating sakin ay napaka dali para sa kanya ang saktan ako.
Napapikit ako sa inis. At saka pilit na pinapakalma ang sarili ko. 'Masaya akong bumalik ka, pero hindi nako magiging masaya kung magkakabalikan pa tayong dalawa.' mabilis na nagbago ang reaksyon nya..Kung noon aligaga ako at hindi ko alam ang gagawin kapag nakikita ko ng tumutulo ang luha mula sa mga mata nya, ngayon ay parang wala lang.
'W-what are you saying ryker? Hindi mo na ba ako mahal?' nag aala nitong aniya. Patuloy na tumutulo ang mga luha nya. Napabuntong hininga ako at pilit sinusuksok sa isip ko na hindi parin nya deserve ang masaktan ng sobra.
Pilit kong pinag mumukhang ayos ang boses ko. 'I still love and care for you, pero hindi na ganun eh. Isang taon at mahigit na tayong hiwalay Cara.'
'Hindi tayo naghiwalay Ryker, for fvck sake!' napapitlag ako sa gulat ng malakas syang sumigaw. Gulat akong tumingin sa kanya, ganun parin ang itsura nya. Umiiyak parin, pero ang mga mata nyang lumuluha ay may bahid na ng galit. Matatalim na ang kanyang mga tingin.
'Pero iniwan moko Cara, iniwan moko ng walang pasabi. Doon palang ay tinapos mo na ang relasyon na meron tayo.' pilit ko parin pinapakalma ang boses ko dahil ayoko parin sya masaktan.
'I left you because you didn't do anything to make me stay Ryker!' natawa ako ng mahina.
Bakit parang kasalanan ko pa?
Umiling ako ng umiling. Akma syang lalapit ng umatras ako. 'I loved you Cara, totoong minahal kita noon. Pero masaya nako kahit wala kapa.'
YOU ARE READING
Half Goddess;Half Hell
RandomIt's all about Maxzin Clein Suarez, and her mystery. Mystery in her life that she couldn't understand. She is hidden in the dark and trying to seek for a light. The secrets she keeps are deep, She'd say it's better to keep at bay. But if you insist...