CHAPTER 5: ANNOYED
Maxzin Clein
Ibinuga ko ang usok ng sigarilyo saka ako bumuntong hininga. Tumingala ako at saka pinakatitigan ang ulap, mabuti nalang at kwarter to 7 palang. Hindi pa gaano katindi ang sikat ng araw, muli akong humithit at saka muli iyong binuga.
'Hoy?! Ano yan?' sa gulat ko ay muntik nakong mapatalon sa kinakaupuan ko na semento. Mula sa peripheral vision ko ay napansin ko ang naglalakad na papalapit na unggoy.
Anak ng, kung minamalas ka nga naman oh.
'Hoy sabing ano yan eh?!' muli nanaman nyang aniya. Talagang pumwesto pa sya sa harapan ko at pumamewang pa. Pinasadahan nya ng tingin ang buong kabuoan ko, agad syang napangiwe ng mapansin kung saan ako nakaupo.
Napaka arte, bading.
'Yosi, tuleg kaba?' walang gana kong sagot sa kanya. At saka muling humithit ng sigarilyo at ibinuga iyon sa mukha nya. Inis naman syang tumingin sa akin.
Kunot noo nya pa akong tiningnan habang magkasalubong ang mga kilay. 'Alam kong yosi yan, pero bakit ka nag yoyosi ng ganito kaaga? At tsaka kababae mong tao eh ang pangit ng bisyo mo.' singhal nya.
Iyan nanaman sya sa babae babae nya. Lintik nayan.
'Malamang may bisyo bang maganda?' walang emosyon kong aniya habang deretsang nakatingin sa kanya. Agad naman syang napangise. 'OO! Iyong maadik ka sakin, iyon ang magandang bisyo. Kaya tigilan mo nayang kakasigarilyo mo, ako nalang ang gawin mong bisyo, total nakaka adik naman ang gwapong katulad ko.' napangiwe na lamang ako at saka nag iwas ng tingin.
Ang lakas din ng bilib nito sa sarili eh. Pambihira.
Muli akong humithit at saka ibinuga iyon. Nang umabot na sa filter ay saka ko pinitik at tinapakan ang baga. Nakangiwe naman syang nakatingin sa akin.
'Sanay na sanay ka ano?' iling iling nyang aniya habang magkasalubong parin ang mga kilay. 'Bakit ka ba nag yoyosi?' seryosong tanong nya. Parang sa isang iglap ay nagbago ang mood nya at ang naaasar nyang mukha.
'Naistress ako eh.' tipid kong aniya. Nanlalaki ang singkit na mata nyang tumingin sa akin.
'Ano?!' sigaw nya. Sa tuwing kausap ko sya ay palagi nalang syang nakasigaw. Akala mo ay napakalayo ko sa kanya.
'Naistress ako.' pag uulit ko. Muling nagsalubong ang makapal nyang kilay.
'Ano?!' anak ng.
'Naistre----'
'Bakit ba paulit ulit ka ha?! Nakakainis kana ha.' singhal nya. Nanlalaki ang butas ng kanyang ilong habang masama ang tingin. Pigil tawa akong tumingin sa kanya.
'Paulit ulit ka kasi, nakakarinde.' aniya ko. Hindi ko alam sa taong to kung paano nya nagagawang umakto ng normal sa harapan ko gayung parehas kaming dapat na mailang sa isat isa sa nangyare kahapon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan iyon, malinaw parin sakin ang pangyayaring iyon. Nakakatawang ako ang nang asar pero naging baliktad ang sitwasyon.
Destroyed.. Chair.. Face. Kingina.
Nag iwas ako ng tingin ng mataan nya akong tingnan, deretso at seryoso. Bigla ay parang nagtambol ang puso ko, hindi ako mapakali sa pwesto ko, hindi ko alam ang gagawin. Nilalamon ng kaba at hiya ang buong pagkatao ko. 'Bakit ka bigla umalis kahapon?' aniya nya sa pinakahinang boses. Hindi ko alam kung mahina na ba iyon para sa kanya, pero para sa akin ay napakalakas ng boses nya na iyon.
YOU ARE READING
Half Goddess;Half Hell
RandomIt's all about Maxzin Clein Suarez, and her mystery. Mystery in her life that she couldn't understand. She is hidden in the dark and trying to seek for a light. The secrets she keeps are deep, She'd say it's better to keep at bay. But if you insist...