Chapter 3: CONFUSED
MARGAUX
Taka akong tumingin sa dalawang babae sa di kalayuan sa table namin. Nasisiguro kong kapatid ni kert iyon at ang isa kopang kaklase na napaka ingay. Pinag mamasdan ko sila mula sa gawi ko habang sumisimsim ng Margarita na nasa baso ko.
Patuloy sa pag dada ang kasama nyang babaeng habang ang kapatid ni kert naman ay masama ang tingin sa kanya. Kung medyo malapit lang kami sa kanila ay paniguradong maririnig namin ang pinag uusapan nila, sa lakas ba naman ng boses ng kaibigan nya ay hindi nayon nakakapagtaka.
'Sinong tinitingnan mo? Sino yung mga yon?' aniya ng katabi kong si Samantha. Ang SSG President na kaibigan namin na madalas Missing In Action o kung tawaging MIA.
Palibhasay katabi ko kaya napapansin ang kilos ko. 'Kapatid ni kert yung isa.' sagot ko.
'Ah talaga? May kapatid pala si kert, hindi ako nainform.' walang interest na sagot nya. Napabuntong hininga naman ako.
Si Samantha Strife ang SSG President ng Ellis University. Walang syang ibang interest kung hindi ang tumambay sa office nya at asikasuhin ang lahat ng papeles na andoon sa loob ng hawla nya, o di kaya ay mag focus sa pag aaral. Sa ganung paraan umiikot ang buhay nya. Sa madaling salita, boring. Hindi ko nga alam kung papano namin naisama yan dito.
'Palagi ka kasing MIA, kaya hindi mo alam. Maxzin Clein is her name, while yung kasama nya Kiezea ata. I don't know if i'm right pero parehas natin silang classmate.' mataray na sabat naman ni Kaye.
Kathleen Kaye Gonzaga, ang isa sa mga kaibigan ko. Sya naman yung tipo ng tao na hindi mabubuhay ng hindi nakakapag taray. Dinaig nya pa palagi ang may reglang babae, mainitin ang ulo at napaka ikli ng pasensya. Sya iyong Girl version sa tropa ni Adam na si Troy na masungit at si Nikko na napakalandi. Sa madaling salita, kaya nyang pagsabayin ang pagtataray habang lumalandi.
'Uso kasi ang magpapasok teh, wag puro tambay sa office mo na puro folders at sandamakmak na papel ang kaharap mo. Tingnan mo yung mukha mo nagiging losyang na, kaya wala kang jowa eh.' pang aasar na aniya naman ni crissy. Pare parehas naman kaming natawa sa reaksyon ng mukha ni Samantha.
Si Criss John Gonzaga o mas kilala bilang crissy, ang nag iisang binabae sa amin na pinsan ni Kaye. Sya yung madalas magpatawa at magpaingay sa paligid, sa madaling salita Clown ng Barkada.
'Wag nyo ngang inaasar si Sam, mamaya mapikon yan mas pumangit at mas mag mukhang matanda yung mukha.' muli kaming nagtawanan sa sinabi ni Alex, mas lalo tuloy sumama ang timpla ng mukha ni sam.
Si Alexandra Salvatore o alex kung tawagin. Ang pinakala malakas mang asar at mang pikon sa amin. Kung gaano sya kalakas mang asar ganun din sya kabilis maasar. Sa Madaling salita Pikunin.
At ako si Margaux Precious Roswell, ang mag aapat na taon na girlfriend ni Kert Angelo Suarez.
Napabaling ang tingin ko sa mga babaeng papasok ng bar. Napangise ako ng makitang masama ang tingin nito sa amin. 'They are here.' aniya ko habang hindi pinuputol ang tinginan namin.
'Ano ba yan, hindi ko pa nakakalahati yung iniinom ko. Asar.' bugnot na aniya ni crissy.
'Tara na, para maaga ako makauwi. Mag aaral pako.' Aniya naman ni Samantha sa gilid ko na agad tumayo at naglakad papalayo sa amin.
Iling iling nalang akong sumunod sa kanya kasabay ang iba kopang kaibigan. Sa totoo lang ay eto lang ang ipinunta namin dito, ang makipag kita sa kanila.
Nang makalabas kami ay masasama ang tingin sa amin ng mga babae, hindi ko alam kung ano bang dahilan o sapat ba ang dahilan nila para umabot kami sa ganito. Walang interest akong tumingin sa leader nila na si trisha. 'Ano bang kailangan nyo samin?' aniya ko sa pinakaboring na boses.
YOU ARE READING
Half Goddess;Half Hell
عشوائيIt's all about Maxzin Clein Suarez, and her mystery. Mystery in her life that she couldn't understand. She is hidden in the dark and trying to seek for a light. The secrets she keeps are deep, She'd say it's better to keep at bay. But if you insist...