Intrams namin ngayon, since Sgt. at arms ang posisyon ko sa SSG, in-assign ako sa isang booth. Marriage Booth. Ako yung nagsisilbing kunware pari ng Booth na 'to. First Day pa lang ng intrams pero marami ng nagpapabook dito samin. Kadalasan, mga senior high. Ang swerte nga nila kasi wala silang hinahandle na booth.
"Perez at Garcia." Bulong ni Jasmine kay John. Si Jasmine ay isang gr9 represntative ng SSG kaya nabilang siya dito. Si John naman ay ang taga tawag sa mga ipinabook dito sa booth. Samantala si Jasmine, ay ang nagsisilbing cashier at receptionist. May bayad, sampung piso kada partner. Itinuturn over naman namin yun sa SSG Adviser namin. At yung pera na yun ay ginagamit para sa mga extra expenses dito sa school.
Dumating na si Perez at Garcia halatang gulat ang dalawa. Binigyan naman ng bulaklak si Garcia at ipinatayo naman si Perez dito sa harapan.
"Yieeee." Tili ng mga estudyante. Yung iba nagkukunwaring bisita ng kasal.
"Kyro. Nanginginig ako." Narinig kong sabi ni Kael, Kael Perez.
Ngumiti lang ako. "Naks, kaya mo yan. Booth lang naman to." Napatawa naman siya sa sinabi ko.
Naging maayos naman ang daloy ng booth namin. Nakangiting nag thunbs up sakin si Jasmine at sinabihan ako na "Pwede ka ng magpari."
Lumipas ang ilang minuto. Nagulat ako ng bigla akong tinawag ni Jasmine.
"Kyro.. si Caleb lang muna yung magkukunyareng pari. Pahinga ka muna." Aniya. Tumango lang ako at lumabas na sa booth.
Nakaupo ako sa ilalim ng puno ngayon, malapit sa pre-school department. Medyo tahimik kasi dito kesa sa may HS department.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Mahimbing akong natutulog sa math time. Dito sa panaginip ko 9th grader pa lang ako. Ewan ko kung bat ganito.
"Kyro." Naramdaman kong yinugyog ako ng katabi ko. Di ko ito pinansin.
"Kyro." Ulit niya.
Nagulat ako ng biglang nanlamig ang leeg ko. Gulat akong napabangon."Fuck." Mura ko. May yelo.
"Mr. Alonzo! Natutulog na naman!" Nakapamewang na sabi ni Maam Ortiga?! Nandito pa siya? Sabagay, 9th grader pa lang ako dito e.
"S-Sorry po." Usal ko. Nagpatuloy na siya sa pagdidiscuss.
Kinalabit naman ako ni Keila. "Bat ang hilig mong matulog? Nagpupuyat ka ba?" Takang tanong niya.
Marahan akong umiling. "Hindi ah."
Lunch time na at nandito kaming apat sa Canteen.
"Alam mo iba ang ngiti ni Kyro pag kasama mo siya." Nakangiting sabi ni Chevs kay Keila na ngayon ay namumula. Pasimpleng siniko ko naman siya.
"Oh? Bat ba?" Natatawang sabi sakin ni Chevs. Mag katabi kami habang si Charles naman at Keila yung nasa harapan namin. Di ko na ito pinansin at pinagpatuloy na ang pagkain.
"Confirmed." Charles. Napailing na lang ako.
Nanlaki ang mga mata ko ng mahagip ko sa tingin si Cheryl, kasama ang mga kaibigan niya.
"Dude.. s-si Cheryl." Utal na sabi ko.
Kunot noong nilingon ako ni Chevs. "Anong meron kay Cheryl?" Takang tanong niya.
"B-Buhay siya." Gulat na sabi ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Keila, napatango naman ako.

YOU ARE READING
Once upon a Dream
Romance"My dream came true because of you." Started: February 23, 2019 Ended:---