TWO

2 0 0
                                    

I want to sleep but I just can't. Naguguluhan din ako sa sarili ko. Bat ganito ang panaginip ko? Parang may series. It just continued our conversation. Normal ba ito?

Sinuot ko ang mga tsinelas ko at bumaba. Nagtimpla ako ng gatas, maybe this can help para makatulog ako.

Bumalik na ako sa kwarto ko at ipinikit ang mga mata ko.

"Imposible." Sabi niga at nag-iwas ng tingin

"Hindi.. i-ikaw talaga yun." Umiling lang siya.

"K-Kukunin ko ang pangalan mo. P-Pangako yan." Sabi ko. Damn bat ako nauutal?

Dahan dahan itong naupo sa ilalim ng puno, tumabi naman ako sa kaniya.

"Tell me about yourself." Sabi ko.

"Im Keila. Magkaedad lang tayo." Nakangiting sabi niya.

Keila? Right! Yun na lang ang sasabihin ko sa katabi ko. Siya talaga yun e.

"What a nice name." I smiled.

"T-thank you." She blushed.

We keep silence for a while.

"It's almost lunch time. Kain muna tayo." Tumango na ako at sinundan siya papunta sa Canteen.

"Dude! Eto yung babaeng sinasabi ko sa inyo! Yung nasa panaginip ko!" Sigaw ko kila Chevs at Charles na kakarating lang.

"H-Ha? Bat kailangan sumigaw?" Chevs.

"Sabi ko siya.. eto o si Keila." Nilingon naman ni Chevs at Charles si Keila. Ngumiti naman sila.

"Nice meeting you." Sambit ni Keila.

"O sge dude. Maiwan namin kayo ah." Paalam ni Chevs. Tumango naman ako bilang sagot.

"Kailangan pa talagang ipagsigaw ah?" Natatawang sabi ni Keila.

"Oo naman hehe. Masaya lang."

She smiled. "Bat ka masaya?"

"Kasi nakilala kita."

Kring. Kring. Kring.

Aish! Panira!

Ngayon ko lang nalaman na may inilagay na palang alarm clock si Mom sa bed side ng table ko. Naalala ko naman yung babae sa panaginip ko.

"K—" I gasped nang makalimutan ko ang pangalan niya. Basta starts with letter K!

"Kyla?" Oo tama Kyla!

Dali dali akong nagready papunta sa school.

Tamang tama at naabutan ko siya. Tumakbo ako papalapit sa kaniya. "Kyla!" Hinigit ko ang braso niya dahilan para mapatigil siya.

"Ikaw yun diba? Si Kyla!" Nakangiting sabi ko. Bahagyang kumunot ang noo niya.

"My name's Keith, not Kyla." Napawi ang ngiti ko but still I tried to smile.

"H-Hindi. Si Kyla ka eh. We even talked yesterday." Paliwanag ko.

Ganun pa din ang mukha niya, naguguluhan.

Once upon a DreamWhere stories live. Discover now