Chapter 11 : Regrets x3

215 4 0
                                    

Jana's sitting on my left, Ems' solo on the other couch on my right. While Rave, Red and Gwen are sitting across me.

We're here inside Poison, back to having night outs again. Tapos na kasing mag celebrate ang epoxy couple ng first monthsary nila.

And feeling ko, mga busy sila pare pareho dahil kanina pa sila nagdudu dutdot sa mga phone nila. Habang bulungan naman ng bulungan ang nakakaumay na mag jowa! Nakakairita!

Napairap na lang ako sa hangin at humalukipkip na tumingin sa dance floor.

I won't go there. Here, I'm safe! This is my safe zone!

You see, what happened to me last week is a nightmare. Though the feeling says otherwise. What made it scary is the fact that I've lost it to someone I don't know. I don't even know what's his name or how he looks like. Other than the tattoo on his back. Alangan namang paghubarin ko lahat nang makikita kong lalaki just to find out who he is right?

Buti pa si Jana, she knows who have taken her purity. And he was her boyfriend! And another thing is, to the highest level na gwapo!

Samantalang ako, hindi ko alam baka mukhang goons ang napagbigyan ko! Ni hindi ko nga jowa! A perfect stranger!

Hindi ko naman pwedeng i conclude lang na gwapo siya dahil lang sa mabango niyang hininga at magandang katawan diba? May mga lalaking malinis at maganda ang katawan, pero bagsak below negative one ang pagmumukha!

Paano kung kamukha niya pala si Bentong? Ang malas ko naman diba?! At ang swerte niya! Kingina! Kung sino man siya, wag na siyang magpapakilala kung mukhang puwet ng kawali ang pagmumukha niya!

"Ayaw eh!"

Naibaling ko ang tingin ko kay Jana ng marinig ko ang boses niya. She's holding my glass on the table.

"Ayaw talaga!" sabi din ni Ems na siya namang sumunod na humawak sa baso ko.

Nagtatakang napatingin ako sa kanila and they are exchanging glances and smirks.

"Ay! Ayaw nga! Try mo bitch!" sabi naman ni Gwen na nakangisi na siya namang humawak at binalingan si Red.

Napataas naman ang kilay ko sa kung ano bang ginagawa nila sa baso ko. Mahina namang natawa si Red bago bumulong kay Rave pagkatapos ay siya namang humawak sa baso.

"Babe, can you pull me a bit?" nakangisi niyang tanong na nakahawak sa baso bago binalingan si Rave.

What are these bitches doing?

Nakangisi rin naman si Rave na bahagyang hinila si Red at ang loka loka, alam niyo kung anong ginawa?

"Ay! Ayaw nga!" sabi niyang sinadyang magpahila at mapakandong kay Rave.

Ang landi!

Nagsihagalpakan naman sila ng tawa kaya lalong napakunot ang noo kong dinungaw ang baso ko. Wala naman akong nakitang kakaiba at bahagya ko pang ginalaw.

"What are your problem in my glass bitches?!" nakahalukipkip kong tanong.

"You, what is your problem?" natatawang balik tanong sa akin ni Ems.

"Bitch hindi mo ba nakikita, nakakadalawang bote na tayo. Yung baso mo, magmula kanina hindi pa nauubos ang laman!" sabi naman ni Jana na tatawa tawa sa tabi ko.

"Nilumot na yang baso mo!" sabi naman ni Gwen.

"Hindi lang basta nilumot, tinubuan na rin nang ugat!" sabi ni Red at lalo lang silang nagtawanan at napairap na lang ako.

"Bitch, ang alak nilalagok okay." sabi ni Jana

"We're not drinking wine para simsimin mo." sabi naman ni Gwen.

"At lalong hindi ka rin umiinom ng kape or tea." sabi din ni Ems.

"Konti na lang mag re request na ako ng kitchen knife para magalaw na yang baso mo. Dumikit na sa table eh!" sabi naman nang ever exaggerated na si Red.

"I just want to avoid getting drunk." sabi ko sa kanila.

"Hindi ka malalasing sa isang baso lang bitch!" sabi pa ulit nang natatawang si Gwen.

"And what are you afraid of kung malasing ka? Kami ang kasama mo, we'll not let you go home alone. Ihahatid ka naman namin. Ganyan naman na tayo since magkakasama tayo diba? We are keeping each other safe." sabi naman ni Red.

Yes, she's right. Simula nang makasama namin sila ni Jana, siya na yung nag suggest na kailangan ay maghatiran kami after every night out.

She is a very good friend that she's making sure that we are all safe every time.

Kasi naman, nagka phobia na ako sa nangyari sa akin last week. Hindi ko naman kasi akalain na sobrang layo pala ng highway doon sa castle! Nilakad ko hanggang sa makarating ako sa unang lane ng mga bahay at doon na nagtawag ng Uber! Ayoko nang mangyari yun ulit. Hindi ako mukhang wasted nung nagising ako, pero pagdating ko sa baba, ngarag na ngarag ang itsura ko. Para akong ginahasa ng tatlong leon!

At isa pa, hindi ko rin ma i share yung nangyari sa akin. Nakakahiya kaya. That one needs to be kept only to myself!

"Ay! Bitches, sorry I have to go na!" biglang sabi ni Jana.

"Huh? Maaga pa. 12 pa lang." sabi ni Red.

"Wala kasing kasama si Mamsie eh."

"Ihatid ka na namin." sabi ni Rave.

"Ay naku, hindi na! Okay lang." pagtanggi ni Jana na umiling pa.

"Kasasabi ko lang diba? Maghahatiran tayo. So ubusin na lang natin to and then sabay sabay na tayong uuwi." sabi naman ni Red.

"Yeah, tama. Mas ikaw pa naman ang kailangang ihatid." sabi ni Ems.

"Bakit naman?" tanong ni Jana na muling kinuha ang baso niya at uminom.

"Hello, ikaw kaya ang bunso dito. Ikaw ang dapat mas ingatan." sabi naman ni Gwen.

"Kailangan pa ba?" natatawang tanong naman ni Jana. Biglang balik din kasi ang buhay sa babaeng ito. Naka move on na talaga.

"Hindi naman ibig sabihin na alam natin ang ibig kong sabihin..." sabi kong binigyan nang makahulugang tingin sila Red, since that is a sensitive topic lalo pa at kaharap namin si Rave. "...ay hindi na dapat ingatan."

"Oo nga. Kaya ikaw, inumin mo na yan bago pa mamunga yang baso mo!" sabi nang nakangising si Red na itinuro ako at ang baso ko.

Napailing na lang ako at napairap bago nga kinuha ang baso ko at uminom na.

So sinasabi ko na sa inyo, yung mga klase ni Red ang magandang maging kaibigan. She has a lot of humor. A very, very good friend. Kahit na napaka ng bibig niya, she is very sweet and caring.

Hayh! Kung siguro kasama ko siya last week, baka hindi nangyari yung nangyari sa akin!

My old friends just let me go with that guy. Kung si Red sila, malamang sa malamang, umuwing empty handed ang hudyo!

This is what I'm saying. Regrets, regrets, regrets.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now