Chapter 44 : Stories

121 4 0
                                    

The next day, after we ate breakfast ay balik ulit kami sa kwarto. Nagbabad sa kama at magkayakap lang. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganon na katagal.

Matagal na palang patay na patay ang lolo niyo! Ang tagal nag tiis!

"Can you tell me stories about you, Ian?" sabi ko sa kanya habang nakaunan sa dibdib niya at nakayakap ang braso ko sa kanya. At kahit na ang binti ko ay nakadantay sa kanya.

I think this whole holiday season is my 'Getting to know him' time. Dahil feeling ko, marami pa akong hindi alam sa kanya kahit na sinasabi niya naman sa akin kapag nagtatanong ako.

"Stories like what?" tanong niya naman na nakahawak ang kamay sa braso ko habang sinusuklay ng isa ang buhok ko.

"Kahit na ano. Parents mo, sa kuya mo. Kung okay lang naman."

"Hmm, okay. My mother's name is Desiree Villamayor. My father's name is Adrian Ross. I never got the chance to see them alive. Namatay si Mama sa panganganak sa akin, because she lost a lot of blood. Katulad ko, rare din ang blood type niya. Habang si Papa, three days after akong ipanganak nung mamatay din siya."

"I'm sorry about that..." malungkot na sabi ko. I can't imagine the feeling na hindi mo man lang nakilala ang mga parents mo.

"It's alright, that was a long time ago."

"Then, paano kayo nag-survive nang kuya mo?" nagtataka kong tanong kung ganoon pala sila kabata noong mamatay ang mga parents nila.

"The organization took us in."

"Organization? Like a welfare? DSWD?" tanong ko ulit.

"You can call it like that. The people in the organization are the one we considered as family. Sila ang nagpa-aral sa amin, lahat nang kailangan namin sila ang nagbigay."

"So ibig mong sabihin, itong bahay na to galing sa organization?"

Natawa naman siya sa tanong ko kaya bahagya akong napatingala sa kanya.

"No. To be honest, kay Kuya ang bahay na to. He built this for Xen. Kaya yung west wing, that's the Masters wing. This is how and what he feels for Xen. It's on top of the hill, because Xen's love making him feel that his on top of the world. Grand, because loving her is the grandest feeling he ever felt. Nakapasok ka na sa kwarto niya. You saw that it's in white and gold, because that's how should Xen be treated. Like a queen."

"Wow! Sobra naman yung love nang kuya mo sa girlfriend niya." napapahanga na sabi ko.

"It is. Dahil sobra din naman siyang minahal ni Xen. I can see it everyday on how my brother act. He's too crazy na hindi napapagod ngumiti. Masyado niyang mahal si Xen that he can describe her in all ways he can." natatawa niyang sabi na para bang naririnig niya pa yung boses nang kuya niya.

"Like what?"

"She's the perfect girl. A spark of light in the dark. She can bring life to a deserted place. A character pulled out from an extraordinary dream. A girl who's full of love and joy. She's sweet and saucy. She is a color of love and rage." natatawa niya pa ring sabi at hindi ko mapigilang hindi mahawa.

"Sweet and saucy? Hindi ba dapat sweet and spicy yun?" natatawa kong tanong.

"It's saucy, because Xen have a bad mouth, she cuss all the time. But kuya doesn't want to call it that way, kaya sweet and saucy. Because Xen also have a sweet mouth."

Hmm... I have one person in mind.

"Parang may kilala akong ganyan." sabi ko na napaisip.

"Who?" tanong naman ni Ian.

"Si Red. Especially that color of love and rage. Isang kulay lang ang nai imagine ko, and it's red."

"That's how my brother describes her." sabi naman niya.

"Sabi mo, Xen is supposed to be your brother's wife. Nagkikita pa ba kayo ni Xen? And one more thing, wala akong nakitang picture niya. Wala ka bang picture niya?"

"Kuya was about to ask Xen to marry him, but that night happened. He was killed, shot in the head. Xen and I haven't got the chance to meet personally noong nabubuhay pa si Kuya. She knows me by name anyway but the first time I saw her is on my brother's burial."

"Nasaan na si Xen ngayon, is she still alive?" tanong ko ulit.

"She is, and she is now happily married." sabi niya na tumagilid at humarap sa akin. "Pero kung buhay si Kuya, siguradong siya ang pinakamasayang lalaki ngayon." nakangisi niya pang sabi.

"Buti hindi ka galit kay Xen?" kasi diba, kung sobrang mahal ni Xen si Heath at ganon din si Heath sa kanya, parang ang unfair naman na nagpakasal sa iba si Xen?

"I have no rights to get mad at her. Everybody deserves to be happy. And I can say na masaya na si Xen ngayon. Thankful pa nga ako sa kanya kasi every time na aalalahanin ko si Kuya, he's always all smiles. Sa buong panahon na magkasama sila ni Xen, I didn't saw him frown. Do you want to hear their love story?" nakangiti niyang tanong.

"Hindi ba parang awkward. Hindi sila happily ever after."

"It's sad at the end. But I'm telling you, it's inspiring. Quite a good story."

"Hmm. Okay..." sabi ko na tumagilid din at humarap sa kanya.

"It started when I was seventeen..."

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now