Chapter 35 : Sealed

135 5 0
                                    

We're now on our way to his friend's shop to have me tattooed. Excited nga ako masyado dahil mas maaga pa akong nagising kaysa kay Ian.

Ano kaya yung feeling ng tina-tattoo-an? Sabi ni Ian masakit daw, hihiwain kaya yung skin ko? Pero ang alam ko kasi sa mga nakikita ko, parang nagdu-drawing lang eh. Kaya hindi naman siguro ganon kasakit?

Nang makarating kami sa shop, may nakalagay na name sa taas na 'Black Ink'. At parang hindi naman siya talaga shop. Parang bahay.

"Wait here." sabi niya nang makaupo ako sa couch.

Inilibot ko naman ang tingin ko sa 'shop'. May mataas at malaking glass cabinet sa corner, may laptop at printer, tapos may mga paintings din na nakasabit sa dingding. May nakita naman akong catalogue sa may center table kaya doon na nalipat ang attention ko.

Mga tattoo art designs. Dito siguro namimili yung mga customers. But I already have something in mind. In-scan ko na lang yun at hinanap kung nandoon ba yung design pero umabot na ako sa huling page ay hindi ko nakita.

"Eherm!"

Napatingin naman ako agad nang makarinig ako ng may tumikhim. Nakabalik na pala si Ian na nasa tabi ko na at may kasamang lalaki na nakangiti at nakatitig sa akin. Ang creepy ng ngiti niya, grabe! Parang ngiti ni VM.

Pero ang napansin ko, hindi rin normal ang kulay ng mata niya. Dark grey. Ganito ba lahat ng friend ni Ian, may kulay ang mata?! Ang cool! Isa lang ang friend ko na may kulay ang mata. Si Red lang!

"Sweet, meet the shop owner, one of my best friends —"

"Hulaan ko ang name mo." pagputol ko sa sasabihin ni Ian. "Grey?"

Natawa naman si guy at napailing.

"Black Lopez, Madame. Pleased to meet you!" sabi niya na inaabot ang kamay sa akin.

"She's pleased to meet you too." sabi naman ni Ian na siyang nakipagkamay kay Black.

"What the...?!"

"There's no way you can get a skin to skin contact with my woman, dude." sabi ni Ian na ikinatawa naman ni Black at napailing na lang ako. Possessive mode na naman ang dragon!

"Damot! So why are you here?" tanong ni Black na umupo katapat ko kaya umupo din si Ian.

"Uhm, magpapa-tattoo ako." sagot ko naman agad na nakangiti. Excited much ang lola niyo eh!

"Oh! Pano ba yan Attorney, magpapa-tattoo pala si Madame. Ibig sabihin—"

"You're going to wear gloves, idiot!" sabi naman ni Ian na ibinato kay Black yung catalogue na tinitignan ko kanina.

"Possessive si Attorney!" humahalak na sabi nito at agad na tumayo ng batuhin siya ni Ian ng ashtray.

Grabe! Mapang asar din pala ang lalaki!

"Hey, hey, hey! What do we have here!" narinig namin kaya sabay-sabay kaming napalingon sa may pinto.

"Blue?" malakas na nasabi ko, dahil blue naman ang mata nung guy na nakasandal sa may pinto.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now