Chapter 23 : Dragon's Touch

197 4 0
                                    

What did just happen?!

Ang alam ko, I'm enjoying the night. Dancing— Alright, dirty dancing. Jiving to the music with whoever I'm dancing with.

Then suddenly SNATCH!

I'm now riding a motorcycle. A motorcycle for God's sake! Wala namang ibang mang i snatch sa akin kung hindi si Ian diba!? At alam kong siya ito dahil naaamoy ko yung amoy niya na may halong amoy ko?

Wait, what?! Gumagamit din ba siya ng pabango na katulad ng sa akin?!

Well, anyway. Para ako ngayong koala na nakakapit sa dibdib niya dahil sa bilis niyang magpatakbo at wala yata siyang pakealam kahit sumasabog ang buhok ko sa mukha niya!

Nanginginig ako sa lamig at takot na baka bigla na lang kaming bumunggo sa kung saan! Nasa harapan pa naman ako. At lalong natatakot ako dahil baka i flagged kami ng mga pulis dahil sa bilis niyang magpatakbo!

At paano niyang nalaman na nandoon ako? Sinundan niya ba ako? 'I have an eye on you.'

Uh-oh! I'm dead!

Pero ano bang pakealam niya?! Sino ba siya para higit higitin na lang ako kung kailan niya gusto!? Buhay ko to at wala siyang pakealam kahit magpakalunod ako sa alak at makipagsayaw kung kanino ko man gusto!

Wala siyang karapatan na pakealaman ako at pigilan akong enjoy in ang mga supposed to be happy nights ko!

Pagbagsak nang kung ano ang nagpabalik sa diwa ko. Nandito na naman ako sa bahay niya at hila hila niya na naman ang braso ko!

"Sandali nga!" malakas na sigaw ko na halos umalingawngaw sa malaking bahay. Dahil sa lakas ng sigaw ko ay bahagyang sumakit ang lalamunan ko.

"Ano ba!?" muling sigaw ko at pilit hinihila ang braso ko na hawak niya at hindi man lang siya huminto sa paghila sa akin.

"Pwede ba bitawan mo nga ako!" muling sigaw ko at mahigpit niya lang akong hinatak hanggang makarating kami sa kwarto niya.

Pasalya niya akong binitawan nang makapasok kami doon kasabay nang pabalibag na pagsara ng pinto.

Masama ang tingin niya sa akin at halos mahiwa ako sa lisik ng tingin niya. Pero hindi niya ako makukuha sa no fear niyang mga mata! Pakealam ko ba kahit manginig lahat ng buto niya sa galit! Wala akong pakealam! Mas galit ako!

"Ano bang problema mo ha?! Bakit ka ba bigla na lang sumusulpot at hihigitin ako kung kailan mo gusto!? Sino ka ba sa akala mo!?" nanggagalaiti kong sigaw habang nakatingala sa kanya at pinakaduro duro ang dibdib niya.

Ang tangkad naman kasi ng hayop na to at ang tigas ng dibdib! Shems! Galit ako diba?

"I'm just protecting what's mine!"

"Yours? Sino?! Ako?!" sabi ko na sarili ko naman ang itinuro. "I am not yours, not to anyone or anybody! Walang nagmamay ari sa akin kundi sarili ko lang!"

"You are mine! Now deal with it!"

"Hoy! Lalaking kabute, hindi ako sayo! Hindi ako gamit na pwede mong ariin! Isaksak mo yan sa... sa... diyan sa dibdib mo!" sabi kong muli na namang dinutdot ang matigas na dibdib!

"The very first time that I laid my eyes on you, you are mine! The very first time that I held you, you are mine! The very first time that I kissed you, you are mine! I am the first who took you, and I will make sure to it that I am your last. Now sweet pea, I'm telling you. You! Are! Mine!" galit na sabi niya at halos pagdikitin na niya ang mukha namin.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now