"Dude! What happened?" agad-agad napatakbo sa ospital ang dalawa dahil sa nabalitaan nilang pagkabaril kay Kurt.
Nagulat sila nang biglang tumayo si Kurt sa higaan at bigla nalang tanggalin ang nakatusok sa kamay nito.
Umupo muna si Kurt na wari ba'y may iniisip bago ito magpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "A girl who saved my life, find her." utos ni Kurt sa dalawa, kahit hindi alam nila Ryle at David ang itsura ng babaeng tinutukoy ng kanilang leader ay sumunod nalang sila rito.
Pumasok ang ina ni Kurt sa kanyang silid at tyaka ito niyakap. "Anak? I don't want you to be in danger. Please forgive me for what I did anak, dapat hindi nalang ako humingi ng tulong sayo. You don't deserve a mother like me baby." ngumiti naman ang binata.
Tiningnan nya ang kanyang ina nang punong-puno ng pagmamahal. "You don't need to say that mom, i love you and you're the first woman that really deserve to be care by a precious man like me." tumawa ang kanyang ina marahil sa huli nyang sinabi. "Be thankful because you're my mom, hahaha. If there's someone who'll try to call me baby will be die."
Ika-siyam na paraan upang mamatay. Call the precious Kurt 'baby' then be ready for your death.
-
"Ate bilhin mo na please, kailangan na kailangan ko na talaga ng pera." samu't-saring mga ingay ang maririnig sa paligid.
Isang napakagandang babae ang pinagkaguluhan bigla ng mga tao sa isang parte ng park.
Napahinto muna saglit ang isang dalaga sa pagbebenta ng kanyang mga lakong paninda. "Thank you guys, I love you all." wika ng isang napakagandang babae na tila mukhang prinsesa dahil sa maamo nitong mukha.
'Sino ba yan? Ang ganda naman nyan.' wika ng dalaga sakanyang isip.
Nabakas tuloy sakanyang mukha ang pagkalungkot at pagka-inggit. "We're so lucky beshy na nakita natin si Princess Myca. Waaahh!" napatingin ang dalaga sa dalawang babaeng katabi nya na nagsalita.
Hindi na nito napigilan pa ang kanyang sarili na itanong kung sino nga ba ang babaeng hinangaan nya rin. "Miss wait lang ah? Tanong ko lang, sino ba 'yun?" napatingin sa kan'ya ang babaeng pinagtanungan nya.
"She's Myca Eliz Leondre, the princess of our Kurt. Waaaahh!!" napailing nalang ang dalaga.
'Ba't ba tili ng tili yun? Parang T.A.' sa isip nya. Dumagdag pa sa isip nya kung sino ba ang Kurt na 'yon.
Nagpatuloy pa sya sa pagbebenta ng bulaklak na rosas nang may dalawang lalaki ang makabangga sakanya. "Aray!" napasigaw sya sa lakas ng pagkakabangga sakanya.
Hindi agad sya nakatayo dahil sa dalawang gwapong lalaking nasa harapan nya. Nakalahad pa ang tig-isang mga kamay nito upang tulungan s'yang tumayo.
Nag-ningning ang mata ng dalaga dahil sa sobrang kilig, hindi nya alam kung kaninong kamay ng prinsipe ang tatanggapin nya.
"Hey miss! Tumayo kana nga dyan, nagmamadali kami oh? Tsk!" agad syang napabusangot nang marinig ang tono ng pananalita nito.
Nakatingin lang sya rito. "Hoy tol! Ayusin mo nga yung pananalita sa magandang binibini na 'to! Kailangan nyang igalang at tulungan." namula naman ang dalaga dahil sa narinig.