Natapos ang lahat sa paghahanda sa gaganaping kaarawan ng naturingan nilang prinsesa ng gang nila dahil nag-iisang babae lang ito.
"It's nice to see you again Myca." wika ni Kurt at tyaka ito hinalikan sa pisngi.
Tila namula naman ang dalaga dahil sa ginawa ni Kurt na paghalik sakanya. Iniisip nya parin na may gusto sakanya ito ngunit lingid sa kaalaman nya na sya lang naman ang tanging nagmamahal sa kanilang dalawa.
"Yeah, It's really nice to see you again Kurt. You're still handsome as well." ngumiti muna ito kay Kurt bago ulit magsalita. "I was stressed on these past few months when I was in Florida, Ang daming bwisit. Hahaha." nginitian lang sya ni Kurt habang si Ryle at David naman ay nakaabang lang na pansinin sila ni Myca.
"That's not good to hear. By the way, happy birthday." kalmadong bati nya rito na syang ikinatuwa naman nito.
Ngumiti sya nang walang halong bahid ng pilit at pagkapeke dahil sa narinig. "Thank you Kurt." yayakapin na sana nya ito nang bigla syang sinenyasan ni Kurt ng stop.
Kung kaya't ang kaninang ngiti ay tila unti-unting naglalaho sa labi nya.
Nilibot nya na lamang ang tingin nya at nakita nya naman ang dalawang kasamahan ni Kurt na si David at Ryle.
"Happy birthday Myca." sabay nilang bati. Ngumiti lang ito sakanila at tyaka tuluyang pumunta sa iba nitong mga bisita.
'Mukhang wala sa mood yun ah.' Isip isip ni Ryle.
Sa kabilang banda naman ay dumiretso si Kurt sa kwarto nya upang magmuni-muni habang nakahiga sa malambot nyang kama.
Nasa kalagitnaan sya ng kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang kanyang telepeno na nakapatong sa ibabaw ng cabinet nyang nasa gilid.
"Hello? Who's this?" paunang salita nya nang makita nyang hindi nakarehistro ang numero nito sa kanyang telepono.
"Ang bilis mo naman makalimot Kurt. Haha, sino ba yung taong ginantihan mo ng pang-baklang paraan? Yung pinabugbog mo sa sangkaterba mong alagad kahit nag-iisa lang ito?" napangisi ng wala sa oras si Kurt dahil sa narinig.
"Talaga lang ha? Eh sino kaya yung gagamitan ako ng armas kahit ang napag-usapang laban ay hindi gagamit ng kung ano mang armas sa gitna ng laban?" tumawa si Kurt ng pang-asar bago ulit magsalita. "Huwag na tayong maglokohan pa Jonard. We know whose the real traitor between the two of us, So please—"
"Son!! Help me!!" tila napahinto sya sasabihin nya nang marinig ang boses ng kanyang ina na nasa kabilang linya. "May iba ka pa bang sasabihin? Mr. Kurt Vendoza?"
Nag-igting ang panga nya dahil sa narinig. "Hayop ka! If there's something happened with my mother, maghukay kana ng sarili mong libingan. Damn you!" tumawa ang nasa kabilang linya.
"So fight with me! In a way that your gayish attitude would be hided. Hahaha, meet me at ICU tower on exactly 8:00 in the evening without your dumbass bodyguards. Just only you then your mother will be safe and still alive. Napakadali diba? Hahaha goodbye." napamura sya nang ibaba na nito ang tawag.
Tumingin sya sa orasan na nasa gilid nya lang rin at eksatong alas sais na ng gabi. Mayroon pa syang halos dalawang oras upang maghanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/157945018-288-k667115.jpg)