Chapter 7 (4 Days)

29 2 2
                                    

Fench POV

Nagising nalang ako dahil sa sobrang sakit ng akong ulo na tumutugon hanggang dibdib, nahihirapan na din akong huminga. Tinignan ko kung anong oras na at nainis ako dahil 12:30 na pala. Hinanap ko ang cellphone ko para tawagan si mommy pero hindi ko ito makita ganon din ang bell na binigay sa akin ni mommy in case na may maramdaman akong kakaiba wala talaga akong makita kaya naman pilot akong tumayo at iika-ikang naglakad papunta sa pintuan ng kwarto. Nang maramdaman ko na tutumba ako agad akong napakapit sa lamesa malapit sa pinto ngunit nasagi ko ang vase dahilan para malaglag ito sa sahig at mabasag. Sobrang lakas ng pag kakabagsak nito kaya narinig ko ang mga yabag ng paa paakyat . Sobrang sakit,  kirot at kung ano ano pa ang aking nararamdaman.  Mabilis akong nanghina at bumagsak sa sahig kasabay nito ang panlalabo ng aking paningin. Bumukas ang pinto at liwanag nalang ang tangi Kong nakita,  Lara akong isang istatwa na walang ibang makita kundi liwag.

Oh my god!  Anak? Ae!!!???.. Yun nalang ang huling narinig ko.....

Franzcine POV

Bago ko simulan gusto ko munang magpakilala,  I'm franzcine Wilson 35 years old mother of fench ae Wilson.  Bata pa ako ng mabuntis ako ng ama ni ae, best friend ko ang daddy nya at mga lasing kami nung may mangyari sa amin,  kaya naman nung nalaman Kong buntis ako binalak ko itong ipalaglag ngunit sa tindi ng kapit ni ae sa sinapupunan ko hindi sya nalaglag. Masasabi Kong hindi sya mabuting Tao pero napaka mabuting anak naman sa akin. Nang marinig ko ang unang iyak nya nung pinanganak ko sya sobrang saya ang naramdaman ko at walang kapantay ang saya na yun. Nung elementary sya lagi nya sa aking tinatanong kung asan ang ama nya pero wala akong maibigay na sagot sa kanya dahil ang totoo nakiusap sa akin ang daddy nya na wag ipaalam Kong sino at ano ang buong pagkatao nya dahil baka daw hindi sya nito matanggap.  Isang Mafia boss ang ama nya at leader ng isang organization Dahil nga walang nakuhang sagot ang inosente Kong anak kelan man ay hindi na sya nangulit pa tungkol sa ama nya ramdam ko ang pangungulila nya. Hindi ko masyadong natutukan ang paglaki ng anak kaya naman lagi nalang akong napapatawag ng principal dun sa dati nyang school,  ayun nambubugbog ng mga kaklase nya na hindi nya gusto pati teacher binabarako. Hayst napailing nalang ako sa mga naisip ko.

4 days nalang deadline na ng anak ko,  pinabayaan ko sya sa lahat ng gusto nyang gawin kasama si Zack daw.

BOOOOOGSH! Hindi ko naituloy ang iniisip ko ng marinig ko ang pagkabasag ng vase  mula sa taas.

Nagmadali akong umakyat at may narinig agad na binuksan ang kwarto ni ae, nagulat ako ng makita sya na hinahabol ang hininga habang nakahiga sa sahig.

Oh my god!  Anak?  Ae!!!???.. Sigaw ko at agad na sumalampak sa sahig,  nawalan sya ng Malay kaya agad akong nag panic.

Manang!.....sigaw ko mula sa loob ng kwarto. Manang!!!  Please help me... Dagdag ko agad namang umakyat si manang at nagulat sa nakita.

Sus maryusep!  Among nangyari? Gulat na tanong ni manang. Umupo sya at tinulungan akong ihiga sa Kama si ae.

Please manang call Dr. Lopez ASAP. Natatarantang sabi ko. Agad na tumakbo palabas ng kwarto si manang at ako naman ay kinuha ang pain reliever at agad na itinusok sa kanya.  Sinabi sa akin yun ni Dr.  Lopez in case daw na atakihin si ae bigyan ko sya ng pain reliever dahil kahit wala sya sa Malay Tao nya masakit pa din daw ito.baby? Please wake up.. Baby naririnig mo ba ako??. Naluluhang sabi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko gulong gulo ang isip ko. Jusko wag nyo muna pong kunin ang anak ko, sya nalang ang meron ako ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin at mangyayari sa akin kapag nawala sya.

Nang hindi pa din sya gumigiaing doon na ako tuluyang umiyak,  Maya Maya pa dumating na din si Dr. Lopez at agad syang kinabitan ng swero at oxygen.

31 DAYS WITH MR. GANGSTER ✔ (SHORT STORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon