SPECIAL CHAPTER

32 4 3
                                    

Zack's POV

Naalimpungatan ako ng tumama ang init na tumatagos sa bintana ng kwaro ko. Hmmm, it's been a year simula ng magising ako sa pagkakacoma ko. Simula ng magising ako pakiramdam ko ay parang kulang ang pagkatao ko.

Good morning Zack. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng pumasok dun si mommy.

Good morning mom. Sabi ko saka umayos ng pagkakaupo sa Kama. Pumasok sya ng tuluyan at naupo din sa Kama.

Maligo ka na anak samahan mo ako bibisitahin ko ang kaibigan ko. Nakangiting sabi nya,tumango nalang ako saka tumayo at naglakad papunta sa bathroom. Mga ilang minuto din ang tinagal ko sa banyo bago ako lumabas.

Napahingang malalim nalang ako ng makita Kong wala na si mom. Pansin ko simula ng magising ako ay palagi nalang syang nagpapasama sa akin kung saan saan 'bonding' daw sabi nya. Saka lagi din syang may ikinukwento sa akin na anak daw ng kaibigan nya.

Matapos magbihis ng isang simpleng T-shirt na white and black pants ay bumaba na ako. Naabutan ko sya na nakaupo sa sofa habang may kausap sa cellphone nya . Ng makita nya ako ay agad syang nagaalam sa kausap nya at tumingin sa akin habang nakangiti ng pagkatamis tamis. 'Weird'

Let's go? tumango nalang ako sa sinabi nya,. Agad nyang inangkla ang mga braso nya sa braso ko at naglakad na kami palabas ng bahay.

Habang nasa byahe Hindi ko maiwasan Hindi mapatingin sa kanya dahil Hindi mawala wala ang ngiti sa kanyang mga labi. Ano kaya ang nakain ng Ina ko at mukhang masaya sya ngayon? Tssss! She's acting weird. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa isang malaking bahay.

Bumaba Kami at sabay na pumasok sa loob, agad kaming sinalubong ng maid at iginaya papunta sa taas, if I'm not mistaken isa yung office. Ng makarating kami sa isang maaliwalas na office ay may isang babaeng nakaupo sa swivel chair na may ngiti sa mga labi. Agad syang tumayo at sinalubong si mom ng yakap at beso.

Wow, wala pa ding kupas ang ganda mo mare. Nakangiting sabi into Kay mom.

Ikaw din naman mare e. Sabi naman ni mom. Napatingin naman sa akin ang ginang at ngumiti.

So you must be Zack right? Tumango ako at hagyang yumuko bilang paggalang. Sit down. Sabi nya at iginaya kami s sofa para makaupo.

Where's your daughter? Hindi mo ba sya kasama umuwi? Tanong ni mom.

Ano- Hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng biga nalang bumukas ang pinto ng office nya.

Good morning mom,. Sabi ng babaeng pumasok sa pinto.

Nangunot naman ang noo ko at bumaling sa babaeng pumasok. Parang nag slow motion ang paligid at parang sya lang ang nakikita ko. Nag mistulang tuod ako sa kinauupuan ko, sya yung babae sa panaginip ko.

Hindi ko namalayan na tumayo na ako at nagtatakang yumakap sa kanya. 'Weird' bat parang napuno ang kulang sa buhay ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang anomang oras ay pwede na akong atakihin. Naramdaman ko namang yumakap din sya sa akin kaya naisiksik ko nalang ang mukha ko sa leeg nya.

I miss you Zach. Nagtataka man ako kung paano nya ako nakikila ay Hindi ko nalang pinansin yun. Feeling ko kase ay matagl na kaming magkakilala .

Bakit pakiramdam ko matagal na kitang kilala? bulong ko sa kanya. Hindi sya sumagot sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan Kong bakit pakiramdam ko binuo mo ang pagkatao ko, hindi ko alam Kong bakit ang lakas ng tibok ng puso ko samntalang ngayon lang naman kita nakita? sunod sunod na sabi ko.

Walang ano-ano'y humiwalay sya sa yakapan naman at bigla nalang akong hinila sa kung saan. Wala akong ginawa kundi ang magpatianod kesa tumutol.

Fench's POV

Maluha luha ako habang hinihila ko sya palabas ng bahay . Para akong tinakasan ng katinuan ko sa sandaling ito, parang sasabog ang dibdib ko sa tindi ng tibok ng puso ko. Ngayon sigurado na ako na totoo na lahat to. Ng makarating kami sa mini park ng subdivision ay agad akong tumigil at hinarap sya.

Wala akong masabi dahil masyado akong abala sa pagtitig sa mukha nya. Sobrang miss ko ang taong ito, sobrang miss ko ang lalaking nasa harap ko.

Z-zack... Utal na panimula ko, nangunot naman ang noo nya at pinunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang magkabilng palad nya.

Please wag kang umiyak, parang pinipiga ang puso ko. Direktang sabi nya kaya napangiti ako.

I know you don't remember me- hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang nya akong hinalikan sa making labi. Ilang Segundo din ang tinagal nun bago nya bitawan ang labi ko at tumingin sa mga Mata ko ng diretso.

Oo nga't wala akong maalala, pero isa lang ang sigurado ako ikaw ang tinitibok into. Sabi nya ng nakaturo sa kanyang dibdib kung saan ang kanyang puso.

Mahal kita Zack mahal na mahal. Lumuluhang sabi ko, ngumiti naman sya saka muling pinahid ang mga luha ko.

Mahal din kita... Sagot nya saka muli akong ginawaran ng hali, isang halik na may along pagkamiss, pagmamahal at respeto.

Tinugon ko ang kanyang halik, isang minuto ang tinagal nun bago kami magbitaw. Pinaglapat nya ang mga noo namin at ngumiti. Mahal na mahal din kita................. Fench...

Ng banggitin nya ang pangalan ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya ng mahigpit. Niyakap nya din ako sa bewang at walang ano-anoy inikot sa ere.

Thanks god! Ang buong akala ko ay hindi na mangyayari ang araw na'to. Akala ko ay hanggang panaginip nalang ang lahat. Ako na yata ang pinakaswerteng nilalang sa mundo .....

THE END............................


*************************

Yow wazuppp guys, thank you po sa mga nagbasa ng story ko. I love you guys😚😚😚😚❤❤❤❤

31 DAYS WITH MR. GANGSTER BY anniebee ❤💋





31 DAYS WITH MR. GANGSTER ✔ (SHORT STORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon