Fench POV
Maaga akong nagising gaya ng nakasanayan ko. Ginawa ko yung daily routine ko at pagkatapos ay nakangiting bumaba.
Good morning mommy.masayang bati ko sa kanya.
Good morning baby, let's eat. Sabi ni mommy. Ngumiti ako at tumango.
Mom? Pwede bang wag mo na ako ihatid at sundo??? Pakiusap ko Kay mommy. Kumunot ang noo nya at tumingin na para bang nagtatanong.
Why? Ikinahihiya mo ba ako? Kunit noong tanong ni mommy.
No mommy, all I want is gawin yung mga bagay na hindi ko pa nararanasan. Look mommy I'm already 18 years old Nasa legal age na po ako. Nakangusong sabi ko sa kanya.
Anak Alam mo naman kung bakit ginagawa ko yun kahit Nasa legal age ka na e. Pagpapaintindi ni mommy. Yeah I understand her but gusto ko din naman gawin yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa dahil hindi ko na yun magagawa kapag dumating na yung deadline ko.
Yeah, I know mommy Pero gusto ko pong gawin yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Malungkot na sabi ko. Mommy please gusto ko lang sulitin yung natitirang araw ko dito. Pagmamakaawa ko sa kanya. Nangilid naman ang luha nya kaya niyakap ko sya.
Baby don't say that, you know I believe na gagaling ka pa, we need to trust in god okay? Pangungumbinsi nya, umiling lang ako.
Mommy, alam natin pareho na wala na talagang pag ASA. Nakangiti ngunit naluluhang sabi ko. Please mom? Una pa lang tanggap ko na kung hanggang saan nalang ako. At tuluyan na nga akong naluha .
Fine, but don't forget to take your med. Okay? Wala ng nagawa si mommy at tuluyan ng pumayag sa sinabi ko. Ngumiti ako at nagkiss sa pisngi nya.
Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkatapos nagpaalam naman ako sa kanya , gaya ng nakasanayan ko dati nung wala pa akong sakit sinakyan ko na ang aking pinakamamahal na motor, kulay grey na ducati. Nakangiti ko itong minaneho at talagang kung titingnan ay para bang gaya lang ako ng dati. Pagdating ko sa campus wala pa halos Tao malamang 7:30 ang klase namin at 6:00 pa lang ngayon senaya na excited lang talaga. Pinark ko ang motor ko sa parking lot, nakangiti ako habang naglalakad papasok sa gate ng.
Good morning manong. Nakangiti Kong bati sa kanya.
Good morning din po mam. Masayang tugon nya.
Andito na po ba si Prince Zackrei De Villa? Tanong ko sa kanya, nakita ko kase yung kotse nya malapit sa pinagparkingan ko.
P-po? Ahh hindi ko po alam. Nauutal na sabi nya. Kumunot ang noo ko.
Ano ba kayo manong sila ang may Ari ng school, dapat alam nyo yun. Kunot noong sabi ko sa kanya. Hindi naman sya umimik at tumungo nalang. Hmmm. Sige po mauna na ako baka hindi nyo lang talaga sya napansin. Paalam ko sa kanya at nag umpisa ng tahakin ang daan papunta sa garden kung saan sya natambay.
Pagdating ko dun hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sya na inosenteng nakahiga sa damuhan. Napangiti ako at agad na lumapit sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya pinagmasdan ko naman ang mukha nya tsss napakaperpekto talaga. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at amoy na amoy ko ang mabango at mainit nyang hininga. Maya Maya pa bigla nalang syang nagmulat dahilan para matigilan ako at manlaki ang aking mata.
What are you looking at? Kunot noong tanong nya.
A-ah m-may dumi ka kase... Nauutal na sabi ko.
Tsss. Singhal nya. Agad akong lumayo sa kanya at nag iwas ng tingin.
Wala ka nanaman bang balak pumasok?? Pag iiba ko, umiling lang sya. Kung ganon sumama ka nalang ulit sa akin. Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
31 DAYS WITH MR. GANGSTER ✔ (SHORT STORY)
FanficIsang babaeng mayroon lamang 31 days para mabuhay.