Chapter 9 ( 2 Days)

39 3 0
                                    

Fench POV

Maaga akong gumising at nag iwan lang ng note sa side table ng kwarto ni Zack. Umuwi ako sa bahay sakto 6:00 am.  Umakyat ako sa kwarto ko para maligo at nag bihis ng isang simpleng maong short at T-shirt na V-neck kulay white. Bumaba ako at naabutan ko naman si mommy na seryosong nag aayos ng agahan. Lumapit ako sa kanya at nag beso.

Good morning mom. Bati ko sa kanya, ngumiti lang sya sa akin ng pilot at tsaka ipinag patuloy ang ginagawa nya.

We need to talk after natin kumain ng breakfast. Sabi ni ma'am,  tumango nalang ako dahil mukhang wala naman syang balak na sumagot kapag sinubukan ko mag tanong.

Mom?  Gagala po kami mamaya ni Zack. Sabi ko sa kanya,  umupo ako at nag lagay ng pagkain sa akong Plato.

Hindi ae! Seryosong sabi ni mom. Tumingin naman ako sa kanya na parang nag tatanong. I mean hindi ka na pwedeng makipag kita Kay Zack! Cold na sabi ni mommy.

What!? Hindi makapaniwalang sambit ko.

We need to go to the U.S , kailangan mo mag pa-surgery.  Sabi nya.

But mom!? Inis na sabi ko.

No buts ae!  Hindi ka na pwedeng makipag kita sa kanya tapos! Sabi nito at nag simula na syang kumain.  Hindi na ako umimik kaya naman mabilis akong natapos sa pagkain ko.

Umakyat ako sa kwarto ko at nag sipilyo. Pagbaba ko wala si mommy,  kaya naman hinanap ko ang katulong namin para itanong sa kanya.

Manang?  Where's mom? Tanong ko.

Ah may kakausapin lang daw na kliyente ija. Sagot ni manang tumango nalang ako at pumunta sa garden. Ng medyo naramdaman ko na naiinip ako nag pasya akong lumabas at napadpad ako sa isang mini park ng village kung saan kami nakatira.  Umupo ako sa swing at tahimik na nag isip.

Alone? Gulat akong napatingin sa likuran ko dahil bigla nalang syang nag salita.

Papatayin mo ba ako sa gulat?  TSS!  Alam mo minsan nakakainis ka e ano!? Inis na sabi ko sa kanya.

Tsss! Umuwi ka sa bahay nyo andun si mommy may pinag uusapan sila ni tita Franz. Seryosong sabi ni Zack.  Bigla naman akong kinabahan.

At ano naman ang pinag uusapan nila? Tanong ko sa kanya,  nag kibit balikat lang sya kaya naman lalo akong nainis.

Umuwi ka muna Dalian mo,  magagalit si tita kapag napansin nya na wala ka sa bahay nyo. Sabi ni Zack. Don't worry ihahatid kita para naman hindi ka mag mukhang Ewan habang naglalakad mag isa. Pang aasar nya. Tumango nalang ako at tumayo.  Inumpisahan na naming maglakad pabalik sa bahay,  ng makarating kami sa gate ng bahay agad akong nag door bell at agad naman itong binuksan ni manang.

Ae?  Jusko bata ka oh?  Kanina ka pa namin hinahanap ng mommy mo. Nag aalalang bungad sa akin ni manang,  hindi na ako umimik at agad na pumasok,  nang makapasok ako sa main door dun ko lang napansin na wala sa likod ko si Zack kaya naman tinanong ko si manang.

Manang?  Nakita nyo ba si Zack? Kunot noong sabi ko,  umiling sya at tumingin sa akin ng diretso.

Wala kang kasama ae. Seryosong sabi nya,  hindi ko maintindihan siguro nga malabo na ang Mata ni manang. Sinawalang bahala ko nalang yun .manang where's mommy? Tanong ko sa kanya.

NASA private room. Sabi ni manang,  agad akong nag tungo sa private room ni mom , pag bukas ko ng pinto hindi lang si mom ang nandun dahil pati si Mrs. De Villa at Dr. Lopez ay nandun din. Tumingin naman ako sa kanila na may pagtataka.

My god ae!? Kanina ka pa namin hinahanap San ka ba nag punta? Nag aalalang sabi ni mom.

Mom! Kalma okay?  Dyan lang ako sa park nag punta,  look safe naman ako nakauwi e. Sabi ko sa kanya.

We need to talk ae. Singit naman ni Mrs. De Villa. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

About what po? Sabi ko.

About you and Zack. Kalmadong sabi ni Mrs. De villa. Napangiti naman ako ng marinig ko ang pangalang Zack,  hmm.. Ng maisip ko naman na bigla nalang sya nawala kanina bigla agad ako nainis.

Hmm,, speaking of Zack, kasama ko sya sa park kanina and sya din nag hatid sa akin pauwi. Walang ganang sabi ko.

What!?.. Bulalas ni mom. Ae!  Diba sabi ko hindi ka na makikipag kita sa kanya? Dagdag pa ni mom. Hindi ko maintindihan si mom,  bakit ba bigla nya nalang akong pinapaiwas Kay Zack.

Mom!  He's my friend at wala akong nakikitang reason para iwasan ko sya. Inis na sabi ko. Oo naiinis talaga ako Kay mom at sa sobrang inis ko nakakaramdam na ako ng pananakit ng ulo.

Ae! Gigil na sabi ni mom. Napahawag nalang ako sa sintido ko dahil sumasakit na talaga ang ulo ko.

Ae.. I'm sorry kung ngayon lang namin sasabihin to.. Malungkot na sabi ni Mrs. De villa. Muli naman akong napatingin Kay Mrs. De villa para ipagpatuloy nya ang sasabihin nya. Hindi totoo ang Zack na nakikita at nakakasama mo ae,  mag iisang bwan na simula ng *sniff* maaksidente sya. At tuluyan na nga syang umiyak,  napatulala lang ako at nag mistulang napako ako sa kinatatayuan ko,  para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya.

Ae, anak....natatandaan mo ba nung minsang umuwi ka atvsinabi mo na may kasama ka? Sabi mo si Zack yun,  sobra akong nagulat ng sabihin mo yun that time sasabihin ko na dapat na naaksidente sya kaso sinabi Mo na kasama mo sya nung araw na yun. Yumuko si mom at nag pahid ng luha. Anak nung araw na yun nakita kita na binuksan ang gate at pumunta sa garden sinundan kita pero napansin ko na may kinakausap ka sa hangin, akala ko side effect lang yun ng gamot na iniinom mo. Umiiyak na sabi ni mom.

Sorry kung nag kunwari kaming nakikita din namin si Zack, nung sinabi ng mom mo na nakakausap mo daw si Zack aaminin ko hindi ako naniwala agad pero ng makita ko ang mga reaction mo unti unti na din akong naniwala. Dagdag ni tita.

Maging ako nagulat ng banggitin mo ang pangalang Zack. Sabi ni Dr. Lopez.  Wala akong nagawa kundinang lumuha ng tahimik.  Pakiramdam ko dinaya ako ng mundo, kanina sa park nagdesisyon na ako na magpapasurgery ako at kumapit sa 30% na chance na makakasurvive pa ako dahil gusto ko sya makasama. Pero parang nawala ang kakarampot na pag ASA na bumubuhay sa kalooban ko.

He's still in coma ae. Dagdag ni Mrs. De villa. Titingnan ko pa Sana sya ngunit agad na nag dilim ang paningin ko at sa isang iglap walan na ako ng Malay.












*******
Salamat sa nagbasa😘

31 days with Mr. Gangster by: anniebebe♡









31 DAYS WITH MR. GANGSTER ✔ (SHORT STORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon