"Hindi ko po alam" sagot ni Xian."Nung nakita ko sya bumilis ang tibok ng puso ko." "Hay ang baby ko binata na"ginulo nya ang buhok ni Xian."Ma,"inis na pagkasabi ni Xian."Okay,anak matulog ka na at may pasok ka pa bukas.Bukas ko na lang sasabihin sa'yo yung number ni Kim." sabi nya sa anak at kinindatan pa ito.Nginitian na lang sya ni Xian bilang sagot.Pag-pasok ni Xian sa kwarto,sinubukan nyang matulog pero hindi sya dalawin ng antok.Ang tanging nasa isip nya ay ang mukha ni Kim.Napangiti naman sya na parang baliw.
Kinabukasan,pag-gising ni Xian tumayo agad sya para tignan sa bintana ang bahay ni Kim.Saktong pag-dungaw nya nakatigin din si Kim sa labas ng bintana nya.Nagkasalubong sila ng tingin at nginitian nya lang ito.Si Kim naman inirapan sya at umalis na.Kumunot ang noo ni Xian at nagpasya sya na bumaba na para kumain."Good Morning,Anak!" bati ng mommy Mary Anne nya.Nginitian nya ito at umupo na sa lamesa."Kamusta naman yung tulog mo?" tanong nya sa anak."Ok naman po,nahirapan lang ng konti matulog"sagot naman ni Xian sa ina "Bakit, inisip mo si Kim?"tanong ni Mary Anne sa anak."Kilalang,kilala nyo po talaga ko" sagot ni Xian habang umiiling."Oh sige na,pumanik ka na doon at mag-ayos, ba ka ma-late ka pa"sabi ng nanay nya habang nakangiti.Natapos na si Xian mag-ayos at umalis na din papuntang school.
Sa bahay naman ni Kim...
"Good Morning,Anak" bati ng mga magulang nya pagkababa nya."Good Morning,po!" "Kumain ka na at aalis tayo para ma-enroll ka na sa school." "Sige po!" nag-ayos na si Kim pagkatapos kumain at tinawagan ulit ang kaibigang si Ella pagkatapos."Good morning,Ella!" bati nya sa kaibigan."Hello,kamusta ka na diyan?" "May nakilala ka na ba?" tanong ni Ella sa kaibigan."Mabuti naman ako at oo may nakilala na ako,si Xian." "Mahfriend,boy ba sya?" "Oo."sagot nya."Type mo?" "Oo." "Uyy! ang mahfriend ko! dalaga na!"sabi ni Ella "Malapit na naman akong mag-dalaga ah" "Oo nga alam ko yun,so paano kayo nagkakilala?" "Ayun aksidente nyang nabasag yung bintana" "Sinungitan ko nga eh" sagot ni Kim "Mabait ba?" "Mukha naman."sagot ni Kim "O sige ,tawagan na lang kita mamaya kailangan ko na kasing umalis para mag-enroll." paalam nya sa kaibigan."O sige I miss you,bye" paalam ni Ella at binaba na nya ang phone.
Bumaba na sya at sinalubong naman sya ng mga magulang."Mana ka talaga sa akin anak." sabi ng nanay nya "Syempre naman nay!"pag-sang-ayon nya.Umalis na ang pamilya papuntang sa bagong paaralan ni Kim.Pag-dating nila doon,pumunta na sila agad sa registrar's office.Habang na sa office sila,tahimik lang si Kim na nag-mamasid sa buong paaralan.Maganda ito at mukhang mababait naman ang mga estudyante.Biglang pumasok ang isang batang babae.Medyo kaedad nya lang at may ibinigay sa isang tao dun at pumunta na sa pinto.Ng makita sya nito,nginitian sya at kumaway,umalis na rin ito pagkatapos.Hindi nya namalayan na tapos na pala ang pag-uusap ng magulang nya at tinatawag na pala sya nito."Anak"tawag ng nanay nya habang iwinagayway ang kamay nito sa harap nya."Huh?" tanong ni Kim nung bumalik na sya sa realidad."Tara na at sasamahan tayo ng principal sa bago mong school"sagot ng nanay Emma nya."Ok po,sige"sagot ni Kim at tumayo na sapag-kakaupo."Ito ang cafeteria at nandoon naman ang gym"turo ng principal sa isang sulok ng school."Sige po,kalangan ko ng umalis para asikasuhin ang iba pang papers ng students"paalam ng principal."Tatawagin ko lang po sandali ang isa sa mga studyante dito para ituloy ang tour nyo sa buong school"sabi ng principal.Bumalik sya sa kanyang opisina at tinawag via intercom ang isang estudyante."Mr.Lim,please come to my office,I have a job for you." tawag nya sa isang estudyante.Nung narinig ito ni Kim nanlaki ang mga mata nya.Oh no,wag sana yung asungot kahapon sabi nya sa sarili.
Na sa hallway na si Xian ng marinig ang pangalan nya sa intercom.Napakamot sya ng ulo dahil alam nya na magto-tour sya ng bagong estudyante.Pumasok sya sa principal's office at itinuro ng principal yung kailangan nyang i-tour.Napangiti sya ng abot sa tenga ng makita nya si Kim.Ito na ang pagkakataon kong makilala pa sya ng lubos. sabi ni Xian sa sarili.Naglalakad na sya papunta kay Kim,ilang feet na lang ay nandoon na sya ng biglang lumingon si Kim at nag kabangaan sila.Nasa ibabaw si Kim at nag katinginan sila."IKAW?!" sigaw ni Kim.Ngintian nya lang ito at tinulungan nyang tumayo si Kim para makatayo na rin sya."Ako ang magiging tour guide mo" sabi ni Xian at ngumiting nakakainis.Inirapan lang sya ni Kim at pumunta na sa magulang nya."Ma,pwede bang mag-request na iba na lang po ang mag-tour sa akin?"bulong nya sa ina.s"Hindi yata pwede eh,sya daw ang pinaka magaling na tour guide dito sa elementary school"bulong ng nanay nya.Napabuntonghininga si Kim at sumunod na lang sa mga magulang nya.
Sa buong tour,nakatingin lang si Xian kay Kim.Ang ganda talaga nya,kung hindi lang kami bata pa niligawan ko na 'to isip ni Xian.Hindi nya na malayan na tumigil na pala sya sa kakasalita at nakatitig na lang sya kay Kim."Hoy!wag mo nga akong tignan"sigaw ni Kim.Bumalik na si Xian sa realidad at nag-peace sign na lang kay Kim.Ang mga magulang naman ni Kim ay tinitignan lang slang dalawa.Natutuwa ang mga ito sa inaasta ng anak nila."Xian,baka matunaw itong anak namin wag naman masyado"sabi ni Emma."Oo nga,"segunda naman ng tatay ni Kim at tumawa silang tatlo habang si Kim ay inis na inis kay Xian at sa mga magulang nya.Hay nako tama nga sila,baka matunaw ako dito buti na lang napansin nila.Natapos na ng tour at tinanong ni Xian kung saan ang classroom ni Kim.Ayaw namang sumagot ni Kim kaya ang mga maulang na lang nya ang sumagot."Kay Miss Sanchez" sabi ng mga magulang nya.Nanlaki ang mga mata ni Xian at ngumiti nang lagpas sa tenga."Magkaklase pala tayo Kim!"sabi ni Xian.Lumaki ang mga mata ni Kim at nag-act na parang naiinis pero sa loob nya kinikilig ito at tumatalon sa saya.Makikita ko siya araw-araw! tuwang tuwa na sabi ni Kim sa sarili.Hindi nya na namalayan na nakangiti na pala sya.Nakita iyon ni Xian at kinilig sa loob.Ngumiti sya! Ngumiti sya! parehas lang kaya kami ng nararamdaman?tanong nya sa sarili.Pero kakaibiganin ko muna sya,bata pa kami at mga 3 years pa siguro bago sya pwedeng ligawan.sabi ni Xian sa sarili.
Nagpasalamat ang mga magulang ni Kim sa pagto-tour nya sa kanila at sinabi na next monday mag-sisimula na si Kim sa pag-aaral.Ngumiti lang si Xian at umalis na para pumunta sa kanyang klase.Habang pauwi na sila tinanong nila si Kim kung gusto nya ba ang bago nyang eskwelahan.Hindi naman nya narinig ang mga ito dahil busy sya sa pag-iisip kay Xian."Hoy,Kim" sabi ng nanay nya."Po?"tanong ni Kim."Kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mo ang school mo."sabi ng nanay nya."Ay,opo,opo"mabilis na sagot ni Kim."Maghanda ka bukas at bibili tayo ng mga school supplies mo ah"sabi ng tatay nya.Tumango lang si Kim.
Sa school naman...
Tumunog ng ang bell hudyat ng pagkatapos ng school.Excited na lumabas si Xian at pumasok sa loob ng school bus.Yes! uwian na makikita ko na sya ulit.sabi nya sa sarili.Naka-alis na ang bus sa school at parang ang bagal tumakbo ng oras dahil na sa pangalawang bus stop palang ang bus na sinasakyan ni Xian.Pang-apat kasi ang stop nya.Tingin sya ng tingin sa labas at nung tumigil na ang bus sa stop nya,nagmadali syang tumayo at tumakbo papunta sa bahay nya.Pagkarating nya sa bahay,nakita nya ang mommy nya na nakaupo sa sala at nakakunot ang noo dahil sa bilis na pagdating ni Xian."Ang bilis mo naman ata makarating sa bahay?"tanong ng mommy nya."At bakit hingal na hingal ka?" "Excited lang pong makauwi"sagot naman ni Xian.Ngumiti naman ang mom nya dahil alam nya kung bakit nagmamadali ang anak nya.Para makita si Kim."Bukas bibili tayo ng mga bagong damit at gamit mo"imporma nya sa anak."Kumain ka na,para makapagpahinga,mamaya mo na gawin yung mga assignments mo."sabi ng mommy nya.Tumango lang sya at kumain na.
Ano sa tingin nyo ang susunod na mangyayari? Please Vote,Comment,and be a fan.Thanks for reading!