Chapter 6
AMILIA'S POV
nandito kami ngayon sa classroom at naglelecture naman si Prof. Roger.
Hindi parin ako makapag concentrate sa paghanap ng clues dito sa DU. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kasi kung magtanong man ako sa mga estudyante dito sigurado naman ako na hindi sila sasagot sa mga tanong ko. Sarili ko lang ata ang makakatulong sa sarili ko. Wala pa namang nasasabi yung mga kasama ko siguro nga nakalimutan na nila ang ipinaguutos ko pero ayus na yun mas mabuti ng wag na nilang maalala yun baka kasi mapahamak pa sila kaya ako nalang ang kikilos kasi kaya ko naman eh.
"Class dissmiss"sabi ni sir at umalis na
"Guys mauna na ako huh? May pupuntahan lang ako"paalam ko sa kanila kaya napakunot ang noo nila.
"At saan ka naman pupunta? Baka mapahamak ka..... Sasama kami sayo"sabi ni cion na may halong pagtataray.
"Wag na. Kaya ko naman na ang sarili ko"sambit ko.
"Saan ka ba pupunta? "Sabi naman ni josh.
"Dyan lang naman "pagsisinungaling ko.
"Ingat ka ammy! "Pahabol na sabi ni ella.
Ang balak ko naman talaga ay maglibot sa buong DU malay niyo diba may mahanap akong clues. Sana nga meron, pag may nakita lang ako na kahinahinala aalis na talaga kami dito sa school na to! Dahil baka mapahamak pa kami at matulad dun sa lalaking nakita namin sa taas ng puno at yun ang hindi ko hahayaang mangyari sa amin.
Napunta ako dito sa mga bakanteng classroom sa likod ng mga building kaya walang estudyanteng nagkalat dito.
May narinig akong yabag ng paa kaya agad akong nagtago sa puno na malapit lang sa akin. Mukhang malayo na ako sa mga buildings kaya wala na akong marinig na ingay dito tanging yung dalawang lalaki lang na naguusap ang naririnig ko.
"Pre pinapatawag ka ni ma'am "sabi nung lalaking nakat t-shirt na black at black din na pantalon tapos naka mask kaya Hindi no makita ang mukha niya
"Sige susunod ako, aayusin ko lang to"sabi naman ng lalaking naka pants tapos naka shirt din na black pero walang mask na suot habang nagaayos ng mga papel sa kahon.
Umalis na yung lalaking nagpatawag dun sa lalaking nagaayos ng mga papel sa kahon. Humakbang ako ng kaunti para makita sana kung ano pa ang laman ng kahon pagkahakbang ko may naapakan akong kahoy dahilan para napatingin dito sa pinagtataguan ko yung lalaki. Walang hiyang kahoy! Pagkaapak ko kasi nabali sya kaya lumikha to ng tunog.
Naramdaman kong may yabang ng paa papalapit sa pwesto ko kaya napapikit na lang ako. Patay na talaga ako neto.
"Psst! Uyy Steve dalian mo na! Ano bang tinitignan mo?! "Sigaw ng isang lalake.
"Wala naman, eto na"sabi naman ng lalaking papalapit dito sa puno na pinagtataguan ko. Steve pala ang pangalan neto.
Hays. Salamat naman narinig ko na ang mga yabang ng paa nila na paalis na sa pwesto ko. Sinilip ko sila, pagkalagpas nila sa pinaka huling bakanteng classroom lumiko sila. Sa'n kaya pupunta yung mga yun.
Lumabas na ako sa pagkakatago ko sa punong yun. Tinignan ko ang paligid kung may tao pa ba. Nang mapansin kong wala na agad kong sinundan yung dalawang lalaki. Sana naman may mapala man lang ako dito.
JOSH POV
andito na kami sa loob ng dorm namin at hanggang ngayon wala pa si ammy. Nagaalala na kami sa kanya 6:00 narin ng hapon. Si cion nagwawala na sa sobrang pagaala nya si ella umiiyak na habang yung tatlo kong kasama pinapatahan nila yung dalawang babae. Habang ako iniisip kung saan ba pwedeng pumunta yun kanina pa syang umaga wala, hindi namin sya nakita maghapon.
BINABASA MO ANG
DEATH UNIVERSITY
RandomMeron isang babaeng tatahakin ang mundo ni kamatayan.Isang babaeng naghahanap ng hustisya sa kanyang ate.Gagawin nya ang lahat para sa taong mga mahal nya at may ipinangako sya ng pumasok sila sa mundo ni kamatayan ang pangakong iyon ay hindi na nya...