chapter 7

15 2 0
                                    


Chapter 7

Amilia's POV

"AKO NA NGA ANG BAHALA!!"grabe naman maka sigaw tong si ella nakakatulig, kanina pa sila nagaaway ni reybel, hindi ko na nga alam kung pano papatigilin tong dalawang to sa pagaaway.

"Ella ako na nga lang ang magaayos neto"isa pa tong si Reybel ayaw magparaya kanina pa nila pinagaagawan yung box. Eh pano ba naman hindi sila magaaway ni ella eh nabungo ni reybel si ella kaya nahulog at natapon yung mga papel na nasa box pagkatapos nagkalat at nadumihan yung mga papel sa sahig.

"Ba't ba ang kulit mo!! "Sigaw ulit ni ella.

"Eh kasi sorry na!! AKO NA NGA LANG ANG MAGAAYOS NETO KASI AKO NAMAN ANG NAKABUNGO SAYO!! "Nakakatulig na talaga ang dalawang bubwit na to, para silang mga naka megaphone sa sobrang lakas ng mga boses.

"EH AKO NA NGA SABI EH!! KAYA KO-

"ANO BA KAYONG DALAWA !!ANG AGA AGA NAGAAWAY KAYO!! "

Naubos na talaga ang pasensya ko halos mabasag na yung eardrum ko.

"Ano bang pinagaawayan nyong tatlo"humarap kaming tatlo sa pinto ng kwarto namin ng girls at nakita namin si cion na kagigising lang kasunod naman na lumabas ang boys sa kabilang kwarto.Mukhang nagising sa pagsisigawan namin,pano ba naman para kaming naka microphone kung magsigawan.

"Eto kasing si Ella ang tigas ng ulo,sabi kong ako na lang mag aayos netong mga to" turo ni reybel sa mga papel na nasa sahig.kung pinag tulungan na nilang pinulot yan edi sana tapos na sana yan.Parang mga baliw lang naghihintayan lang.

"Eh ako na nga sabi,alam mo kahit kelan ka talaga reybel minsan ang slow mo,hindi mo ba naiintindihan na naiinis ako sayo? " Taas kilay na tanong ni ella. Mukhang naiinis na talaga si ella base sa pananalita niya. Baliw kasi si Reybel ayaw magpatalo kung hinayaan niya nalang si ella edi sana hindi na sila nagaway pa. Tsk.

"Huh? Bakit naman? Wala naman akong nagawang masama sayo"slow nga ang loko, kahit kailan talaga tong si reybel walang pinagbago. Minsan talaga nahihirapan kaming mag explain sa kanya eh.

"Ano ba yan!! Nakakainis! Napakaskow!! "

Lumabas ng dorm si ella at agad na mang sinundan ni reybel si ella.

"Ella saglit lang!! "Sigaw ni reybel bago sya makalabas ng pinto.

"Ano bang nangyari dun sa dalawa?"
Tanong ni jiro habang pinupulot yung papel na nasa sahig. Tumulong narin ako sa pagpulot ng papel para madali tong matapos. Grabe naman kasi yung nagkalat na papel sa sahig, hindi ko nga alam kung saan ba nanggaling tong mga to.

"Nabangga kasi ni reybel si ella tapos nahulog yung hawak hawak ni ella na box tapos nagkalat lahat ng papel na nasa box"paliwanag ko

"Kaya naman pala galit na galit si ella kasi ang clamsy masyado ni reybel"sambit naman ni cion na tumutulong narin sa pagpulot ng mga papel.

"Ewan ko doon kay pareng reybel ba't di naman nagmana sa akin,gwapo na,hindi clamsy at slow, saan ka pa edi doon ka na"kahit kailan talaga tong si Pj napakayabang.

"Heh!! Tumigil ka nga sa kahanginan mo kung tumulong ka kaya dito ng may panginabang ka naman at hindi yan nakaupo ka lang dyan. "Sigaw sa kanya ni cion at agad naman syang tumulong. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko, hindi ko sila maintindihan.

"Shit! Ouch! "Napangiwi ako ng mataman ni josh ang binti ko.

Nawala sa isip ko na may sugat pala ako sa binti. Hindi ko nga matandaan yung mukha nung nagpatama ng kutsilyo sa binti ko.

"Sorry, ayos ka lang ba ammy? Halika dito, maupo ka na muna"inalalayan ako ni josh na makaupo sa sofa. Grabe ng sakit talaga ng binti ko kumikirot sya.

DEATH UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon