Yelena's POV
Pagkatapos ng pangyayari na iyon ay nagpaalam na ako agad na aalis kay prinsipe Gula, hindi ako makatitig sa mga mata niya dahil nahihiya ako sa nangyari oo nahihiya ako... Ako pa talaga ang nahiya first time na may humalik na lalaki sa pisngi ko samantalang ang prinsipe ay parang normal lang sa kanya sabagay nasa anyong bata nanaman kasi siya.
Kahit na hindi ko pa nauubos ang pagkain ko at nakakapanghinayang talaga ay pikit mata na akong umalis doon at naglakad na ulit palabas ng dining room na iyon.
Nakakapagsisi lang sana nagpasama nalang pala ako kay tobby di sana may kakwentuhan pa ako habang naglalakad at hindi ako maliligaw sa palasyo na ito ang daming pasikot sikot at magkakamukha ang mga pintuan hindi ko tuloy alam kung paano ako makakabalik sa aking kwarto.Habang naglalakad ako sa kahabaan ng pasilyo dito sa kastilyong ito ay hindi ko maiwasang humanga oo ako na ang ignorante sa malalaking bahay lalo na kaya ito,dahil palasyo ito. Palinga linga pa ako at pilit inaalala king saan ba ako dumaan kanina.
"Lady Yelena kanina ko pa po kayo hinahanap."
Napasapo ako sa aking dibdib sa sobrang gulat! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa biglang pagsulpot ni Tobby.
"Pa-pasensya na po kayo kung nagulat nanaman kita." Hinging paumanhin nito sa akin sabay yukod at bakas sa mukha nito ang takot at medyo nangangatal pa na ipinagtaka ko.
"Naku......! Hindi wag kang magalala nagulat lang talaga ako... Baka masyado lang akong nasobrahan sa kape kaya naging magugulatin ako hehe..." May pagkumpas pa ako sa ere na sinasabing okay lang ako habang nakangiti.
Napangiti naman ito sa sinabi ko at halatang nawala ang bakas ng takot-"Mabuti naman po kung ganoon... Siya nga po pala ipinapatawag kayo ni prinsipe Flatus sa silid aklatan ng palasyong ito ,may mahalaga daw po siyang sasabihin sa inyo"- pagkasabi nito ay bigla nalamang ito nawala sa harapan ko na parang bula. Paano naman kaya ako makakapunta doon eh hindi ko naman kabisado ang palasyo! Pinagloloko ba ako ng mga ito! Nagpapadyak na ako sa sobrang inis.Hindi ko na nga alam ang daan pabalik sa kwarto ko yung daan pa kaya sa silid aklatan?
"Lady Yelena wag kang mag alala sasamahan naman po kita papunta doon.." Sabi ng matinis na boses, napalingon naman ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon at namangha naman ako sa aking nakita, isang cute na fairy na isang dangkal lamang ang taas at may kulay pink na buhok na hanggang balikat at nakasuot ng lotus na bulaklak! Ang cute...!
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nakurot ko ang kanyang pisngi.
" A-achay ko mashaket.!"
Nagpupumiglas pa ito,bigla akong natauhan at naawa naman ako dito, agad ko itong binitawan at humingi ng pasensya sinimangutan lang ako nito habang hinahaplos ang kanyang magkabilang pisngi.
"Pasensya kana ang cute mo kasi mukha kang manika sa sobrang cute!... At ngayon lang kasi ako nakakita ng tulad mo totoo pala na nageexist ang mga fairy!" Kukurutin ko nanaman sana siya pero nakaiwas agad ito. Napasimangot nalang ito at saka ko naman naalala yung sinabi niya.
"Teka ang sabi mo sasamahan mo ako sa silid aklatan ng palasyong ito tama ba?"
"Oo nga po... Kaso kinurot mo ko kaya nawala sa isip ko na kailangan nga pala kitang samahan papunta kay prinsipe Flatus." Umayos ito ng tayo habang nakalutang sa ere at nagbow sa akin.
"Ako nga po pala si Lulu ang magiging guardian fairy mo."pagpapakilala nito.
"Guardian fairy?"
"Opo si prinsipe Flatus na po ang magpapaliwanag sa inyo... Kaya tara na?"
Tumalikod na ito sa akin at nagsimula na itong lumipad may lumalabas pa sa kanya na white dust."Te-teka lang hintayin mo ako Lulu!" Sigaw ko dito at patakbong humabol narin dito.
Ang bilis naman lumipad ng fairy na ito hindi niya manlang naalala na nalipad siya samantalang ako ay natakbo lang aba nakakapagod na ang dami na naming nilikuan pero di parin kami nakakarating hingal na hingal na ako.
Laking tuwa ko ng huminto na ito sa wakas!
Nandito na Kami sa tapat ng malaking pintuan na may mga nakaukit na ancient symbol siguro, hindi ko mabasa eh.."Lady Yelena narito na po tayo... Pumasok na po kayo sa loob."
Napalunok muna ako at huminga ng malalim sabay katok sa pinto.
Ngunit walang nasagot napalingon naman ako kay Lulu na nagpipigil ng tawa kung kaya ay napakunot na ang aking noo pinaglalaruan lang ba ako ng fairy na ito!
"Lulu sigurado ka ba na nasa loob ang prinsipe at bakit ka ba natawa kasi dyan! Niloloko mo lang ba ako?!"
Sa wakas napahinto narin ito sa pagbungisngis sa gilid at umayos ng tayo.
"E-ehem... Pasensya kana Lady Yelena hindi ko naman po intensiyon na pagtawanan kayo hindi ko lang po talaga mapigilan kasi pfft!.." Natatawa nanaman ulit ito.
"Eh ano ba kasi ang nakakatawa ? At bakit walang sumasagot hindi naman pwede na basta nalang ako pumasok na walang pahintulot kabastusan iyon! Dito ba talaga ang silid aklatan ng palasyo? " Naku namumuro na sa akin itong fairy na ito.Pasalamat siya at cute siya!
" E-ehem...Nandiyan po talaga ang prinsipe at ito talaga ang silid aklatan ng palasyo kaya lang po kasi sa sobrang lawak ng loob malabo po talaga na marinig kayo ng prinsipe kung kaya dumeretso nalang po kayo ng pasok." Mahabang paliwanag nito , ayun naman pala ang rason kumatok pa ako nakakahiya tuloy mukha akong ewan.
"Tsk! Sana sinabi mo agad para hindi na ako kumatok.." Pagsusungit ko dito. Humarap na ulit ako sa pintuan at huminga ulit ng malalim kasabay ng pagtulak ko sa malaking pintuan ay napapikit ako sa sobrang liwanag na sumalubong sa akin..
Pagmulat ng aking mata ay namangha talaga ako sa aking nakita sobrang lawak ng silid aklatan tuluyan na kaming pumasok at talagang papasukan na ng langaw ang bibig ko sa sobrang pagnganga never in my entire life na nakakita ako ng tatlong palapag na silid aklatan na kasing luwang ng mall. Super daming aklat may mga scroll pa nga nakakalibang tumingin.
Nilapitan ko ang mga bookshelf at tiningnan isa isa ang madaanan kong libro. Ang nakakainis lang hindi ko mabasa ang mga nakasulat.
" Nandito ka na pala Yelena..."
Isang ma otoridad na boses ang aking narinig na ikinalingon ko sa pinanggalingan nito.
,................................itutuloy.
![](https://img.wattpad.com/cover/103144754-288-k537908.jpg)
BINABASA MO ANG
SEVEN PRINCE OF HELL(the Seven Deadly Sins)
Fantasy#Fantasy "Hindi man ako anghel pero asahan mo na palagi akong nakabantay sayo...Yelena" Isang babaeng may masaklap na buhay ang mapupunta sa mundo na walang kahit na sino ang gustong makapunta. An accident that will change everything. Let's find out...