CHAPTER TEN

22 0 0
                                    

Yelena's POV

Pagkalabas sa silid aklatan na iyon..at pagkasarang pagkasara ng pinto ay napasalampak agad ako sa lapag. Mukhang wala na talagang pag asa na makabalik ako sa mundo namin. Lumipad naman palapit sa akin si Lulu.

"Okay lang yan Lady Yelena... Masuwerte ka nga kasi hindi lahat ng nilalang dito ay nakakapasok sa academy na iyon. Tanging ang makakapasa lamang sa pagsubok ang makakapasok doon."


" Anong klaseng pagsubok naman iyo?"
Patingala kong tanong dito dahil patuloy lang ito sa paglipad.


"Bago ka maging ganap na estudyante ng academy susubukin muna kayo gamit ang kristal, ang mahiwagang kristal na iyon ang kikilatis sa kakayahan ng bawat isa.... naalala ko pa nga na ang mga prinsipe lamang ang nakakuha ng pinakamataas na puntos!" Umikot ikot pa ito sa ere habang nalipad at magkasalikop ang kamay na akala mo nananaginip ng gising.

"Paano ba makakuha ng mataas na puntos?" Tanong ko nanaman dito.


"Depende sa inner power mo dun pagbabasehan ang magiging puntos mo... Kaya talagang pili lamang ang nakakapasok doon."

"I-inner power? ... Ano yun?" Kunot noong tanong ko kay Lulu.. Napanganga naman siya sa akin.

"Wala ka talagang idea Lady Yelena?" Tanong nito na ikinailing ko lang.


"Haist...yun ang spiritual power na nagmumula sa ating puso depende kung gaano kalakas ang mailalabas mo dun ibabase ng mahiwagang kristal ang level mo.  Ang mga prinsipe lamang ang umabot sa 9th tier na siyang pinakamataas na level sa buong kasaysayan." Nagniningning ang mga mata nanaman ni Lulu walang duda die hard fan talaga siya ng mga prinsipe.

"Medyo nagegets ko na so 9th tier ang pinakamataas na makukuhang level dun?" Umaayos ako ng upo dahil sa nakakangalay na ang pwesto ko.

"Hindi meron pang 10th tier pero wala pang nakakakuha non sa nagdaang 100 taon."

" Anong ibig mong sabihin?"

" Ayon sa kasaysayan 100 taon na ang nakakalipas isang beses lang may nakakuha ng ganoong antas ng kapangyarihan kahit nga ang mga prinsipe hindi talaga maabot ang level na yun." Lumipad papunta sa tuhod ko si Lulu mukhang nangalay na siya na magkwento habang nalipad.


"So ibig sabihin meron ng nakakuha? Nasan na siya ngayon?" Medyo naging interesado ako sa kinukwento niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEVEN PRINCE OF HELL(the Seven Deadly Sins)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon