WGM Jin 2

22 0 0
                                    


Jin's POV

Nang makarating kami sa Jeju, kanya-kanyang baba at kuha ng gamit kami. Sa ganda ng lugar ay nakalimutan ko si Winter at 'di ko na s'ya tinulungan. Wapakels!

"Welcome to Jeju Island,"

Napalingon kaming lahat sa likod. Si Bang pd-nim.

"Oh! Anong ginagawa mo dito?" - Yoongi

"Akala ko sila Manager-nim at mga staffs lang kasama?" - Taehyung

"Ba't pati ikaw?" - Hoseok

Napa-facepalm naman si Bang pd-nim. Lumapit s'ya sa amin tapos ay hinubad n'ya ang isang tsinelas n'ya at doon n'ya kami pinaghahampas. Sa braso at ulo.

"Mga siraulo kayo ah! Malamang tatay n'yo 'ko e! Kasama dapat ako at ako ang boss n'yo kaya wala kayong pakielam," bulyaw n'ya habang hinahampas kami.

"Ahh!! Sorry na po! Sorry na po, pd-nim!!"

"Masakit na po,"

Tinigil naman na n'ya at binalik na ang tsinelas sa paa n'ya.

Napa-pout kaming pito.

"Alam po kasi namin busy kayo, pd-nim, kaya hindi po namin alam na sasama nor kasama kayo," paliwanag ni luv.

"I'm busy pero para sa inyo, I'm always free,"

Ows. Kaya pala busy sa bagong boygroup, kasi laging libre.

"I'm preparing your dongsaengs, kaya easy-han n'yo lang," sabi ni PD-nim

"What's the group name again?" - Yoongi

"TXT," simpleng sagot ni PD-nim

"Ang fandom nila MSG 'no?" - Jimin

"MSG? Asin 'yon diba?" - Taehyung

"Tanga! Betsin 'yon!" - Hoseok

"Hoy! 'Wag mo ngang tina-tanga si V hyung," - Kook

"Bobo! Mali ka din naman! Pareho kayo tanga!" - luv

"Oh bakit?!" - Hoseok

"Message 'yon, mga ulok!" - ako

"Boys! Pumasok na tayo! Kanina pa si Winter sa loob," - Pd-nim

I immediately carry ng pink baggages at pumunta na sa tutuluyan naming bahay.

Pagpasok ay naabutan namin si Winter sa salas na kumakain habang nanonood ng tv.

"Marunong ka magluto, Winter?" - Bang PD

"No," - Winter

"Sa'n mo nakuha 'yan?" - Tae

"Ref," - Winter while her eyes are still in TV

I almost roll my eyes at her. Attitude talaga!

"Mama mo, attitude,"

I froze right there. Nilingon ko s'ya at sakto namang napatingin rin s'ya sa akin.

"Anong sabi mo?"

Kahit bulong lang 'yon, narinig ko 'yon.

"Sinabing ano?" she asked innocently

Aba!

I just shake my head and roll my eyes at her bago ako pumasok sa k'warto namin.

Sabi ni Bang pd magkasama daw kami sa k'warto. Mag-asawa e. Eww!

Inayos ko na ang mga gamit ko at nahiga sa kama pagkatapos. Pagod ako kaya kailangan ko ng bonggang beauty rest.

NAGISING ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Idinilat ko ang isang mata ko and I saw Winter. I immediately turn around at ngayon ay nakatalikod na 'ko sa kan'ya.

We Got Married (BTS Seokjin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon