Chapter 2

31 5 0
                                    

*******

Naka-upo sa may field ang dalaga, kung saan ay naliligiran ng mga pinong damo ang paligid. Pinanonood niya ang mga mang-lalaro, ang mga kalalakihan nag-sa-soccer. Isang oras ang vacant ng dalaga kung kaya dito niya napag-pasyahan mag-palipas ng oras. Inilabas niya ang isang di kalakihang topper ware na nakalagay sa kanyang body bag, nag-lalaman ito ng cookies na binake ng kanyang sariling ina.

Ganto ang madalas gawin ng dalaga, kung hindi sa soccer field nag-papalipas ng oras ito, madalas sa library, kung hindi naman ay nasa isang room kung saan walang nagka-klase. Umiiwas siya sa mga mata ng iba, mga matang mapang-husga.

"Wow! kahit madalas akong kumain ng mga bine-bake ni mama ay hindi nakakasawa! Masarap pa rin!" papuri nito sa kanyang kinakain na may ngiti sa labi. Madalas siyang pabaunan ng kanyang ina mula sa mga gawa nito dahil meron silang bakery. Ito ang pinag-kaka-abalahan ng kanya ina at ama.

Habang pinanunuod niya ang tanawing nakikita ay nahagip ng mata niya ang isang babae sa hindi kalayuan na pinalilibutan ng mga kalalakihan. Apat na binatilyo ito na may tamang taas at mukhang hindi niya gusto ang nakikita. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, gusto niyang tumayo at tulungan ang dalaga na mukhang nasa panganib pero baka masangkot siya sa gulo. Baka ito pa ang maka-sira ng magandang record niya bilang isang scholar.

Nakita niyang lumapit ang isang binatilyo sa babaeng pinalilibutan nila at sapilitan itong hinawakan. Pilit na nag-pupumiglas ito, kaya mabilis na inayos ng dalaga ang kanyang gamit. Mukhang mas nanaig dito ang kanyang konsensya kung sakaling may mangyari ditong masama. Mabilis siyang lumapit sa tanawin kanina pa pinanonood.

"Teka! Paano ko naman siya tutulungan? Tatawag ba ako ng guard? Teacher? Ahh.. Ano ba yan? Bakit hindi ko ito inisip muna? Bahala na." litanya niya sa sarili habang panaka-nakang iniisip ang gagawin.

--

"Ano ba? Let me go!.. Sabi ng bitawan niyo ako.. Aray! Nasasaktan ako.. Ano ba?!" pilit na nagpupumiglas ang babaeng kanina pa nasasaktan dahil sa mahigpit na pag-kaka-hawak sa kanya ng binatilyo.

"Tss! Alam mo bang dahil sa grupo ng pinsan mo kung bakit bigla na lang nag-bago ang pakikitungo ng babaeng gusto ko? Mga pasikat!" inis at mayabang na wika ng binatilyo. Meron itong babaeng pino-pormahan ngunit ng napapansin na ito ng isa sa mga grupo ng starlight at tinatanggap ang mga bagay na nag-papahiwatig ng kanyang pag-hanga ay bigla na lang itong nan-lamig sa binatilyong.

"Aba! Wala akong paki-alam kung ayaw sayo ng babaeng iyon. Hindi kasalanan ng pinsan ko kung gustuhin siya kaysa sa'iyo. Saka! Ano naman ang ginawa ng pinsan ko? Inagaw ba niya sayo ng harapan ang sinasabi mong natitipuhang babae?!" mataray at matigas na wika ng babae ngunit hindi maalis sa mukha nito na nasasaktan siya dahil sa mahigpit na pag-kaka-hawak sa kanya.

"Tss! Hindi, pero kasalanan iyon ng pinsan mo! Wala silang ginawa kong hindi ang mag-pasikat." inis at pikon na sambit ng binatilyo, tama naman siya ngunit gusto lang niya may pag-balingan ng inis niya dahil sa nangyari.

"Hindi na nila kasalanan iyon! Saka kong ako naman ang babaeng iyon, aba'y! mag-babago din ako kung iyang mukha din lang naman ang pipiliin ko." pang-iinsulto ng dalaga. Naiinis siya dahil walang katuturan ang dahilan nito, kung hindi na siya gusto ay sana matuto itong tanggapin.

"Aba't! nasisiraan na pala ang isang ito eh. Matapang ka!" singit naman ng isang binatilyo na medyo may kapayatan. Isa sa mga naka-palibot sa babae.

"Masyadong matabil ang dila!" Bulalas na wika naman ng medyo may kaitiman na lalaki.

"Imbes na mag-makaawa ka ay gusto mo pang masaktan!" komento ng isa na may kaputian at pango ang ilong.

Beautiful Stranger [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon