Chapter 7

15 4 0
                                    

*******

Sa paglipas ng araw ay madalas ng mainis ang dalaga, pero natutuwa naman ang binatang si JD, madalas na itong tumawa sa tuwing makita ang naaasar na mukha ni Andie. Madalas niya itong utusan kahit na mga simpleng bagay at kaya naman niyang gawin ay inuutos pa niya sa dalaga. Gaya ng ipag-take-note niya ito sa parehong subject nila. Minsan ay tatawagan pa niya ito, uutusan na i'xerox ang librong ibibigay niya na gagamitin sa ibang subject. Minsan naman ay uutusang pumunta kung nasaan siya at pag-bibitbitin ng gamit niya.

Ngayon naman, tinawagan niya ang dalaga ulit para utusan o let say asarin. Dahil alam niya na sa mga oras na ito ay vacant ng dalaga, inutusan niya itong pumunta ng canteen upang bumuli ng tubig, pero ng maibigay niya ang sinasabing inutos ay nag-bago naman agad ito ng gusto, juice na lang daw. Kahit na naiinis ay bumalik ulit ito sa canteen upang bumili ng inutos ng binata. Nang makarating ulit ito kung nasaan si JD ay ibinigay nito ang juice na gusto, ngunit pabalang dahil sa inis at pagod na pabalik-balik. Pero nag-bago na naman ito ng gusto, softdrinks na lang daw. Sa inis niya ay di niya napigilan ang galit at malakas niya itong sinipa sa paa, mabilis na nag-tatakbo ito upang iwan ang binata.

"Hoy! Bumalik ka dito!! A-aray ko.. aray.. lagot ka sa akin!" sigaw nito sa nag-tatakbong dalaga. Ngunit hindi siya sinunod ng dalaga kung hindi dumila lang ito at tinawanan siya. Sa oras na 'yon parang tumigil ang mundo niya, bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa tawa nitong parang musika sa pandinig niya.

--

"Oh, dude. Anong nangyari sayo?" tanong ng binatang si Nathan ng makita ang naka-busangot na si JD.

"Oo nga, bakit naka-simangot ka na naman? Huwag mo sabihin na tinataguan ka ni Andie?" tanong naman ni Kieth. Madalas din siyang taguan ng dalaga, kapag nakikita na niya ang binata ay nag-tatakbo na ito upang makaiwas. Pero agad naman siyang nahahanap nito.

"Hindi! Sinipa ako ng Stranger." inis na wika nito. Pabalang siyang umupo sa supa, sa tabi ng binatang si Kieth.

"Hahahahahahaha!" tawanan nila ng marinig ang dahilan kung bakit ito naka-simangot, lalo naman nainis ang binata. Piling niya ay nag-mukha siyang clown sa eksenang ito. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Sila kaya ang sipain ko? Hindi lang maingay ang stranger na 'yon, sadista pa. Aba! masakit ang ginawa niya. Wika ng binata sa isip. Binigyan niya ng masamang tingin ang lahat upang magsi-tigil sa pag-tatawanan.

"Teka, JD. Ano na naman ang ginawa mo ngayon at hindi na nakatiis si Andie na sipain ka?" usisa ni JM na hindi mapigilan ang pag-tawa nito.

"Inutusan ko lang naman bumuli ng tubig, kaya lang nag-bago na ang gusto ko ng maka-balik siya. Kaya sabi ko juice na lang, sa tagal niya nag-bago na naman ang gusto ko sabi ko softdrinks na lang. Aba! sinipa ako ng stranger na yon. Tss!" naiiritang paliwanag nito. Pero sa isipan niya natatawa siya kapag naiisip niya ang mukha nitong naaasar. Gumaganda kasi lalo sa paningin niya ang dalaga kapag nakikita niya itong naiinis, natutuwa siya.

"Hahaha.. Ginawa mo yon? Talagang maiinis sayo ung tao. Pinagod mo ba naman, eh." natatawang komento ni Miguel sa kaibigang si JD. Tahimik lang ito at hindi pina-pahalata na natutuwa rin siya.

"Dude, lumalala ata ang alitan niyo ni andie ah. Dati nasa stage lang kayo ng asaran, bangayan. Ngayon nasa stage na kayo ng sakitan. Baka, umabot na kayo niyan ng patayan." natatawang komento naman ng binatang si Kieth. Naiiling naman ang iba, tama nga ang sinabi ni Kieth.

"Kaya ka naman pala tinataguan, eh." naiiling na wika ni Nathan. Pero napapa-isip ito kung bakit ganon na lang ito tratuhin ang dalaga, although nakaka-tuwa silang dalawa minsan tignan sa pag-babangayan nila ay hindi pa rin malinaw sa kanya kung bakit ganto pa rin niya tratuhin ito. Alam nila na iba ito at masyadong mabait, pero bakit ang kaibigan niya ay hindi makita ito.

Beautiful Stranger [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon