******
Nakaupo ang dalawang dalaga, may kalapitan sa bandang tumutugtog. Pinanunuod nila ngayon ang bandang Starlight. Nasa isa silang bar, kung saan ay pag-aari ng pamilya nila JD. Halos puno ang loob nito, karamihan ay puro babaeng humahanga sa nasabing grupo. Hindi rin maitatanggi ni Andie ang pag-hanga sa grupo, dahil sa magaling ito at maganda ang boses ng dalawang kumakanta. Ito ay ang mag-kapatid na sila JM at JD.
"Besh, anong gusto mong inumin?" tanong ng dalaga sa kaibigan.
"Juice na lang, Oy.. Teka, hindi tayo nag-punta dito para mag-inom ah. Kaya huwag kang kukuha ng anumang alak." paalala nito kay ayah, dahil ng minsang lumabas sila at nanuod ng gig ng Starlight ay uminom ito at nalasing.
"Oo na besh, promise ko naman iyan sayo diba?" Naka-taas na kamay pa nito na para bang nag-papanatang makabayan. Natawa naman si andie sa inasta ng kaibigan.
Nang matapos ang ilang kantang tinugtog ng Starlight ay lumapit na ito sa dalawang dalaga at naupo na din sa mesang kung saan naka-pwesto ang dalawa.
"Okay ba?" naka-ngiting tanong ni Nathan kay Andie. Humahanga ang binata sa babae, pero hindi lalagpas pa sa pagka-kaibigan ang gusto nito. Simula kasi ng mang-galing sa dalaga na walang tipo ito isa sa kanila ay mukang malabo din siyang gustuhin ng dalaga.
"Oo, ang galing niyo." nakangiting wika nito at nag-thumbs up pa. Natuwa naman ang binata sa kanya. "Lalo na kayo." patukoy pa nito sa tatlo maliban kay JD dahil hindi niya ito dinaanan ng tingin. "At ang ganda ng boses mo, JM. Pangatlong beses ko pa lang manuod pero talagang nakaka-bilib kayo." dugtong nito at hindi maitago ang ngiti, ang ngiting nag-papaganda sa mala-anghel niyang mukha.
"Hoy, ako hindi mo pupuriin Stranger?" wika naman ni JD, para sa kanya ay isang stranghero lang ang dalaga. Dahil bigla na lang itong napalapit sa mga kaibigan ng ganong kabilis.
"Oo, nga pala ano palang tutugtugin niyo ulit?" tanong nito sa mga binata at hindi pinansin ang sinasabi ni JD. Sinunod ni Andie ang sinabi sa kanya ng kaibigan na huwag na lang itong pansinin. Ayaw niya rin masira ang gabi niya, lalot na sinira na ng binata ang umaga nito.
"Ah-eh, ikaw may gusto ka bang tugtugin namin?" tanong ni Miguel, medyo nag-aalangan itong sakyan ang dalaga sa pag-wawalang-bahala kay JD.
"Ahh.. teka, ano bang maganda? Ayah, ikaw ano sa tingin mo ang magandang irequest?" tanong naman nito sa kaibigan.
"Huh?" medyo gulat pa ito, dahil sa naka-tingin ito kay JD at pinakiki-ramdaman ang atmosphere sa pagitan ng dalawa ay hindi niya na napansin na kinakausap pala siya ng kaibigan.
"Sabi ko ano magandang irequest sa kanila. Ikaw may gusto ka ba?" tanong nito ulit..
"Ahh, oo meron akong gusto. Pero gusto ko ay si kuya JD lang ang kakanta. Ung Walang iba, iyon na lang. Hihi.." sagot nito sa kaibigan na may kakaibang ngiti. Lagi na lang kasing nag-aaway ang dalawa madalas ay sa maliit na bagay lang ay pinag-aawayan na, minsan naisip niya na nag-kaka-gusto na ang mga ito sa isa't-isa. Hindi lang nila inaamin.
"Ahh.. Huwag na lang.. Malabo na kumanta iyan ng hindi labag sa kalooban niya." Komento nito na may kalmadong tono at patukoy sa binata.
"Sige, para naman hindi sabihin ng isa dyan na wala akong puso at lahat ng ginagawa ko ay labag sa loob ko. Ipapakita ko din sa kanya na magaling din naman ako, baka kasi bingi lang ang isa na iyan at bulag." pag-paparinig nito sa dalaga at may-pang iinsultong sabi nito.
"Tss! What ever devil!" mataray at pasigaw na komento nito.
"Same to you, stranger!" mayabang at pasigaw na ganti din ng binata.
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger [Short Story]
ContoSomeone who was just a stranger and nothing else. That someone is no meaning to you, is not important to you. But after a days, a week, a month or maybe a year, can mean so much to you now. That your boring day, dark past, pain, hatered and sadness...