******
Natapos ang isang araw ng klase, halos lahat ay naging maayos. Medyo naiilang pa rin si Andie sa mga tingin ng iba dahil ngayon hindi lang siya ang paksa kundi pati ang bago nitong kaibigan. Mas lumala pa ang mga bulungan na naririnig niya, kung dati ay hindi siya naba-bagay sa school na pina-pasukan ngayon ay pinag-dududahan ang pagka-kaibigan nila ni Ayah. Nakiki-pag-kaibigan lang ito dahil sa gusto niyang mapalapit sa mga hinahangaan nilang myembro ng Starlight.
Pero andyan ang maunawain at mabait niyang kaibigan na laging nag-sasabi na huwag pansinin ito. Kilala mo ang sarili mo at mas kilala ko kung sino ang totoong kaibigan. Iyan ang mga nag-papalakas ng loob niya.
Hindi naman ako interesado sa sinasabi nilang starlight na iyan. Ano naman ang nalalaman ko sa kanila? wika nito sa isipan.
-
"Andie? Saan ka umuuwi? Gusto mong sumabay sa amin?" tanong ng kaibigan nitong si ayah. Nag-lalakad sila ngayon sa may pasilyo, pababa.
"Huh? naku, hindi na.. dadaan pa kasi ako sa bakery namin. Tutulungan ko pa kasi sila papa at mama." sagot agad ni Andie sa kaibigan. Ganto ang routine ni Andie pagka-uwi galing skwelahan, diresto sa bakery ng kanyang magulang upang tumulong. Halos ito na rin ang nagiging bonding nilang mag-pamilya.
"Talaga?" agad na namilog ang mata nito at gumihit ang ngiti ng marinig ang sinabi ng dalaga. "Pwede ba akong sumama sayo ngayon? Sige na bestfriend.. Huh?" pag-lalambing nito sa kausap. Simula kasi ng makakain siya ng bake ng ina ni Andue ay talagang gustong gusto pa niya makatikim ng iba pa nitong luto. Ayah is a food lover, naaapriciate niya ang mga pag-kain kahit hindi ito class. Basta ay pasok sa panlasa niya ay talagang gusto na niya ito.
"Ah-eh, ayos lang sa akin pero baka hanapin ka ng sundo mo o ng parents mo kung hindi ka pa uuwi." nag-aalalang tugon nito.
"Ano ka ba, wala pa ang mga magulang ko sa bahay ng gantong oras. Madalas ay nasa companya pa ang mga iyon at katulong lang namin ang maabutan ko. Kung iyong sundo ko naman ang inaalala mo ay si Nathan ang nag-hahatid sa akin sa bahay." paliwanag nito.
"Ganon ba.. O sige ayos lang na sumama ka." nakangiti nitong tugon.
"Whaaaa! Salamat Andie. Oh teka.. tawagan ko lang ung pinsan kong OA." natatawa nitong wika kay andie. Hindi din maiwasan nito na matawa siya sa kaibigan. Ayah have a childish personality, hyper and jolly person. She's a good friend base on what andie see.
Agad na kinuha ng dalaga ang kanyang celpone sa bulsa ng kanyang palda at dinayal ang numero ng kanyang pinsan. Matagal bago ito sinagot ng nasa kabilang linya.
"Oh, bakit?" agad na bungad ng nasa kabilang linya.
"Wow! Hello sayo kuya Nathan ah. Ang tagal mo sumagot tas ayan agad ang sasabihin mo? Tss!" naka-ingos na wika ng dalaga sa kabilang linya.
"Eh, bakit ka nga napatawag? Saka asan ka na? Papunta na kami sa parking lot, kaya punta ka na doon. Bilisan mo."
"Ah-eh, kuya Nathan hindi kasi ako sasabay sayo ngayon kaya ako napa-tawag. Mauna ka na at mag-papasundo na lang ako sa driver namin." paliwanag ng dalaga sa kabilang linya.
"What?!" bulalas nito. "And where are you going?! Did tita and tito know that?!" dugtong nito ng may kalakasan tono. Nag-aalala ito para sa pinsan lalo't na ng malaman niya na may mga binatilyong nanakit sa kanya. Obligasyon kasi niya ang dalaga kapag nasa loob sila ng school, pinaki-usapan siya ng mga magulang nito.
"Kuya, Stop Overreacting. Okay? Nagtext na ako kila mom and dad. So you dont need to worry. Saka si Andie naman ang kasama ko. Pupuntahan namin ang negosyo nila ngayon."
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger [Short Story]
Short StorySomeone who was just a stranger and nothing else. That someone is no meaning to you, is not important to you. But after a days, a week, a month or maybe a year, can mean so much to you now. That your boring day, dark past, pain, hatered and sadness...