Chapter 2

9 1 2
                                    


Nakatulala ako sa hawak kong business card ni Cupid. Nandito na ako sa bahay namin ng asawa ko na hanggang ngayon ay wala pa rin sa bahay.

It's been two years na magsimula ang ganitong pakikitungo sa akin ng asawa ko. Halos araw-araw na lang ganito, kapag nandito naman siya sa bahay ay parang hangin lang akong dinadaan-daanan. Hindi na niya ako kinakausap at minsan kapag lasing na lasing siya ang nasasaktan niya ako.

Tinitiis ko na lang ang lahat ng ito dahil mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para maibalik kami si dati.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa Restart Program na iyon, baka naman niloloko lang ako nun. Pero hindi pa rin mawala ang parte sa damdamin ko na umaasa na baka ito na nga ang solusyon sa problema naming mag-asawa. Itinabi ko muna ang business card sa wallet ko nang marinig ko na bumukas ang gate namin. Nandito na si Nathaniel, sandali kong sinulyapan ang wall clock sa living room namin at nakitang 12:35 a.m. na.

Napabuntong-hininga na lang ako, tapos na ang anniversary namin. Hindi ko pa nabigay ang regalo kong cake na ako mismo ang nag-bake.

"Bakit ngayon ka lang? At bakit lasing ka na naman? Alam mo namang masama sa kalusugan mo yan diba?" tanong ko sa kanya matapos maamoy ang alak sa katawan nito. Agad ko itong inalalayan ng makitang hindi ito makalakad ng maayos.

"Pakialam mo ba!" sigaw nito at tinulak ang mga kamay kong nakaalalay sa kanya. Natumba ako sa sahig pero hindi ko na inalintana iyon at agad na humawak sa kamay ng asawa.

"May pakialam ako kasi asawa mo ako Nathaniel! Please bakit hindi na lang tayo bumalik sa dati, y-yung masaya tayo. Y-yung mga panahong nagmamahalan pa tayo." umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Asawa?"tanong nito habang malakas na tumatawa bago ibinalik ang matatalas na tingin sa akin.

"Sana inisip mo yan bago ka lumandi! Ikaw ang sumira ng sinasabi mong kasiyahan Ariana, ikaw!" mahigpit na hawak nito ang aking mukha. Panigurado akong magkakapasa na naman ako bukas.

Marahas niyang binitawan ang aking mukha na para bang isa akong nakakadiring bagay. Napasalampak na lang ako sa sahig habang patuloy na umiiyak. Hindi ko naman kasi masisisi si Nathaniel kung bakit ganun ang pakikitungo niya sa akin.

Because what he said was true, na ako ang sumira sa kasiyahan naming dalawa. Na hindi sana nangyayari ang lahat ng ito if I hadn't cheated on him.

Restart ProgramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon