Chapter 1

7 2 2
                                    

Nanginginig na pinagkiskis ko ang aking mga kamay. Umaasang magbibigay ng kahit na konting init sa aking nilalamig na katawan.

Mahigit apat na oras na akong naghihintay sa pagdating ng aking asawa ngunit kahit anino man lang niya ay hindi ko masulyapan. Tinitiis ang lamig na tinawagan ko ulit ang numero ng aking asawa ngunit puro ring lamang ito at walang sumasagot.

Supposedly ay date namin ngayon para sa 3rd anniversary namin pero nagsarado na ang restaurant na pagmemeetingan namin ay hindi pa siya dumadating. Tuwang-tuwa pa nga ako ng pumayag siya na makipag-date sa akin ngayong anniversary.

Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at nagulat na 11:00 p.m. na pala. Napagtanto ko na baka hindi na siya dumating.

Naluluha kong pinunasan ang kanina ko pang tumutulong luha. Ang tanga tanga ko naman kasi, umasa pa ako na baka dumating siya.

Nanlulumo akong tumayo mula sa pinagkakaupuan kong gilid ng kalsada upang pumara ng taxi. Maya-maya pa ay may huminto ng taxi sa aking harapan. Subalit ako ay nagdadalawang isip na sakyan ito sapagkat ang kulay ng taxi ay pink at may mga design na pulang puso sa paligid.

Biglang lumabas ang driver sa sasakyan. Hindi ko maipagkakailang gwapo ang lalaki mula sa matangos na ilong, mapupungay na mata, mapulang labi at magandang hugis ng mukha.

"Magandang gabi Maam, nais mo bang sumakay ng aking taxi" nakangiting saad nito.

Marahil ay naakit ako sa kanyang ngiti at napapayag ako nitong sumakay sa taxi niyang pink.

Pagpasok ko sa loob ng taxi ay agad kong napansin ang design ng mga upuan na may nakadesign din na puso. Lubos akong nagtataka sa design ng taxi na ito pero hindi ko alam pero hindi ako natatakot na baka may gawing masama sa akin ang driver na ito.

Sasabihin ko na sana sa driver kung saan ako ihahatid nang biglang itong nagsalita.

"Mrs. Ariana Adamson, wife of Mr. Nathaniel Adamson. Three years na kayong kasal ng iyong asawa and you're hoping na bumalik na ang pagmamahal ng iyong asawa sa iyo. You're hoping na bumalik kayo sa dati, a happy married couple. Am I right?"

Napatigalgal ako sa sinabi ng driver. Paano nito nalaman ang lahat ng iyon? Nagsisimula na akong matakot para sa aking kalagayan. Sino ba itong driver na ito?

"Huwag kang mag-alala Mrs. Adamson. I won't harm you" nakangiting saad na naman nito.

"S-sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Bakit alam mo ang lahat ng iyon? Stalker ka ba? Ibaba mo na ako ngayon din kundi tatawag ako ng pulis" pagbabanta ko sa kanya. Dapat pala hindi na ako sumakay sa taxi niya.

" Chill Mrs. Adamson, napagutusan lang akong ihatid ka since you are part of our very special program" hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.

"P-program? Anong program?" sa pagkakaalam ko wala akong sinasalihang program. Hindi kaya ang asawa ko ang sumali dito at nadamay lang ako.

Nagulat ako ng huminto ang taxi at humarap sa akin ang gwapong mukha ng driver.

"Welcome to Restart Program where broken marriages are given a second chance" saad nito habang nakapaskil pa rin sa labi ang hindi nawawalang ngiti.

"By the way, you can call me Cupid" sabay abot nito sa akin ng isang business card na color pink pa rin.

Oh my God! Ano bang buhay ito!

Restart ProgramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon