Chapter 3

5 1 0
                                    

*Flashback
2 years ago

Dahan-dahan kong inilapag sa lamesa ang chocolate cake na bi-nake ko kasama ang iba pang mga putahe na ako ang nagluto. Nilagyan ko ito ng sulat na I love you, mahal. Happy Anniversary <3

Buti na lang at natapos ko kaagad ang lahat ng aking niluto. Masugid kong nilingon ang paligid para masiguradong ang lahat ay nasa ayos na, pati na rin ang mga rosas at puso na balloon nakadisplay sa paligid. Ang ganda na, tiyak na matutuwa si Nathaniel dito.

Sa katunayan hindi alam ni Nathniel na may party ngayon sa bahay. Nathaniel loves surprises at balak ko sana siyang isurprise kaya inimbita ko lahat ng kaibigan namin at pati na rin kapamilya para ipagdiwang ang anniversary namin.

Maya-maya pa ay nagsimula ng magsidatingan ang mga bisita. Nang makita ko ang aking mga magulang ay agad akong lumapit dito.

"Mom!Dad! Buti po nakapunta kayo. I miss you so much" nakayakap kong sabi sa aking mga magulang. Sobra ko na silang na-miss.

"Miss ka na rin namin anak" nakayap din sila sakin ng mahigpit.

"Kumusta ka na, anak? Maayos ba ang trato sayo ni Nathaniel?"

"Opo naman po. Sobrang saya ko po sa piling niya" malawak ang ngiting ko habang sinasagot ang tanong ng mga magulang.

"My daughter-in-law!!!"

Nakarinig ako ng malaks na boses at nang mapalingon ay nakita ko ang mga magulang ng aking asawa. Agad akong lumapit sa kanila at yumakap.

"Mamita! Papi! Buti po nakarating kayo" masayang saad ko.

"Syempre naman my daughter-in-law. Hindi ako mawawala sa mga ganitong party and of course miss ko na rin kayo ng anak ko" sosyaleng saad nito. Napatawa na lang ako at tuloy-tuloy na nakipag-usap sa kanila kasama ang mga magulang ko.

"ARIANNNAAAA!!!!!!!"

May sumigaw ng pangalan ko at nakita ang mga best friend ko. Saglit na nagpaalam muna ako sa aking mga magulang at magulang ni Nathaniel upang salubungin ang mga magwawala kong kaibigan.

"Kumusta na bakla! Blooming na blooming ka dyan ah. Ano tinitira mo at makahingi. Mukhang effective eh" bungad ng kaibigan kong si Juan pero mas kilala bilang Jenny. Namula ako sa sinabi niya pero bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Alytris.

"Duh! Hindi ka magkakaroon ng tinitira ni Arianna kasi wala kang flower. Puro ka talong hahahaha" tumatawang saad ng isa ko pang lukaret na best friend na si Alytris a.k.a Aly. Binatukan ni Juan este Jenny pala si Aly.

"Aray naman bakla! Makabatok wagas." nagrereklamong sabi ni Aly habang hinihimas ang ulong pinuntirya ni Juan.

"Ikaw kasi eh! Alam mo nmang nahuhurt ang feelings ko kapag pinapaalalang wala akong flower" nakangusong sabi ni Juan na hindi bagay sa mukha nito.

Ngumiwi ako sa pinagsasabi ng dalawa at umawat na.

"Mga bakla, stop na. Nag-aaway pa kayo dyan. Hindi niyo ba ako namiss?" nakangiting sabi ko sa kanilabg dalawa.

Agad na yumakap ang dalawang lukaret sa buhay ko. Hindi pa nagtatagal ang yakapan naming tatlo nang may lumapit saking lalaki ng hindi ko inaakalang pupunta dito.

"Hello Ariana, long time no see" seryosong sabi nito habang matiim na nakatitig ang mga itim na mata sa akin.

"J-james" utal-utal kong banggit sa pangalan ng lalaking dati kong kasintahan. Bumitaw ako sa yakap ng aking mga madadaldal na kaibigan na natahimik rin sa presenya ng bagong dating na lalaki.

Humarap ako ng mabuti sa lalaki at mistulang tumigil ang mundo nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata. Nahihirapan akong huminga, marahil dahil sa sakit na nadarama ngayon sa aking dibdib.

Pero bakit? Dapat ay nakamove-on na ako ako na nangyari sa aming dalawa. Hindi ko na dapat nararamdaman ang mga ganitong bagay, may asawa na ako at mahal na mahal ko ito.

Marahang gumuhit ang isang maliit na ngisi sa labi ng lalaki sa aking harapan na siyang nakapagtindig balahibo sa akin. Unti-unti siyang lumapit sa akin pero imbis na lumayo o itulak ito ay tila natuod lamang ako sa aking kinatatayuan.

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa akin at binigyan ako ng isang dampi na halik sa pisngi.

"Did you miss me? 'Cause I miss you so damn much babe" bulong nito sa aking tenga na siyang nagpatayo sa aking mga balahibo.

Restart ProgramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon