Chapter 4

9 0 0
                                    

Continuation of flashback

"Ariana?"

Tila nabuhusan ako ng malamig ay natauhan ako ng may tumawag sa pangalan ko. Agad akong lumayo kay James na parang napaso.

Lumingon sa ako sa tumawag sa aking pangalan at nakitang isa ito sa matalik na kaibigan ni Nathaniel na si Daniel.

"Oh Daniel! Ikaw pala yan" bati ko dito na parang walang nangyari. Pilit na umaakto na wala lang ang presensya ng dating kasintahan sa likod ko.

"Yeah. How are you, Ariana?" salubong nito sa akin na may seryosong tanong nito sa akin.

Biglang sumiklob ang kaba sa aking dibdib. Nakita niya ba kami kanina ni James?

"ahm...I-im fine" pilit akong ngumiti sa kanya. Ieexplain ko ba na wala lang yung nakita niya kanina?

"That's good. Mukhang inaalagaan ka ng mabuti ni Nathaniel" sabi nito habang nakikipagsukatan ng tingin sa lalaking gumugulo sa isip ko ngayon. Nararamdaman ko ang tensyon na nabubuo sa paligid nang lumingon ito sa akin.

"Anyway para saan yung nakita kong mga alak na dineliver kanina?" tanong nito sa akin na parang wala lang nangyari

Biglang nagliwanag ang mga mata ko sa narinig, masaya na iniba na ang topic at pinalampas na nito ang nakita kanina.

"Inorder ko yan kanina para sa gaganaping party" masayang sabi ko habang pasimpleng sinulyapan ang likod ko para silipin si James at nakahinga ng maluwag nang makitang nasa malayo na ito at nakikipagkwentuhan sa iba pang bisita.

"Party? Diba anniversary niyo? Bakit puro alak?" agad kong naibalik ang tingin kay Daniel nang marinig ang sunod sunod na tanong nito

"Ganon talaga Fafa! Para maexperience nila ulit na mag-asawa ang feeling na sila ay single." singit ni Juan

Ang theme kasi ng anniversary namin ay parang bar pero dito lang gaganapin sa bahay para maexperience ko naman ang mga nangyayari sa bar. Sila Juan at Alytris ang nakaisip ng concept na ito para naman daw maexperience ko ang party life kahit sandali lang. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa bar since nag-aaral pa ako ng mga panahon na yun and I don't want to be distracted from my studies. Pagkagraduate ko naman ay kinasal ako agad sa two years boyfriend ko na si Nathaniel.

I'm happy with my life but minsan hindi ko pa rin maiwasang mainggit sa ibang babae na nagagawang magparty. Na naenjoy ang single life nila.

Napatango-tango si Daniel sa sinabi ni Juan.
"Yeah, I think its cool pero I think na hindi bagay ang bar concept ng party since anniversary niyo ang sinecelebrate ngayon. Bars and parties like this are supposed to be wild, free and of course quite dangerous"

Bago pa ako makasagot ay umalma na ukit si Juan
"Syempre naman Fafa Daniel pa-barbie lang ang bar concept nitong party. Mild drinking and dancing lang ang gagawin since nakatali na ang aking best friend"

"Okay then, I'll support you in your decision. Just be careful." seryoso uling sabi nito bago umalis sa aking harapan. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na ito.

Bigla akong nanigas sa pwesto ko ng may lumapat na mga kamay sa bewang ko. Naamoy ko ang mabangong amoy na kilalang kilala ko. Humarap ako dito at nasulyapan ang nakangiting mukha ng asawa ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso at nararamdaman ko din ang sinasabi nilang butterflies in the stomach na lagi kong nararamdaman tuwing nakikita o naiisip ang aking asawa.

Nakangiti naman akong yumakap sa leeg nito.

"I miss you, mahal" malambing na sabi nito habang nakayakap ang mga kamay sa bewang ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Restart ProgramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon