Nandito ako sa cafeteria mag-isa. Wala pa kasi yung mga ulupong na yun! Nag-over time ata ang prof nila. Naglalaro ako ng ML nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Hi Josh!"
Nag-angat ako ng tingin and it's Chloe, wearing a sweet smile habang nakasukbit ang kanyang sling bag sa kanyang balikat at isang paper bag naman sa kanyang kamay.
I smiled. " Oh ikaw pala. Hello!" umayos ako ng upo at ibinalik ang tingin sa cellphone ko kasi naglalaro ako.
" Uhm okay lang ba na... m-makikiupo ako?" gamit sa mahinang tinig niya iyon sinabi kaya napa-angat na naman ang aking tingin sa kanya at tsaka tumango.
Naramdaman ko naman naupo siya kaya hinayaan ko na lang muna. Nahihiya ako. Hindi ko alam pano mag-entertain ng kasama! Sanay kasi ako na yung apat ang kumausap sa kanya, and now, kaming dalawa lang! At rank game pa itong nilaro ko sa ML, mahirap na baka bumaba credit score ko kapag mage-AFK ako!
Hinayaan ko na lang siya sa harap ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero ramdam ko na gusto niyang may pag-usapan kami. Ako lang talaga itong engot na laro ang inuuna bago kausapin si Chloe.
" Thank you daw sa paghatid sa akin kagabi, sabi ni mommy. Ipinagluto ka niya ng pagkain, bigay ko raw sayo kapag nagkita tayo." panimula niya, but still, hindi ko pa rin siya kinausap. Kasi patapos na ang laro ko Chloe, wait ka lang. Ikaw na ang susunod kong pagtuonan ng pansin. " Uhh may g-ginagawa ka a-ta. Dito ko na lang to ilalagay ah, sana kainin mo iyan. That's masarap. Luto iyan ni mommy." aniya at inilapit niya ang paper bag sa akin. Sinipat ko lang iyon at ibinalik din agad ang tingin sa nilalaro.
Malapit na. konti na lang! Hindi ko na hinintay ang minions at sinugod ko na iyong panghuling turret para mag victory na kami! At yun nga, nag victory kami! Mabilis kong itinago ang phone ko at nakangiting nag-angat ng tingin sa kanya, ngunit wala akong nakitang Chloe sa harap ko. Isang paper bag lang at note na may nakalagay na ' Eat well Josh! Hope you like it!' Nagpalinga-linga ako at Nakita ko siyang palabas ng cafeteria na mag-isa.
Victory nga sa laro eh defeat naman kay Chloe. Hays sa susunod nga di ko na uunahin ang paglalaro, si Chloe na talaga sa susunod.
Dala ang paper bag ay naglakad na ako papunta sa classroom ko. Hindi na nagsidatingan ang apat baka may mga ginagawa iyung mga 'yun.
Hindi ko alam kung anong putahe ang niluto ng Mommy ni Chloe, pero sigurado akong masarap ito.
Pagkadating ko sa classroom umupo agad ako sa aking upuan at itinabi muna ang paper bag bago nilabas ang notes ko sa Mathematics kasi baka magkaroon ng surprise quiz si sir at baka malintikan ako kapag wala akong maisagot. Kahit naman na ang tawag sakin dito ay Mr. Perfect, bumabagsak rin naman ako gaya nung nakaraang taon dahil sa madalas kong pagkakasakit sa pag-iisip ko kay hays tama na nga. Naaalala ko na naman kasi iyung nagawa ko kanina. Kabobohan Josh!
Hindi ako sumabay sa kanila ng lunch. Nagpunta lang ako sa likod ng building namin para magpahangin at doon magpasyang kumain. Masyado akong nahirapan kanina. Hindi nga ako nagkamali, nagkaroon nga ng surprise quiz si sir. At parang bad trip siya kanina kaya 60 items ang ibinigay niya! At isat kalahating oras lang ang klase namin sa kanya eh matatapos kaya namin yun? Mabuti nga at natapos ko kaso parang naubos yata lahat ng dugo ko.
Naupo ako sa ilalim ng malaking puno at nagmumuni-muni muna bago kumain. Patapos na ako sa pagkain nung nag-ring ang cellphone ko dahil sa isang tawag.
Inilapag ko muna ang tupperware bago kinuha sa loob ng bulsa ng aking uniform ang cellphone.
Incoming call
Raine
Hello? tanong ko sa kabilang linya.
Asan ka bro? mabilis na sagot niya matapos kong magsalita.
Bakit?
Asan ka nga muna.
Sa lugar na wala ka! pamimilosopo ko.
Gago! Asan ka nga? Hinahanap nila Trixie si Chloe. Hindi daw mahanap! Nagbabakasakali silang kasama mo si Chloe dahil iyun daw ang paalam nito sa kanila kanina. paliwanag ni Raine matapos akong murahin. Hindi rin alintana ang boses ni Raine. Bro ano? Paiyak na si Trixie sa sobrang pag-aalala! Kanina pa daw kasi nila ito hinahanap. boses nawawalan ng pasensyang sabi ni Raine.
Ewan ko! sabi ko na parang walang pakialam pero sa loob-loob ko ay kinakabahan ako at pinatay agad ang tawag.
Hindi ko na tinapos ang kinain ko at aga iyun iniligpit at pagkatapos ay umalis na ako doon para simulang hanapin si Chloe.
Kanina pa daw nila ito hinahanap? Edi kanina pa siya nawawala? Ano na naman kayang nangyari?
Isang oras na ang nakalipas mula nung tumawag sakin si Raine at isang oras na rin ang nakalipas at hindi ko pa rin siya nahahanap. Malapit na magsimula ang klase ko at hindi ko pa siya nahahanap! Saang lupalop naman kaya siya ng campus nagsusu-suot kasi nilibot ko na talaga ang buong school ngunit wala siya. Pati iyung mga lugar na liblib pinuntahan ko na ngunit wala rin siya doon!
Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa kanya hanggang sa oras na nga ng klase ko at nagdadalawang isip ako kung hahanapin ko ba siya o papasok ako. Pero sa huli, pumasok ako sa klase ko kahit late na ako dahil naalala ko na major subject ko nga pala to.
Tinext ko si Raine nang patago nung nakatilokd ang prof namin para magsulat.
Ako:
Bro, nahanap na daw ba siya?
Naghintay ako sa reply niya pero wala akong natanggap kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa porf namin hanggang sa magdismissal na saka ko pa lang chineck ulit ang phone ko at may natanggap na akong reply sa kanya.
Raine:
Oo ata. Ay ewan, baka. Nakita ko sila kanina eh. Though not sure if its Chloe pero katangkad kasi.
Ako:
Sige salamat!
Somehow I felt relieved sa sinabi ni Raine pero pano ako makakasigurado kung hindi ko mismo makita sa mga mata ko na andyan na siya, nahanap na siya at okay siya.
Bakit ba kasi ako nakakaramdam ng ganito? Fuck this!
