C H A P T E R 2

15 3 1
                                    

Nung nakaraang linggo pa nagsimula ang pasukan pero hanggang ngayon ay 'di kami makatyempo kay Trixie. Kasi nahihiya din tong mokong na Raine kasi nga daw nakadate niya 'yun.

Ilang buwan nang ayaw lumayas ni Chloe sa isip ko. Binabaliw pa din ako ng babaeng yun! Hindi kasi namin maaabutan sina Trixie at Mitch sa table nila pag dadating kami. Laging huli o di kaya ay hindi sa cafeteria kumakain.

"JOSH! BRO!!" napalingon ako sa likod ko at nakita si Xian na tumatakbo papunta sa gawi namin. Nandito kami sa cafeteria dahil parehas kaming vacant. "San..dali..." binigyan siya ng tubig ni Kent at ininom niya naman iyon. Kumalma muna siya bago nagsalita uli. "Nakausap ko si Trixie kanina kasi naging magka-grupo kami sa isang reporting."

"Oh tapos?" Laine.

"Sandali lang Laine, give me time to breath. Tinanong ko siya kung bakit 'di na bumalik yung babae--yung si Chloe diba yun?" tanong niya at tumango naman ako. "Sabi niya nag-enroll daw siya dito nung pagpunta niya. Edi mas lalo akong nacurious kasi nag-enroll pala tapos hindi pa pumapasok. Ang sabi niya naman ay papasok na daw yun, di pa nga lang ngayon dahil may ginagawa pa siya sa ibang bansa. Tinanong ko kung ano sabi niya kasama pamilya niya. Tapos tinanong ko siya ulit kung saan siya nagpunta last year nung di siya pumapasok pagkatapos ng exam. Ang sabi niya sumunod daw siya sa pinsan niyang si Chloe sa ibang bansa. Ngayong buwan daw ang uwi ni Chloe dito pero baka sa susunod na buwan pa makakapasok. Ayun lang ang sabi niya." hinihingal niyang tinapos ang kwento niya.

"Imagine.. may pakinabang karin pala Xi HAHAHHA. Tsismoso kasi eh." asar sa kanya ni Kent.

Sa susunod na buwan pa siya makakapasok? Pwede ba yun? Edi magiging behind na siya?

"Hindi mo ba tinanong kung saan sila nakatira dito sa Maynila?" tanong ko sa pinsan ko.

"Hindi eh. Pero alam ko ang address ng bahay ni Trixie. Sa ano... san nga ulit yun.?.. Sa...." iniisip niya muna kung saan? Akala ko ba nakita niya? " Ayun! Sa Sunrise High Subdivision."

Kalapit na subdivision lang. Halos katapat ng sa amin. Teka nga? Ano ba tong iniisip ko? Bakit ba ako nagtatanong? Hay bahala na!

Lumipas ang isang linggo at biyernes na ngayon. Naghahanda na ako papasok sa school. Simula noon ay iniiwasan ko nang isipin si Chloe dahil hindi maganda ang naidudulot niya sa akin.

Nung nakaraan ay nagkaroon ako ng lagnat dahil sa sunod-sunod kong pagpupuyat kasi nga iniisip ko pa din siya! Nililibang ko na nga lang ang sarili ko para hindi siya maalala.

Bumaba agad ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Nagtungo ako sa dining room at naabutan ko doon si Mommy na kumakain ng almusal at si Daddy na nagbabasa ng newspaper at umiinom ng kape.

"Good Morning Mom, Dad." bati ko sa kanilang dalawa at inilapag ang bag ko sa counter top ng kitchen naming.

"Good Morning baby." bati sakin ni mommy at agad naman umasim ang mukha ko dahil sa tawag niya sakin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbago.

"Good Morning young boy."

Nasira agad ang mood ko dahil sa tawag sakin ng magulang ko.

"Come on guys! I'm already in college, wag niyo na akong tawagin ng ganyan!" kunyaring naiinis kung saad.

"Ahh, our baby don't love us na honey. Maybe he already love someone that's why he's like that." dahil umandar na naman ang pagiging childish ni mommy ay di ko na lang siya pinansin. Nakakasakit ng ulo ang pagiging conyo ni mommy.

Tinapos ko na agad ang breakfast ko at nagtungo na sa school. Pagdating ko sa school ay ipinark ko ang sasakyan ko sa nakasanayan kong parking space, at bumaba na. Pumunta muna ako sa locker room para kunin ang pang umaga kong gamit.

CHLOEWhere stories live. Discover now