There's a girl I met at our school. I was 1st year college that time, patapos na ang school year nun nang nakita ko siya. Just by looking at her, naalala ko yung babaeng nakita ko noon nung bata pa ako. I don't know what's on her that I can't take away my eyes on her beautiful face. Siguro dahil dun sa batang babaeng nakita ko rin noon. You know the feeling na yung gustong-gusto mo siyang lapitan kaso di mo magawa? Kasi takot akong... layuan niya ako.
That time, while me and my friends are walking our way to the cafeteria ay napadaan kami sa registrar office ng school namin kasama ang mga kaibigan ko. Tamang-tama nung napadaan kami sa mismong pinto ng registrar ay may babaeng lumabas mula doon. Nagpalinga-linga siya. Finding someone? Pero nagulat ako nung nakita ko siyang palapit sa amin.
"Uhm... excuse me?" she asked when she's already in front of us.
" Yes gorgeous? How may I help you?" ani ng kaibigan kong si Raine. Or babaerong kaibigan.
"I want to ask if uhm... where's the uh... cafeteria?" pansin kong hindi siya komportable sa pagtawag ni Raine sa kanya ng gorgeous kaya bago pa makasagot si Raine ay inunahan ko na siya.
"We're on our way there. Sabay ka na samin." I said with a friendly smile.
" Uhm.. sorry but I'm still waiting for someone. So, can you just tell me the directions?" at dahil ayokong mapahiya nun eh sinabi ko na lang agad yung direksyon. Halata namang hindi komportable yung babae eh.
" Yung pangalan brraaaddd!!! Di mo ko hinayaang itanong ang pangalan. Nakakaasar to! Babae yun! BA-BA-E." ani Raine na parang nanghihinayang. "Sexy pa naman tsk."
" Raine, di naman tumalab charisma mo sa kanya eh HAHAHAH para ngang nandidiri sayo." ani ng kakambal niyang si Laine.
Raine and Laine Salvador are twins. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan tong dalawa basta ang alam ko babaero si Raine habang si Laine naman ay nagkakandarapa sa isa naming kaibigan na si Kent.
"HAHAHAH ayan kasi, inuna landi bago tinulungan. Buti pa to si Mr. Perfect, mabait dun sa babae." and here's Xian my cousin.
I am called Mr. Perfect here in the university. Hindi ko alam kung anong nakain nila kasi ganun ang bansag sa akin. Sabi nila dahil daw matalino, gwapo, mayaman, mabait, athletic at nakukuha ko lahat ng gusto ko. They didn't know that I'm not perfect. I'm just an ordinary guy until she came.
Pagdating namin sa cafeteria as always parang mga robot ang leeg ng mga estudyante na panay ang sunod ng tingin sa amin. Hindi na bago sa akin ito. I'm used to this. Um-order agad kami ng pagkain para sa lunch namin, pagkatapos ay naupo kami sa aming usual table.
Habang kumakain kami ay panay ang kwento at komento ng aking mga kaibigan tungkol doon sa babae dahil iyon daw ang unang babaeng tumalikod kay Raine. Natawa na lang ako at nailing. Yeah, she's the first girl who turned her head to Raine and face me. Instead na si Raine ang kausapin ay ako ang kinausap dahil mas gwapo ako kay Raine. Kumontra naman agad ang mokong.
Nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan nang biglang natigilan ang ilang mga lalaking estudyante at nakatingin sa entrance ng cafeteria. Ayoko sana makiusyso kaso ng sabihin ni Kent na ito ang babae kanina ay napalingon agad ako.
Nakita ko siyang kakapasok pa lang sa cafeteria kasama ang isang babae at isang gay? Para kasing bakla kung lumakad. Hindi naman ganyan lumakad ang mga babaeng kasama niya. I watched her every moves. Pinagmamasdan ko siya habang kumukuha ng pagkain hanggang nakaupo sila sa malayong mesa mula sa amin.
"Kilala ko yang kasama nila! Sino nga ba yan??? Nakadate ko yan eh, sandali... " inilagay pa ni Raine ang dalawang kamay sa ulo at isinabunot sa buhok niya. Yung parang inaalala kaso di mo maaalala. Sa dami ba naman kasi ng naging babae nitong mokong na 'to maaalala pa niya kaya? "Ayun! Trixie! Trixie ang pangalan niyan." kala ko di niya maaalala eh.
