Nung araw na 'yun ay hindi na kami nakakain ng lunch dahil nga sa pagsesermon ni Trixie kay Chloe na pinakinggan pa namin. Naabutan na kami ng time pero sina Chloe, Trixie at Mitch ay nagmadaling pumunta sa cafeteria dahil dapat daw magkalaman kahit konti ang tiyan ni Chloe. Nagtalo na naman nga ang magpinsan na malelate daw sila pero si Trixie eh hindi na naman nagpatalo. Sinermonan niya na naman si Chloe na dapat sa susunod ay may baon itong pagkain para hindi magutom.
Ako naman ay busog pa nun kaya ayos lang sa akin na hindi makakain. Ewan lang sa apat na mga patay gutom ang mga 'yun. Hindi pwedeng walang pagkain pagdating sa kanila.
Nasa last prof na kami ngayon at nagdidiscuss ang prof sa amin tungkol sa lesson na sigurado naman akong napag-aralan na naming ito. Hindi ko alam kung bakit pa namin 'to pinagaaralan sa college eh pinag-aralan naman na namin to sa High School. Pang hapon ang oras ni Sir samin ngayong Monday habang sa Tuesday to Friday naman ay 6-7 pm. Doctor kasi si sir pang part time niya lang ang pagtuturo dito sa University kaya ayun. Tuwing Monday ay hanggang alas sinko lang ang klase namin.
"CALLING THE ATTENTION OF MR. SUAREZ. KINDLY GO TO THE INFIRMARY FOR AN EMERGENCY. AGAIN CALLING THE ATTENTION OF MR. SUAREZ. KINDLY GO TO THE INFIRMARY FOR AN EMERGENCY." bigla na lang may tumawag kay Sir kaya naman ay maaga kaming nagdismiss pero hindi niya kami pinayagan na lumabas ng classroom hangga't hindi pa nagta-time. Kaya wala kaming choice kundi magstay sa classroom.
Mga 10 minutes na nung umalis si sir at nagpuntang infirmary para sa emergency nga daw. Kinabahan ako nang may ambulansya na dumating sa University kaya nagsilabasan na kaming lahat na magkaklase. Napatingin kami sa pinagtakbuhan ng mga nurse at ang daan papuntang infirmary ang tinungo nila. Hindi nagtagal ay may babaeng estudyante nang sakay doon sa hila hila nilang stretcher pabalik iyon papunta sa ambulansya. Hindi ko alam pero parang kilala ko ang nakahiga doon at walang malay. Bigla naman akong kinabahan sa taong biglang pumasok isip ko.
Chloe.
Hindi! Imposibleng si Chloe iyon nuh! Hanggang sa makaalis na ang ambulansya ay kinakabahan pa rin ako. Wala namang dugo sa katawan nun kaya baka nahimatay lang iyong babae.
Kanina ko pa kinukumbinsi ang sarili ko na hindi si Chloe iyon hanggang sa nagdidinner na lang kami ng parents ko ay wala pa din ako sa wisyo.
"Son.. are you okay? Parang kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali?" napatingin ako kay Daddy na nagtatakang nakatingin sa akin.
Ngumiti naman ako at sinabing ayos lang. Para namang nakombinse ko siya kaya pagkatapos kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ko at nahiga.
Kinabukasan ay maaga ako pumasok. Nagpunta agad ako sa locker room at dumiretso sa classroom ko. Sa pang umagang klase ay puro discussion ang naganap kaya wala masyadong activity. Nung nag lunch naman na ay naabutan ko ang apat na nasa iisang lamesa kasama sina Chloe at pinsan nito tsaka si Mitch, ako lang ang kulang doon kaya umorder na ako ng pagkain ko at pumunta sa inuupuan nila.
"Buti at dumating ka na. Sa kanila na kami sumabay para hindi masyadong boring." pangangatwiran ni Xian na akala mo naman eh papaniwalaan ko.
"Hi." bati ko sa kanila at naupo sa harap ni Chloe at sa tabi ni Kent.
"Dala mo na ba couz?" biglang tanong ni Trixie kay Chloe. At parang alam ko na ang ibig sabihin ni Trixie---iyong nakalimutan ni Chloe dalhin ang ibig niyang sabihin.
Ngumiti naman si Chloe bago sumagot. "Yup, nabatukan pa ako ni Kuya nung pagsundo nila sakin . Pinadalhan nila ako ng dalawa. Isa sa locker at dito sa bag."
"Mabuti naman at baka ako ang magkaroon ng heart attack dito pag nangyari ulit yun!!"
"Insan naman... sshh!" pagsaway ni Chloe sa pinsan niya.