Chapter 4

28 0 0
                                    


"The new girl is coming!"

"Hala kasama siya ni Arthrem? Sila na ba? Close na ba sila?"

"Oh my gosh! Are they family related?"

"Bagay sila ang cute!"

"Mukang malandi naman yan eh tignan mo nakadikit agad sa Queen Bee!"

Napatingin ako sa nagsabi at tinitigan ito without giving expression. Nginiian naman ako nito ng pagkabait bait na para bang pinagtatakpan ang pagkakamali niya, well it is true naman. Napatingin ako sa mala anghel na babae sa tabi ko na sobrang kinakabahan at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit para atleast mabawasan ang kaba niya.

"Wag mo na sila pansinin."

Napabuntong hininga naman ito na para bang bata na namumugto sa kaba.

"Hays, sabi na dapat hindi nako sumabay sayo eh pinagiinitan tuloy ako."

"Eh kesa naman sa ikaw lang mag isa edi pinagdiskitahan ka ng mga bully dito."

Buti nalang at malakas ang kapit ko dito sa school dahil hindi lang sa Queen bee ako, matalino din ako pagdating sa academics. Kaya ang ginawa naman ni Mom ay ginawang kaklase ko itong babaita na to. Pagkadating ko sa locker ko ay isinuksok ko sa loob ang mga gamit na hindi kailangan at biglang may tumawag sa akin.

"Hey, Cass!"

Napalingon kaming dalawa at nakita ko si Yohann na nakangiti sakin at sabay baling ng tingin kay Yvonne. Pagkalapit nito sa amin ay niyakap ako.

"Boyfriend mo?" Biglang tanong ni Yvonne.

Nagulat naman ako at tinawanan siya. Napatingin muli sa akin ang dalagita ng may pagkunot ang noo. Hindi ko mabasa ang expression niya.

"Kaibigan ko, tranferee din siya kakapasok niya lang kahapon."

"Hi, i'm Yohann, nice meeting you. Ikaw pala yung pinaguusapang bagong lipat dito."

Nagshake hands yung dalawa sa harap ko at medyo ramdam ko ang selos. Pero bakit ako nagseselos diba? Eh wala namang kami tsaka for sure mas bagay silang dalawa, maliit at matangkad, kapre at duwende ganon.

"Huh?"

"Hindi ba sinabi sayo ni Cass na pinaguusapan ka?"

"Ah kaya din pala tinitignan ako ng mga tao dito."

"Well duh what do you expect? Ganyan din ako kahapon pagkatransfer ko."

Bagay na bagay talaga silagng dalawa, nako pagnagkatuluyan yung dalawa support ko nalang sila hindi na ko mangingielam basta kung saan sila masaya go lang. Bakit kasi parehas silang type ko eh. Pero ang sabi ko sa sarili ko noon ayoko muna mag jowa ng lalaki hay nako, pero di kona talaga alam.

"Tara na baka mag bell na." Sabi ko ng monotone at medyo may diin. Di ko din alam kung bakit ganon ang pagkasabi ko, selosa kasi din akong tao.

Nakita kong hinawakan ni Yohann ang kamay ni Yvonne. "Tara na sabay na tayo sa room."

Wow lang talaga. Ako yung nagbitbit sa babae siya maguuwi? Huwaw amazing napaka galing. Wala na talo na agad ako. Pansin ko naman ang pagkamula ng dalagita at tumango nalang. Ano ako hangin? Napa iling nalang ako. Hay nako bahala na sila.

Nauna na ang dalawa sa unahan ko at nakita ko namang sumilip sa likod ko si babae. Sumenyas ito na tumabi sa kanila ngunit nginitian ko lang ito at nagbigay ng thumbs up. Oh diba ganyan ako kabait? Nag-pout naman ito at humarap muli kay Yohann dahil kinakausap siya nito. Infairness ang pogi niya din kapag nakatalikod.

Mga ugok talaga. Hindi nila alam crush ko silang dalawa.

Pagkapasok namin sa room ay pinagtinginan agad kami ng mga kaklase ko lalo na dun sa dalawang lovebirds.

"Tara Yvonne dun ka sa tabi ko dun lang kasi may avail na pwesto eh." Dinig ko na sabi ni Yohann.

Nakita ko namang nakatingin sakin yung dalawa kong hindot na kaibigan at tinataasan ako ng kilay. Pagkaupo ko sa upuan ko ay nagsimula ng pumutak ng tanong yung dalawa.

"Bes, sabi nila kasabay mo daw pumasok yung transferee na gurl?"

Tumango ako.

"Bakit magkasama sila ni Yohann?"

"Bagay sila eh." Sinabi ko ng walang expression.

"Selos ka?"

Umiling ako.

"Eh bat ka ganyan?"

"Wala lang kasi ako sa mood." Nginisian ko yung dalawang mokong.

"Bakit naman?"

Inangat ko balikat ko at sabay na tumingin yung dalawa sa likuran ko. Ang lalandi diba? Sa classroom pa talaga. Ito namang si Yvonne nagpapalandi eh kinikilig kilig pa eh hindi niya alam lolokohin din siya ng kupal na kapre. Kapre talaga! Manyak pa! Malandi na. Oh diba? 3 in 1 mga besh. Pero syempre crush ko padin siya hays, i mean sila. Kahit maglampunga pa sila pero letche ewan ko na ba.

Mga ilang segundo na akong nakatingin sa kanila kaya lumingon ang dalawa sa akin ngunit nginitian ko lang ang mga ito ng famous smile ko. Pansin ko ang agkabighani nilang dalawa pero ito nang si Yohann masyadong obvious.

"Ang ganda naman pala pag ngumingiti eh, you should do it more often." He winked at me at nag-agree naman si Yvonne sa tabi niya.

I eyed the dalagita and she blushed. Ang lakas talaga ng epekto ko kapag tinititigan ko sa eyes ang mga girls. Welp, what do you expect?

Pagkatapos ko dalawa ay binaling ko muli ang atensiyon ko sa dalawa kong mokong na bessywaps at ipinakilala ko sila.

"Athena and Carlito, si Yvonne Alcantara." I introduced the cute girl at nakipag kamay naman ito.

Pansin ko sa titig na hangad ni Yohann kay Yvonne. Hindi ko alam kung mainis ba ako o magiging happy ako para sa kanila eh pero mas okay na siguro na maging happy ako sa kanila kaya no problem sa akin. Besides, bagay na bagay silang dalawa eh. Kaya ako na maga-adjust at lalayo. Pwe, kung pwede naman kasing nasa isang section yung isa sa kanila para masolo ko hay nako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parallel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon