Prologue 1: Meet Lesley

2.3K 41 7
                                    

Writer's Point of view

Legends Castle: The Place of the people who has a Power and an ability to hold a sword or anything that can fight.

Ang ibang naninirahan sa Kaharian ay may taglay na kapangyarihan at ang iba naman ay wala.

Dahil sa Sobrang lakas ng mga may kapangyarihan ay may mga nagisip na agawin ang palasyo at mamuno sa Legends Castle.

Nagkaisa ang lahat ng may mga kapangyarihan o tinatawag na Mage upang magtaksil sa kanilang Hari at mamuno sa kaharian.

Nagkaroon ng Labanan sa Kaharian sa pamumuno ng hari ng Legends Castle at sa Reyna ng mga Mage na tinatawag nilang Vexana.

Habang naglalaban ang mga tao sa kaharian, Ang kanilang Reyna naman ay nasa kaniyang silid at isinisilang ang kanilang anak ng hari.

"Konti nalang mahal na Reyna." Sabi ng isa sa mga katulong.

Nailabas na ng Reyna ang kaniyang anak at pinangalanan niya itong "Lesley".

Niyakap niya ang Prinsesa at umiyak. Nangangamba siya na baka may mangyaring masama sa Ama ni Lesley.

~▪~▪~▪~▪~▪~

"Mahal na Hari, nagkakaubos na ang ating mga Minions. Ano ang ating gagawin?" Tanong ng isa sa mga Assassin.

"Malakas sila ngunit hindi tayo magpapatalo!" Sigaw ng hari at lumaban sila.

Natalo nila ang mga Mage na nagtaksil sa kanila ngunit..

Lahat ay nagulat sa nangyari sa kanilang Hari. Nilamon ito ng isang malaking kakaibang nilalang.

Hindi nagpatalo ang mga kawal sa mga Mage kahit na malagim ang sinapit ng kanilang hari, kaya't natalo nila ito at Dahil sa Pagkatalo nagdesisyon silang lumayo.

Pinaghahanap padin ang mga natitirang Mage, ngunit walang ni isang bakas ang natagpuan.

Queen's POV

"Asan ang Asawa ko?" Tanong ko sa mga hingal na hingal na kawal dahil sa kakamadaling makapunta dito.

"Wala na siya." Sabi ng isa sa kanila. Hindi ko maintindihan. Anong wala na?.

"Patay na." Malungkot na sambit nito at naramdaman ko na biglang sumakit ang aking dibdib.

Napasigaw ako sa sakit. Hanggang sa dilim nalang ang aking nakikita.

Patawad Lesley.

To be continued>

Hello Guys!! I edited this Story. This is the New "Falling Inlove with my Enemy" Hope you like itt.

Falling Inlove with my EnemyWhere stories live. Discover now