Chapter 29: Forced

123 12 0
                                    

GUSION

Sobra akong nasaktan sa lahat ng Mga Sinabi ng Mahal ko. Ayaw ko tong Gawin pero kapag hindi ko to Gagawin Papatayin ka Nila.

Ako na Magsasakripisyo para sa kaligtasan mo. Hindi ko Gusto ang Saktan ka Ngunit ito Ang Paraan upang Hindi ka Mapahamak.

Lesley kung Alam molang kung Gaano kita kamahal kahit na Magpapakasal ako hindi ibig sabihin nito ay Kakalimutan kona Ang Kaligtasan mo.

Binilin kita sa aking kaibigan na habang wala ako Siya Muna ang Magproprotekta sayo at Magpapasaya.

Ok lang sakin kahit na kalimutan mo ako basta Hindi ka Napapahamak.

Gagawin ko ang Lahat para Magkaroon tayo ng Happy Ending.

"Gusion bakit ba Malayo nanaman ang iniisip mo?" Naiiritang Tanong ni Guinevere.

"Ano nga ulit ung Tinatanong mo?"

"Bagay ba sakin tong Gown?"

"Ahmm. Ikaw bahala."

"Anong Ako? Dapat ikaw ung Magdesisyon."

"Para sa akin ok lang."

"Eh ikaw? Bat hindi kapa nakakapili ng susuutin mo?"

"Pwede bang Mamaya na!"

"Anong Mamaya? Bukas na ung kasal natin."

"Ito nalang." Sabay turo sa Damit na Sobrang Mamahalin ang Dating.

"Perfect. Ok Maghanda kana Bukas na ung kasal natin."

"Sige Pasok muna ako sa Kwarto."

Pagkapasok ko sa aking Silid agad akong Nahiga at Nagsimulang Matulog ngunit nagising ako ng may pumasok sa Aking Silid.

Si Guinevere ito.

"Anong Ginagawa mo dito! Umalis ka!" Pasigaw ko sa kaniya.

"Asawa mo ako kaya Ok lang na dito ako matulog." Agad niya akong Hinalikan sa labi ng Mariin.

Tinulak ko ito palayo sa akin.

"Anoba!"

"Anong Anoba? Bat ba ayaw mo sa akin? Dahil ba kay Lesley?"

"Bakit anong Gusto mo? Matulog dito? Kahit na maging asawa pa kita hinding hindi kita mamahalin!"

"Kasunduan lang ang Pagpapakasal ko sayo para lang kay Lesley. Hindi kita papakasalan dahil Mahal Kita papakasalan kita para sa Mahal ko! Yan ang tatandaan mo." Malakas kong Sabi sa kaniya.

"Matututunan morin akong Mahalin kapag kinasal na tayo."

"Alam mo Umalis kana sa kwarto ko bago pa magbago ang isip ko! Alis!" Pasigaw ko at lumabas narin siya ng Kwarto.

Agad akong Gumawa ng Sulat para kay Lesley ngunit ibibigay ko ito kapag naging Ok na ang Lahat.

Parang Nagdadalawang Isip akong Pakasalan ang Taong Ayaw ko pero kailangan kong tiisin para sa Mahal ko.

•~~~~~•

Matutuloy ba ang kasal nina Gusion at Guinevere?

Abangan..

Falling Inlove with my EnemyWhere stories live. Discover now