Do you have someone that you currently like? A crush, perhaps?
Are you in good terms with them?
If your answer is yes, here's a tip for you.
'Wag kang aamin! Please. 'Wag na 'wag kang aamin sa nararamdaman mo. Alam mo kung bakit? Kasi kapag ginawa mo 'yan, masisira friendship niyo. FO agad, ganon! Tapos 'di ka na niya papansinin. Ever! Hanggang sa magco-college kayo. Swerte mo na lang, kung hindi kayo pareho ng university.
So, take my advice.
'Wag kang aamin.
Kasi ako, umamin ako. At katulad nga ng sinabi ko, hindi na kami friends. Kahit strangers nga yung i-label sa amin 'di rin pwede. Kumbaga, negative strangers. Basta! Maniwala na lang kayo sa pinagsasabi ko.
Pero eto pa ang mas malala. Yung lalaking 'yon, tangina, naging first love ko pa. I mean, it doesn't necessarily mean that for someone to be your first love, eh kailangan dapat naging kayo. No. First love is about the feeling, the emotion. Hindi sa label.
And now, I wonder.
What if hindi ako umamin?
BINABASA MO ANG
Hindi Nagkatuluyan Sa Huli
Teen FictionNaka-move on ka na ba talaga? Eh, paano kung bumalik si first love?