Chapter Seven: Shorter

53 6 52
                                    

This is dedicated to juliacrisabella and dani_gonzaga for being awesome and supportive.

-7-

Rios Gatchalian's Point of View

Pagbukas ko ng pinto ng CR ng dorm room namin, bumungad sa akin si Aris na nakanganga habang diretso ang tingin sa ulo ko.

"Close it. Papasok yung langaw sa bunganga mo." Sabi ko sa kanya. Sinunod niya naman ang payo ko bago niya tinuro ang ulo ko.

"Y...your hair..." Nauutal na sabi niya na para bang nakakakita siya ng multo.

"You like it?" Pabirong tanong ko sa kanya with a shrug. He stared at me while blinking.

"What in the hell did you do to your hair, dude?!" Gulat na gulat na sigaw niya sa pagmumukha ko.

Lumapit sa akin si Aris at kinapa ako, at parang praning na nagsisigaw, "Asan ang buhok mo, drummer?! Asan?!" Nang hindi ako sumagot, hinila niya ang collar ng jacket at seryoso na sinabi, "Sampalin mo ako, please. Nang magising na ako sa bangungot na 'to." Halos maiyak na siya.

Inalis ko ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkahawak sa collar. "This is not a dream, okay? It's real." Kinuha ko ang kamay niya at saka linagay sa taas ng ulo ko. "See? It's fucking real."

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya sa akin. Napagbuntong hininga ako at umupo sa sahig. Habang siya naman, he remained standing up, leaning against the wall, opposite from me.

I didn't say anything and just gestured to the plastic bag na may lamang peach flavored doughnuts.

"You buzzed cut your hair kasi panis yung doughnuts na binigay sayo?!" He gasped.

Kung pwede lang talagang sipain palabas ng kwarto 'tong gago na 'to!

"Anong klaseng kabobohan 'yan? Tingin mo ba isasakripisyo ko yung buhok ko dahil lang sa panis na doughnuts?!" Nandidilim paningin ko dito sa bobong nilalang na 'to. Kumuha ako ng isang doughnut and shoved it right to his face. "Oh. Ayan! Amuyuin mo. Fresh na fresh 'yan, gago ka!"

"Sumosobra ka na, ah. Kanina ka pa nagmumura! What happened out there?!" Tanong niya ulit sa akin.

"Si Peach." Mahina kong sagot.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nakita ko. Sinabi ko rin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko nang makita ko ang nangyari.

"Jesus Christ. And OA mo. 'Yun lang? Tapos you cut your hair? You're so stupid, drummer. Insanely stupid." Humalakhak ng napakalas si Aris while pointing accusingly at me.

"It's cool with me. I didn't like my long hair anyways."

"What the hell are you talking about?! Yung long hair mo yung best asset mo. Nang dahil sa mala-Kurt Cobain mong buhok, girls come flocking to our gigs." Pagpapaliwanag niya. "Look at yourself now. Mukha ka nang adik na nakatambay sa may kanto." Dagdag niya pang insulto.

"Ikaw nga, hindi pa naka-buzzed cut, mukha ng adik."

He rolled his eyes at my statement. Tapos bigla siyang umalis sa kinatatayuan niya at pumasok sa CR. Ilang sandali ang nakalipas, lumabas siya at may dala nang hair bleach.

"Let's fix it. At least sa susunod na gig natin, si Paul Klein na kamukha mo." Nakangisi niyang sabi.

Peach Besario's Point of View

Hindi Nagkatuluyan Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon