Author's Note: Hello, guys! The girl in the photo (the girl on the right side) is Yui Sakuma. Habang nagsusulat kasi ako, siya yung parang naging "mental image" ni Peach. What do you guys think? Bagay ba siya maging si Peach?
— 9 —
Watership Down.
Watership Down.
Watership Down.
'Yan yung book na gustong gusto niya basahin. Sakto lang yung allowance niya kaya di niya mabili yung book, masyado kasing maraming gastusin sa school nung araw. Kaya parati ko siyang sinasamahan pumunta ng book store para basahin yung Watership Down.
Hanggang nung March 5, 2017 — birthday niya. Inabot din ako ng ilang months para mapag-ipunan yung gift ko sa kanya. So, I thought that the book would be the perfect gift for him.
I never thought na kahit natigil na ang pagkakaibigan namin, he will still keep it. Intact din yung libro, walang punit o kahit ano.
"Peach!" Narinig kong sigaw ni Tabs habang tumatakbo siya papunta sa lugar kung saan ako nakatayo. "Peach...peach..." Humihingal na siya nang makarating na siya sa tabi ko.
He leaned on the post to support his weight and said, "They appointed me."
"Appointed? Saan?" Tanong ko sa kanya.
"As our student council's secretary! Ganito kasi, yung dating secretary, nag-resign kasi lilipat na daw ang pamilya sa ibang bansa. At si Pres mismo ang pumunta sa akin and ask for my for my approval!"
Tabs Jalandino's Point of View
1 Hour AgoNagising ako sa ingay ng mga estudyante sa labas ng dorm room ko. "Bawal nga ang babae dito! This is the boys dorm!"
"I am the president of this school and I have the right to do so." Mataray niyang sagot.
Huh? Anong nangyayari? Bakit nandito ang President ng student council?!
"Miss, hanggang jan ka lang! Take one more step at ire-report ka namin sa higher ups!" Pagpipigil ng isa pang boses. Si Benj.
Kahit gaano pa kagulo sa labas, mas pinili ko pa rin na mag-snuggle sa kumot at ipagpatuloy ang beauty sleep ko. Ilang oras na lang kasi at breakfast time na. And I chose to seize the remaining minutes.
"I am the higher ups." Mayabang nitong pagde-deklara.
I had my eyes shut pero umi-eavesdrop ako sa usapan nila sa labas. 'Di ko talaga mapigilan. Nasa dugo ko na ang pagiging chismoso.
"No! No! No!" Pagpigil sa kanya ng mga lalaking estudyante habang may narinig akong pagbukas ng pinto.
"James Jalandino." May tumawag sa pangalan ko. Seryosong seryoso ang boses. Nang hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa pangalan ko, naramdaman ko ang biglang paghablot sa kumot ko.
"James Jalandino. Get up. It is an order from your president." Pag-command niya sa akin, mala-robot ang boses.
"Di naman ikaw yung binoto ko during election, eh." I murmured, eyes still shut.
"Luh. Tingnan niyo yung itsura niya, oh. Parang stack ng burger patties." Insulto ng isang lalaking kulang sa aruga. At yung mga minions niya naman, tumawa. Kung makapanlait, akala mo naman. Perfect kayo, perfect?!
Dinilat ko ang mga mata ko ng narinig ko 'yon. That's when I realized it. The burger patties, they're referring to my stomach. Which means...
I bolted up and looked down.
BINABASA MO ANG
Hindi Nagkatuluyan Sa Huli
Ficção AdolescenteNaka-move on ka na ba talaga? Eh, paano kung bumalik si first love?