Chapter Five: Abs Versus Belly Fat

61 10 2
                                    

— 5 —

I am exhausted.

Parang bumibigay na ang katawan ko.

Ikaw ba naman, uutusan na ikutin ng 100 beses ang buong courtyard. In-assure kami ni Coach Nikos na ie-excuse niya kami sa mga classes namin dahil kailangan naming magawa ang parusa na pinataw niya sa amin.

Actually, nasa school rules din 'yan. Kapag nahuling nagka-cutting class ang mga estudyante, dalawang punishment ang ibibigay sa kanila. One, yung pag-ikot sa courtyard ng isang daang beses at two, mami-miss namin ang ilang classes namin hangga't hindi namin natatapos ang pinapagawa sa amin. It's a bad thing kasi hindi kami makakasama sa mga class discussions.

Tanghali na nang matapos naming ikutin ni Achilles ang buong courtyard.

Hindi namin kinausap ang isa't isa. Matapos siyang makapagpahinga ng ilang saglit, tumayo siya at saka umalis nang hindi man lang nagpapaalam. It's rude. Kahit simpleng "Mauna na ako." will do.

This version of Achilles is scary. I don't like it. Hindi ito ang Achilles na nakilala ko 3 years ago.

Achilles na may bisyo. Achilles na walang manners. Achilles na cold. Sali na rin natin ang Achilles na matangkad at may kaunting pimples.

Sabagay, lahat ng tao nagbabago. Anything can change within seconds. 3 years pa kaya?!

Rios Gatchalian's Point of View

Hindi kami nagkasabay mag-lunch nina Peach at Tabs. Nagka-problema kasi sa music room. Habang nagpa-practice yung mga ka-banda ko nagkaroon ng suntukan at nadamay sa gulo ang vocalist namin na si Aristides Auxtero, o Aris.

Wala na ang mga kasamahan ko sa music room kaya tumakbo ako papunta ng infirmary. And I was right. Pagpasok ko sa infirmary, bumungad agad sa akin ang isang Aristides na puno ng dugo ang uniform. Dumudugo ang ilong niya at may cut din ang bottom lip niya.

"Hey, Drummer." Nakangising bati niya sa akin. Pati mga ngipin niya, may dugo rin.

"Basagulero ka na pala ngayon." Biro ko sa kanya.

Pilit siyang ngumiti pero halata sa mga mata niya na iniinda niya ang sakit. Umupo ako sa tabi niya habang abala ang nurse na ginagamot ang sugat niya sa mga daliri niya.

"Saan yung iba?" Tanong ko. Si Blue, yung bassist namin. At si Sawano, lead guitarist namin.

"Andun. Kinakausap yung mga gago na pasimuno ng gulo. Tuturuan daw nila ng leksyon."

Ang dahilan daw ng pangyayari ay ang pagsugod ng isang miyembro ng Marching Band ng uni, nang lasing. Hindi alam ng kasamahan nito kung saan niya nakuha ang alak na ininom niya. Inatake niya si Aris dahil daw crush ito ng kanyang girlfriend. Syempre, hindi nagpatalo si Aris at lumaban din. Umaksyon ang mga kasama niya at pinagkaisahan si Aris, buti na lang at dumating sina Blue at Sawano. At dun nagsimula ang gulo.

Hapon na nang makaalis kami sa infirmary. Pinabantayan kasi sa akin ng nurse si Aris habang natutulog, kailangan niya rin daw asikasuhin yung tatlong bugbog sarado ding mga estudyante na sangkot sa nangyari.

Napadaan kami ni Aris sa may soccer field kung saan may nagaganap na tryouts. Nandilim ang paningin ko ng mamukhaan ko ang isa sa mga nakasali.

Si Achilles.

"Tingan mo, oh! May tryouts. Halika. Manood muna tayo." Pagyaya niya habang hinihila ako papunta sa field. Kahit labag sa kalooban ko, hindi ako umangal.

Kasi deep inside, gusto ko rin masubaybayan ng malapitaan itong Achilles na 'to. Gusto kong malaman kung anong nagustuhan ni Peach sa kanya. Nung first week pa lang ng panliligaw ko, wala na siyang ibang bukambibig kundi ang lalaking 'to.

Hindi Nagkatuluyan Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon